Chapter 45: Therese

287 8 10
                                    

Ethan's POV

Pag katapos ng pag kukwentuhan namin kanina, bumalik muna ko sa kwarto ni Alth nadatnan ko na lang si Johanne na nag se-cellphone, si Jacer at Jessica na nag uusap, at si Zach na natutulog sa gilid ng kama ni Alth habang hawak ang kamay nito. Ginising ko naman sya..

"Hmm.. bakit?" sabi nya habang nakapikit pa ang mata.

"Pre hindi ka pa ba kakain? Alas cuatro na di ka pa nag lulunch." napamulat naman sya at dumaretso sa banyo para ata maghilamos.

"May pag kain pa ba?" tanong nya habang naghihikab pa.

"Meron dyan sa lamesa binili ko bago bumalik dito." sabi ko, pumunta naman sya sa lamesa at kumain na.

"Zach, balik muna ko kay Cass ganitong oras kasi sya ichecheck up." sabi ko

"Ah sige." sabi nya pag kainom ng tubig

"Uy uy san ka pupunta?" biglang sabi ni Jessica, napatingin din si Jacer.

"Kay Cass." sabi ko

"Na naman?" sabay na tanong ni Jacer at Johanne, oh akala ko ba hindi nakikinig si Johanne? tsk chismoso.

"Yep. Una na ko." sabi ko at daretsong binuksan yung pinto

"Sama ko." pahabol ni Jess, tumango na lang ako. Habang nag lalakad kami bigla syang nag salita.

"Ethan pano kung--" pinutol ko na yung sasabihin nya

"Wala. Walang mangyayari kay Cass." sabi ko, napakunot naman yung noo nya

"Huh? Sinasabi mo? Di pa kasi ko tapos mag salita." sabi nya, napakamot naman ako sa ulo ko.

"Akala ko kasi-- tsk. ano ba yun?" sabi ko

"Sabi ko pano kung may mag sabi sayo ng panget ka anong gagawin mo?" natatawa nyang sabi. Psh. nonsense.

"Wala." sabi ko

"Ano? Bakit wala?" sabi nya pa

"Wala kasing kwenta yung tanong mo." sabi ko at nauna na sa kanya, nang makarating kami nakita kong kakapasok lang ni Emman na may suot na mask at gloves.

"Nurse pwede ng pumasok?" biglang sabi ni Jess, napatingin naman yung nurse ito ata yung kasama ni Emman kanina.

"Hindi pa po pwede." pokerface na sabi nito, aba kuhang kuha si Emman ah

"Bakit?" bigla ko na lang nasabi, napatingin sya sakin 

"Mahirap na po kasi pag nakakuha sya ng bacteria from outside, baka imbis na gumaling baka mag kaconflict pa dun sa sugat nya sa braso." sabi niya

"Okay." sabi ko na lang, transparent naman 'tong glass kay kita ko kung pano icheck up ni Emman si Cass.. di ko maipagkakailang magaling sya sa profession na pagiging doktor.

Maya maya lumabas na rin sya, lumapit sya samin ng nakangiti.

"Uy kuya! Jess!" masaya nyang bati

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon