Chapter 66: Truth Hurts

37 3 0
                                    

Althea's POV

Hindi ko parin makalimutan yung sinabi ni Ate Jhanna, what if nga naman na hindi ako yun? Wala naman syang sinabi na ako lang diba? If you'll think na napapraning lang ako, sana nga ganun lang.

Kaya nung nag vc si Kuya Ethan samin kanina ngumiti lang ako at di na nag salita, buti nalang talaga at inoff na ni Cass siguro she felt din na medyo uncomfortable kami ni Dane, kasi nung bumalik si Dane patay na yung phone ni Cass.

"Tara arcade?" suggestion ni Jessica na nakapag pagaan naman ng loob namin.

Nakarating kami sa arcade at nag papalit na ng tokens si Dane ay sinamahan ni Jess dun sa may claw na makakakuha ng stuff toys, at ako naman pumunta kami dun sa may parang manghuhuli ng fish basta alam nyo na yun.

"Okay ka lang?" sabi ni Cass habang iniikot yung panghuli ng isda (di ko po talaga alam tawag don) , napatingin tuloy ako sa kanya. Buti pa sya malinaw sa kanila ni Kuya kung anong meron sila. Ngumiti lang ako at nag patuloy sa pag lalaro, ang dami naming nakuhang ticket don.

Next thing is videoke, na occupy namin yung isang cubicle at namili na kami ng kanta, solid na sana but then bitin parin. Palabas na kami ng arcade ng bigla nalang kaming harangin nung isang bokalista dito rin sa arcade may sarili syang place dito kaya ang public pag nakanta sya.

"Hi! I'm Nico sino sa inyo marunong kumanta? I just need a duet promise 'di kayo magsisisi enjoy to." sabi nya, siguro he's mid 20's, mga kasing edad nila Zach.

"Trip mo Alth? Marunong ka diba?" panghihikayat pa ni Jess, napatingin naman ako sa kanila. Nakatingin din sila sakin, anak ng!

"Go ako." pag sabi ko nun, kan'ya kan'ya sila ng reaction "yes!" "naks naman"

"Kala ko ayaw mo nang kumanta?" sabi ni Cass sa likod ko. Nginitian ko ulit sya.

"Minsan lang naman." sabi ko may sofa sa gilid nung mini stage dito kaya dun sila nakaupo.

"Kinakabahan ka?" tanong nya sakin.

"Oo, 'di ako sanay sa stage eh." sabi ko at awkward na tumawa.

"Dun tayo sa baba gusto mo?" biro nya.

"Hindi okay na dito, ano palang kakantahin natin?" tanong ko na nakatingin dun sa mga papel na nakalagay sa isang stool.

"Actually tatlo yung kanta dalawang solo then isang duet, okay lang ba?" sabi nya na parang may ginawang mali.

"Nasan ba yung kasama mo kanina ba't nawala?" sabi ko, kanina kasi may kasama syang girl.

"Ah kapatid ko yun, nag ka lbm sabi ko umuwi na. E kaso eto nga meron pa palang isang pang pambabae at isang duet." sabi nya.

"I think wala akong choice? HAHAHA sige na tara let's start." sabi ko at tinest yung mic.

"Ay teka si JC, BJ, tsaka JL sila yung sa instruments." kumaway sila at tumango na ko.

Nag simula silang tumugtog at sumabay naman si Nico, solo nya muna ngayon and he's singing "Hanggang Dito Nalang" by TJ Monterde (pwede rin atang Jimmy Bondoc)
Ang sarap sa tenga nung boses nya, may emotion broken ata si kuya hahaha.

"So hi guys we have a guest, actually nahila ko lang s'ya kanina." nagulat nalang ako ng may mga tumawa at nag palakpakan, may audience na agad kami, may nag pipicture pa sa kanya. Gwapo ka po? hahaha.

"Si Miss Althea nga pala ang girl vocalist natin ngayon, kasi wala si partner." sabi n'ya may mga nadisappoint pero may mga nagsabing okay lang daw.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon