Chapter 75: Telephone Call

25 2 0
                                    

Zach's POV

I groaned. Nagising ako dahil sa bwiset na alarm clock. Dali dali ko naman pinatay, at nag taklob ulit ng kumot. Hindi naman siguro ko malelate pag natulog pa ko ng konti?

Patulog na ko ulit ng tumunog ang phone, oh darn it!!

"Ano?!" sagot ko, napahagikhik naman yung nasa kabilang linya.

"Baba ka na baby, I made a breakfast for you." malambing n'yang sabi, napabalikwas naman ako.

"What the hell? Anong sinasabi mo?" iritado kong sabi, lumabas na ko ng kwarto ko at nadatnan ko sila.

"Sinong nagpapasok d'yan?" tanong ko kay Simon, dumaretso ko sa cr para maghilamos.

"Ako malamang? nakita ko kasi s'ya kanina sa labas ng unit mo." kibit balikat n'yang sagot, habang kumakain ng sinangag at bacon na siguradong niluto nitong babaeng 'to.

"Ba't mo pinapasok? Where is the invasion of privacy kunno na sinabi mo dati?" walang emosyon kong sabi, at nag timpla ng sarili kong kape.

"Ako nala--" pag boboluntaryo ni Mich.

"No need." napasimangot naman s'ya at umupo nalang.

"What's the problem? E kaibigan mo naman 'to, tsaka nakakaawa mukang kanina pa sa labas." napatingin naman ako kay Mich.

"You didn't sleep.. again, right?" napatigil naman s'ya sa pag kain nang sabihin ko yun.

"Huh?" tanong ng magaling kong pinsan, I guess hindi n'ya ko narinig.

"Two, hahaha ano ka ba! I should used to it." natatawa n'ya pang sagot sakin, wth? 2 hours lang?

She has an Onset Insomnia or Maintenance Insomnia it is hard for me to identify lalo na at parehas s'yang may symptoms nito, and I'm not a doctor so. When night comes she has a difficulty to sleep, but then like maintenance insomnia she wakes up too early.

"Anong pinag uusapan n'yo? Wala kong maintindihan." reklamo ni Simon, na kumukuha na ng tubig sa fridge.

"Wala HAHAHAHA by the way attorney salamat sa pag papatuloy sakin dito." tatayo na sana s'ya nang agad kong niligpit ang pinag kainan.

Hindi ako sanay kumain sa umaga kaya kaunti lang ang kinain ko.

"Simon, mukang wala ka namang ginagawa pwede mo bang ihatid si Mich sa kanila?" natapos kong hugasan ang pinag kainan namin.

"Pupunta ko sa office ngayon eh, may hearing bukas." ngayon ko lang napansin na dala n'ya yung coat n'ya, naka tshirt lang naman kasi s'ya habang nakain kanina.

Sinamaan ko s'ya ng tingin, habang nakuha n'ya pang ngumiti. Anak ng!!

"Pa'no insan, mitchy? Una na ko." sabi n'ya pa at kumaway, bago lumabas ng unit ko binato ko sa kanya yung tsinelas ko pero huli na at naisara na ang pinto.

"Ligo naaaa!" sabi ni Mich na ngingisi ngisi pa, pag babantaan ko na sana s'ya nang pangunahan n'ya ko.

"Go na, hindi na ko ulit sasagot ng tawag mula sa phone mo even text." sabi n'ya at nag peace pa.

"Siguraduhin mo, pero pag may nakita kang 'SA' bago yung name sabihin mo agad sakin." sabi ko, tumango naman s'ya. Pumasok muna ko sa kwarto para kumuha ng t'walya, bago bumaba at maligo. 'SA' is Senior Architect.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon