Chapter 80

80 3 3
                                    

Ethan's POV

Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko hindi ko nga alam kung pa'no kami nakabalik dito sa room. Basta nalang akong tumayo mula sa sofa muntik ko pang matapakan sila Jacer.

"Hell." sabi ko habang nag lalakad palapit sa ref at kumuha ng tubig, deretsong ininom ito.

"Morning." sabi ni Cass, kasunod sila Faye na nakahawak sa ulo.

"Saket neh." sabi ni Faye, pumasok na rin si Johanne sa kusina pero mukhang ayos lang.

"I'll gonna buy medicines para sa hang over n'yo." sabi nito at pumasok sa kwarto namin, sumunod naman ako para sumama.

Nasa elevator kami ng mag salita si Johanne.

"I didn't know na close pala yung Nicholai sa inyo?" bigla nalang akong napaisip kung anong nangyari kagabi pero lalo lang sumakit ang ulo ko.

"Nag text pala si Jackson kanina makakabili daw tayo ng gamot sa pharmacy sa baba." napa 'sige' nalang ako.

"Madaldal pala yun." sabi nanaman ni Johanne habang kunot na ang noo.

"What happened?" tanong ko nang makarating kami sa floor na parang may infirmary din katabi ang pharmacy.

Binanggit ni Johanne ang mga gamot na kakailanganin namin bago humarap sa'kin.

"He carried your sister pabalik sa room, tumulong din s'ya na alalayan KAYONG mga lasing na." sabi nito na parang kasalanan namin na nalasing kami.

"Oh? Eh si Zach walang ginawa?" tanong ko sa kan'ya, nagkibit balikat s'ya habang kinukuha ang mga gamot.

"Ewan ko d'on. Ginising ko kasi s'ya nung buhat na ni Nicholai si Alth, tumingin lang s'ya dun sa dalawa, nakuha n'ya naman makabalik dito mukhang hilo pa nga eh." napaisip tuloy ako kung magseselos si Zach kay Nics, natawa nalang ako sa isip ko.

Pabalik na kami sa kwarto ng maisipan naming iinform nalang ang staffs na mag paparoom service nalang kami.

"You we're all drunk last night, actually ako din naman pero atleast ako hindi logtu kagabi." pasimulang kwento ni Johanne habang paakyat kami sa room namin.

"Then suddenly dumating si Nico, I'm not yet familiar to that boy kaya akala ko kung sino. But then parang may hinahanap s'ya tapos nilapitan yung kapatid mo." napakunot naman ang noo ko.

"Anong ginawa ng kapatid ko?" tanong ko, nagkibit balikat naman s'ya.

"Muntik sukahan si Nico, buti yung isa mabilis makaramdam agad n'yang inalalayan sa cr." tatawa na sana ko kung hindi lang kumirot yung ulo ko.

Tuloy naman ang kwento ni Johanne hanggang sa makabalik kami sa kwarto, malinis na ang lapag pero nakahiga parin si Jacer sa couch. Si Dane at Cass naman ay may inilatag na mababa na lamesa sa may living room netong kwarto namin, agad naman kaming tumulong at nag luto na pala sila ng agahan. Crab soup, ham at omelette, agad naman dumating sila Jack na sapo ang ulo n'ya kasama nito si LM.

"Oh kain na." sabi ni Dane ng malagyan n'ya ang kan'ya kan'ya kaming mga bowl.

"Gisingin mo na si kuya." bulong ni Cass kay Jessica, rinig ko kasi nasa gitna nila ko.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon