Chapter 59: Preparation Filmfest

59 3 0
                                    

Ethan's POV

"Okay cut! Ayos kailangan na lang natin ulitin yung ibang scene para makapag submit na." sabi ko sa buong production team.

"Balik kayo dito after class. Amy pa linis nalang muna ng scripts." dagdag ko pa dahil kalat kalat pa yung mga script dito sa stage nasa auditorium kami ngayon.

"Sige erp." sabi ni Amy, tomboy yan. Pag kaalis nito kaagad naman dumating si Jessica.

"Ethan late na ko?" tanong nya.

"Nag take kami nung ibang scene kanina, may klase pa sila Amy eh." sabi ko.

"Kakadismiss lang namin eh." sabi nya.

"Hinde, okay lang yun. Dito ka ba muna? Kakain muna ko sa labas dadaanan ko si Jackson." sabi ko, may klase pa si Cass at Alth.

"Ang alam ko free time ni Jacer ngayon." sabi nya.

"Tara, bakit kasi ang lalayo ng mga department natin." reklamo ko, panong hinde sila Cass, Alth at Zach ang magkakalapit ng department/building. Tapos kami nila Jess, Jacer at Jack ang mag kakasama, pinag halo halo kasi kaya mas nakakalito di ko talaga alam trip ng mga tita ni Jackson.

Nag lalakad kami pababa ng may mag takbuhan.

"Ano yun?" tanong ko napalingon kami kung san galing, wala namang kung ano dun, weird.

Jessica's POV

Bago pa may mag takbuhan ramdam ko na parang may nag mamasid samin.

"Ano yun?" tanong ni Ethan.

"Tara na, paka chismoso eh." sabi ko.

"Malay ba natin kung nandito din sila Dave." napatingin ako sa kanya, seryoso pagkakasabi nya.

"That's not a good joke." sabi ko at nauna na sa paglalakad.

"I'm not in the mood to joke, mas mabuti ng nag iingat kayo." sabi nito, at sumabay na ng pag lalakad. Nakarating kami sa room ni Jack ng hindi nag uusap, parehas nag iisip.

"Oh bro, bagal n'yo gutom na ko." sabi ni Jackson habang nag lalakad na kami papunta sa room ni Jacer.

"Sana kumain ka na sa canteen para less expenses ko mamaya sa fast food." sabi ni Ethan.

"Lagi mo nga pala kong libre no hahaha ang lakas ko sayo." pangbubwiset pa ni Jack.

"I have no choice, hindi ka nag bibigay kahit piso pag bayaran na." sabi ni Ethan, natawa naman kami ni Jack, totoo naman kasi napaka kuripot.

"Hey." sabi ni Jacer na naglalakad na palapit samin, nakatingin sakin.

"Uy, free time ka diba?" sabi ko

"Yep, 4pm pa next class." sabi n'ya

"Mamaya na usap, gutom na rin ako mag tu-12 na." sabi ni Ethan, at nanguna mag lakad papunta sa parking. Mabilis kaming nakarating sa kotse n'ya at dumaretso sa isang fast food. Natapos kami kumain ng hindi nag sasalita or nag uusap manlang, ang weird na.

Jacer's POV

Nag beep ang phone ko ng pag tapos nilang umorder, narinig ko ring tumunog yung kay Jackson. Sa group chat pala namin yung tumunog. Di naman to ginagamit ngayon nga lang ata may nagchat.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon