Chapter 78

29 3 0
                                    

Dane's POV

"YA!! ANG GANDA DITOOO!" sigaw ko.

Last week pa kami nakarating dito sa palawan pero ngayon palang kami pwedeng makagala dahil sa higpit ni manager.

"We should have a vacation here." nagulat nalang ako ng makita si Dave na hindi na nakauniform sa katabing kwarto.

"Yep, ang ganda dito." sabi naman ni Miko na tinatanaw ang buong Coron.

Sa isang hotel lang nag stay ang mga staff, managers, and kaming models. I don't know na dito rin pala sila at wow ha mag ka tabi pa ang veranda namin.

"Dalin mo jowa mo Cap." sabi agad nito kay Dave, napakunot naman ang noo ko habang dinadama ang hangin.

"Psh." sabi ni Dave halatang nainis.

"Ay teka Cap wala ka nga pala non HAHAHAHA." habol ni Miko pumasok sila sa sariling kwarto at iniwang bukas ang pinto ng veranda.

"Hey, you fine?" tanong ni Jess, umupo naman ako sa may sementong railings makapal naman so hindi ako mahuhulog.

"Oo naman, why?" tanong ko ng nakangiti.

Natigil naman kami ng may humampas sa pinto dali naman pumunta si Jess para pag buksan at nag mamadali naman lumapit sakin si Dave dahilan para muntik na kong tumuob pero agad n'yang nahapit ang bewang ko palapit sa kan'ya.

"A-Ano bang-" hindi ko na natapos ng ibaba n'ya ko mula sa kinakaupuan ko at icorner ako.

"Don't do that again. Pa'no kung nahulog ka?" halata ang inis sa tono n'ya.

"Edi patay." simple kong sabi kahit na alam kong nanginginig na ang tuhod ko at bibigay na kung hindi s'ya nakaalalay sa may bewang ko.

"Ya! H'wag ka ng uupo d'yan kung ayaw mong ipabaklas ko yan." rumehistro ang galit sa mga mata n'ya habang pinupukulan ng masamang tingin ang inuupuan ko kanina.

"Ba't.." hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, masaya na nakakatouch kase may pake pa naman pala s'ya? o maiinis at magagalit dahil ano ba naman pake n'ya saken? What I even thinking?

"Kung gusto mong umupo.." sabi n'ya at bigla nalang humila ng upuan, umupo s'ya dun at bigla nalang sa isang iglap naka upo na ko sa may hita n'ya, WHAT THE F!

"Dito ka umupo, hindi ka pa mapapahamak." dagdag n'ya at pinalibot ang kamay sa bewang ko para bang yakap n'ya ko nang subukan kong tumayo.

"Dave, enough." nanghihina kong sabi, darn ang hina ko parin sa kan'ya.

Pinakawalan n'ya ko at tumayo na ko ng ayos. Tumayo narin s'ya at inusod ang upuan sa kinalalagyan nito kanina.

"Don't die, babawiin pa kita." sabi n'ya at walang ano ano'y lumabas sa kwarto namin, natulala ako matapos 'yon.

"Ang cool." sabi ni Jess na galing sa cr, nag half bath ata to habang nag uusap kami ni Dave, naka bathrobe pa eh.

"Alin?" tanong ko na uminom na ng tubig.

"I heard it all, kala ko mawawalan ka na ng lovelife eh." naka ngisi n'yang sabi na nag suklay ng buhok at nag pabango.

"Aalis ka?" tanong ko tumango naman s'ya.

"Yep, ngayon dating nila Jacer tsaka ng tropa." sabi nito habang nag hahanap ng isusuot.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon