Chapter 54 (She's back)

86 7 1
                                    

Althea's POV

"Ethan naman ano ba yan! Wala ka bang dalang extrang gulong?" inis na sabi ni Cass, panong hindi e na flat yung gulong antagal pang kumilos ni kuya.

"Hay nako palpak." bulong ko sa sarili ko, kaya napagdesisyunan kong tawagan si Zach, sagutin na kaya?

*ring ring* *ring ring*

----------------------------------------
Zi❤️

Alerting..


End
_______________________

*toot*

Ah okay, sabi ko nga baka tulog na.

*Peep peep*

napalingon ako kung san nanggaling yung busina, at may tumigil na isang.. jeep? anong kalokohan 'to?

"RJ? Anong-?!" naputol yung pagsasalita ni Cass ng sumabat si Jeff.

"Commander Richard. Nakaduty ako." pag tatama nito kay Cass.

Cassandra's POV

Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang paa, naka duty nga. Naka pang army syang damit at shorts.

"Anong duty?" taka ko paring tanong, tinuro nya naman yung laman ng jeep may mga plastic I guess mga canned goods and mga damit.

"Free foods and clothes para sa mga nasunugan at kung ano ano pang kalamidad na nangyari, dadalhin ko sana  sa HQ, some donations." sabi nito, napatango naman ako di mapagkakailang mabait talaga sya.

"E sir bat mag- isa ka? Nasan yung iba?" tanong ko

"Nauna na. Saan ba kayo? Hatid ko na lang kayo." pag kasabi nya 'non pumasok agad ako sa jeep, yung mag kapatid naman nakatingin sakin kaya sumilip ako.

"Come on." sabi ko, wala naman silang nagawa.

Hanep naman kase masisiraan sa may kakahuyan pa (lalim nun) pero long road kasi 'to kaya parang may mga palayan pa sa gilid. Nag pababa na lang kami kay RJ ng makita namin ang main road.

"Sir ingat ka." sabi ko at ngumiti, pababa na sana ko ng hawakan nya ang palapulsuhan ko.

"Hey let's hangout pag may time." sabi nito

"Okay, sige babye." sinabi ko at kumalas na lang sa hawak nya. Tinanaw ko pa ang tinahak nyang daan.

"Tsk." napatingin naman ako sa lumagitik, si Alth. Pag baling ko kay Ethan ang sama ng tingin nya sa phone nya at nagtitiim bagang na, 1 am na rin baka wala syang makuhang taxi?

"Lagot ka, nakita nya 'yon" bulong sakin ni Alth. May naghinto naman ng itim na kotse sa harapan namin, yumuko yung lalaki kay Ethan tanda ng pag galang. Teka kanya yan? Binigay kasi nung lalaki yung susi kay Ethan.

"Hop in." plain na sabi nito at pumasok na kami pero sya pabalabag na isinara yung pinto.

"Sht" pigil hininga ako ng bigla nyang pinaharurot yung kotse. It took a couple of minutes at nakahinga na rin ako ng maluwag ng dahan dahan na syang nag drive, peew~

*ring ring* sinilip ko naman kung sinong tinatawagan ni Ethan, it was kuya.

*toot* pinatay nya, tinry nya naman tawagan si Jackson pero di rin sinasagot? The last is si Jaey Denom, finally he picked up.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon