Chapter 64: Ano daw?

30 6 0
                                    

Dane's POV

Kila Jess na kami naki tulog, although nag woworry mama nya baka daw mag alala parents namin. Nag paalam naman ako kay mom, I already told her na baka dito na kami makitulog kasi nga may inaasikaso kami. Sabi ko pa sa kanya it's for the society, pero tinawanan ako? Tama ba naman yun?

"Daneeee nag tothrowback ka?" hagikhik ni Jhanna, binato ko naman sya ng unan. Nandito kami sa kwarto ni Jess 1 am na ata, buti ginawa nilang online class may aberya daw sa school namin, two months nalang gagraduate na sila Jack tsaka yung mga mokong, mag kabatch nga pala sila ni--

"Dave!" sigaw ng kung sino.

"Ha? San?" gulat kong sabi.

"Hatdog! Sandok!" sigaw sakin ni Alth at tumawa sila.

"Ayan isip pa moreee." sabi ni Jhanna, sinamaan ko naman ng tingin.

"Pero yung totoo pre," sabi ni Cass.

"Walang totoo lahat sinungaling." sabi ko, napa "ohh" naman sila.

"Sht, tamaan ka po brader deyb!" tawa ng tawang sabi ni Alth.

"Kuya Dave is shaking HAHAHAHA!" dagdag ni Cass.

"Maiba ako, malapit na kaming gumraduate nila Zach!!" natutuwang sabi ni Jhanna at nag tatalon pa.

"Hala mag tatrabaho na kayo, di ko na ganung kadalas makikita sila Jackson at Kuya." naka pout na sabi ni Alth.

"Sus! si Zach kamo nako little sis ilang taon na yang crush mo sa kanya, may idea ba sya dyan?" sabi ni Jhanna.

Althea's POV

"Uh.. sabi po kasi nya last time na nag usap kami--"

"NANLILIGAW NA SI ZACH SA KANYA ANO KA BA! HINDI MO ALAM?" sabat ni Jess, napakunot naman ang noo ni Ate Jhanna.

"Ha? Ang alam ko meron syang nagugustuhan." pahina ng pahina yung boses ni Ate.

"Edi si Alth yun, sino pa?" sinubukan ni Cass tumawa pag sabi nya non pero halatang pilit.

Ayoko sanang isipin yung posibilidad pero biglang lumakas yung tibok ng puso ko, parang may kumirot.

"Sorry but I doubt na si Althea yun." pag sabi ni Ate Jhanna nun, parang naginit yung mata ko.

"Tulog na tayo." sabi ko at humiga na, tatlo kami nila Cass dito sa kama ni Jess, si Ate Jhanna at Dane naman sa folding bed na king size sa tabi ng kama.

Humiga ako ng daretso at tumingin sa ceiling na puro glow in the dark na white stars. Nang magsalita si Cass.

"Ayokong malaman na totoo yun." sabi nito.

"Baka mabigwasan ko manakit sa inyo." pabulong na sabi ni Jess. Napatingin ako sa kanila at ngumiti, maya maya pa ay nakatulog na kami.

Jacer's POV

Tumunog yung phone ko kaya kinuha ko agad, 6 am palang. Ang aga naman, sino ba 'to? I clicked the Gmail ng makita kong may nag send ng message dun. It's from 'thedavecruz@gmail.com' kaya binasa ko ito.

From: thedavecruz@gmail.com
To: jaxelee@gmail.com

Cease Fire. Next time na gera. May pinadala kong gamot to decrease side effects of the drugs. Yun lang. K.Tnx.Bye.

"Ano 'to?" wala sa sarili kong sabi.

"Alin kuya?" tanong ni Jaey sakin. May dalang pagkain.

"Biglang ceasefire nag message si Dave." sabi ko na di parin makapaniwala.

"Akala ko naka settled na sa linggo?" sabi nya nagtataka na rin.

"Kala ko ren." sabi ko. Tumayo ako pero kumirot yung sugat ko, kinuha ko na yung dala ni Jaey.

"Tara dun na tayo sa labas." sabi ko kinuha nya naman yung pagkain. Pag dating namin sa kusina nadatnan ko si mama.

"Ma, bat kayo nandito?" tanong ko.

"Malamang naaksidente ka! Kung di ko pa gisahin tong si Jaey aba hindi sasabihin sakin?" sabi ni Mama at niyakap ako.

"Aray!" napasigaw ako dahil sa sakit ng madali nya. Nag sorry naman sya at nang tanghali nag luto sya ng pork steak, ayaw pa sanang umalis pero tumawag na yung secretary nya.

"Ma, mag ingat kayo sa bahay." sabi ko at hinalikan sya sa ulo. Bago sya umalis.

"Tara." sabi ko kay Jaey, sakto namang dating ni Zach at Ethan.

"Kanino 'to? Ang bigat parang babasagin." sabi ni Zach bitbit nya ang isang kahon, nakalagay ang 'DK' .

"Akin na yan, pang medical purposes yan oh, halata sa box." kinuha yun ni Jaey. Pag bukas nya may mga maliliit na gamot tsaka syringes.

"Oh antibiotics makakatulong 'to." sabi pa nito.

"Pinadala yan nila Dave." sabi ko, napakunot naman yung noo ni Ethan tapos tinignan yung may sulat na 'DK' itatapon na sana nila pero sinabi ko ang magic word! HAHAHAHA pambabae amp.

"Ceasefire daw kase." natigilan naman sila.

"Si Dave humingi ng ceasefire talaga ba?" sabi ni Ethan.

"Malay nyo gusto lang talaga ng time out?" tanong ni Zach.

"Tara na!" nabubugnot kong sabi tsaka lumabas.

Lumabas kami at ginamit ang sasakyan ni Ethan. Dumaretso kami sa HQ nila, alam namin syempre. Bumukas naman ang gate at nakapasok kami, parang welcome huh?
May pintuan naman na bumukas at lumabas ang DK Gang. Bumaba naman kami nila Zach, Ethan at Xen. May dumating namang umaarangkadang motor ng tumigil to, si Jackson pala. What the-- bat may dala 'tong baril?

"Oh di nyo ba nasabihan si Jackson?" Tanong ni Vince at tinaas ang mga pusibleng lagyan ng armas, wala kahit isa.

"Ay ano ba 'to? Kala ko Gang Raid?" napakamot na sabi ni Jackson at nilagay nilagay nalang sa motor nya.

"We have a deal." sabi ko, napatingin naman sila sakin.

"Tara sa loob tayo init dito eh." sabi ni Dave. Dinala naman nila kami sa ibang part nitong HQ nila yung mas pormal na parte.

Pag pasok namin merong dalawang mag kabilaang sofa at isang mahabang table sa gitna, then flat screen tv at bote ng champagne at iba pang klase ng alak sa gilid. Nag bukas naman yung babaeng kasama nila, Cathy ata ang pangalan. Naupo kami na mag kabila base sa gang.

"So what's the catch?" tanong nung babae, muka namang disente kumpara sa ibang gang sila ang pinaka disente. Ano nga bang kaya namin ioffer? Actually wala pa talagang plano, we will just try if pwedeng okay ang both sides.


#####

A/N: Keep safe!! Love u guys. Vote and support ♡

-A💜

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon