Chapter 58: Clear things up

94 5 0
                                    

LM's POV

Naglakad sya palapit samin, nagtatakbo naman kaagad si Kean papasok sa kanila. I feel betrayed. Malapit na sya sakin kaya napaatras na ko pero..

*MWEOW!* napalingon na lang ako ng maapakan ko yung pusa at nag tatakbo paalis.

Paglingon ko kay Jackson hinapit nya na ko sa bewang at sinandal sa kotse.

"Sigurado ba kayo sa pantitrip nyo sakin ng kapatid ko?" sabi nito at mas lalo pang inilapit ang muka nya, pakiningsyet!

"Si Kean 'yon, hindi ako." pagrereklamo ko.

"Hindi nga, pero yung kay Simon." sabi nito at nagdilim ang paningin habang nakatitig sakin. Napalunok na lang ako.

"Na misunderstood mo lang yun." sabi ko

"Really huh? Naglalandian pa kayo sa school kanina." sabi niya ng nakataas ang kilay, ano 'to sya lang may karapatang mag selos.

"Then who's Raven? Joy? Molly? Lyn--" nagulat ako sa mabilis nyang pag halik sakin.

"Ilugar natin ang pag seselos, pag usapan na lang natin ng maayos." pag sya ang nalandi biglang mag papakilig? ano ba ang unfair!!

"Dun kayo sa kwarto wag dyan." sigaw ni Kean mula sa loob kaya namula ako at hinila na lang si Jack papasok sa kanila. Pagkapasok palang amoy na ang Mc & cheese ni tita.

"Kain na, bago kayo magkainan." napahagikhik na tawa ni tita. Bat ganito sila.

"Ma naman." sabi ni Jack

"Baket? Osya kain na." sabi ni tita, nagdasal muna kami at kumain na.

Dapat mag-eeat and run ako ang kaso nakipag laro pa ng billards si Kean kaya pinag bigyan ko na. 8:30 siguro niyakag ako ni Jackson sa kwarto nya, nang pumasok ako iba na ang ayos nito. It is more look like galaxy.

"Wow." nasabi ko na lang, tinignan ko ang book shelves nya more on fantasy at history ang mga libro nya. Yung movies namang fantasy at horror, ang linis dito.

"Ligo lang ako saglit, pangalan mo yung password ng lahat ng gadgets dito.. if wala kang magawa." sabi niya at dumaretso na sa banyo. Napatingin naman ako sa isang pinto pag bukas ko walk in closet nya pala 'yon katabi sya ng cr, pag pasok ko may pinto pakaliwa siguro dun ang cr kaya nilagpasan ko na at dumaretso nag tingin ng mga damit nya nahagip naman yung mga hoodie ng mata ko.

"Nice." sabi ko at nag sukat sukat HAHAHA nakapili naman ako ng kulay maroon pag kasuot ko at tumingin sa salamin, nandito na sya.

"Gusto mo yan?" tanong nya, at kumuha ng plain blue-green shirt.

"Pwede na cutie naman eh." sabi ko habang tinatantya kung gano kalaki sakin 'to.

"O." napatingin ako at may hawak na syang isang hoodie na black na may "we bare bears", hala! hinablot ko agad yun at sinukat kaagad.

"It suites you well." sabi nya, at bumalik sa cr. Kaya lumabas na ko sa walk in nya at hinintay sya matapos.

"9 na may pasok ka pa bukas." napalingon ako pag sabi nya nun.

"10 am pa ko bukas, pero uuwi na ko kung gusto mo." pero di naman ako umalis at binuksan yung laptop nya, galaxy rin yung wallpaper. Tinuruan nya ko ng kung ano anong laro dito, nakakadugo kasi ng utak puro computer chuvanes hanggang movies nya laptop lahat connected sa computer.

"KUYA! SABI NI MAMA WAG DAW KAYO GAGAWA NG MILAGRO!" biglang sigaw ni Kean.

"Kahit kelan talaga oo, tsk." sabi nito at lumabas muna, kaya nag laro na muna ko.

*beep*

Napalingon ako sa tabi ko ng may mag vibrate, phone nya inisnob ko na lang. Pero tuloy tuloy parin yung vibrate nito, mas minabuti kong tignan baka kasi emergency wala pa naman si tito.

"Marie? 'San ka na?' 'Sabi ng mga kaklase ko nasa school ka kanina?' ' Bat di ka nag pakita sakin?' 'Bat di ka nasagot?' 'Akala ko ba mahal mo ko?' ano 'to wrong send?" sabi ko. Bumukas yung pinto kaya napatingin ako at kinaway sa kanya yung phone nya, lumapit naman sya.

"Bakit? May nag text ng gantong oras?" kunot noong sabi nito. Tinignan nya yung text, nailing sya at may pinindot at pinakita yung text nagulat ako kasi nag bago.

"Mario? 'Erp agahan bukas' 'Sabi ni prof kakailanganin ka nya bukas' 'Sabi ko nga bebe time' 'Nalandi 'to ayaw sumagot' 'Sabi ko nga support ka namin dyan'  bat nag bago?" taka kong tanong

"Hackers text, gawa ng walang mga jowa 'tong mga 'to kaya may paganyan." sabi nya

"Ah bat feeling ko mga bitter kaklase mo dyan." sabi ko napatawa naman sya.

"Bitter talaga aba ayaw sa babae, bakod na bakod din sakin iniisip nila na babalik ka which is the fact." sabi nya, so alam pala ng lahat na kami Jack dati.

"10 na baka magalit si tita?" tanong nya. Napatingin ako sa wrist watch ko 12 lagi uwi ni mama.

"Sige tara pero stay ka muna hanggang makatulog ako." ngiting ngiting sabi ko.

"Fine, let's go." sabi nya at nagsuot din ng hoodie. Pag baba namin saktong dating naman ni tito.

"Oh maine?" sabi nito.

"Hello po hehe" sabi ko na lang

"Pa, hatid ko lang sa kanila." sabi nya

"Ok, ingat sa daan." sabi ni tito, mukang pagod.

Pag labas namin pinag buksan kami ng gate ng guard nila, kumuha na pala sila. Pag labas namin sa village nila tahimik kaming nakikinig ng music galing sa kotse nya.

"Inaantok ka na ba? May papakita sana ko sayo, kung hindi pa." sabi nito.

"Medyo, pero sige tara." sabi ko, iniliko nya naman sa isang underground yung kotse habang nasa byahe napansin kong familliar yung lugar.

"Are you fine?" tanong niya, tumango naman ako. Pag kahinto namin muka 'tong abandonadong building? Jusko. papatayin nya ba ko?

"Don't imagine things, halata sa muka mo." sabi nya, peew~ kala ko naman. Lumabas sya at pag pabas ko, pinagdikit nya ang daliri nya na lumikha ng tunog napapikit ako dahil sa biglang liwanag. Kusa na lang tumulo yung luha ko.

"Luh bat naiyak ka?" sabi nya at lumapit sakin, pinunasan yung luha.

"Hoyyyy nakakainissss kaaaaaa!" bulyaw ko ng natatawa na ewan.

"Ah.. Surprise?" patanong nyang sabi na medyo tinaas ang dalawang kamay.

Kasi di ko naman napansin na dito sa tabi ng building may field it is full of decorations, at may naka lagay na 'Happy 3rd Anniversary (na sana)' hindi naman sya na nunumbat 'no. Sa bleachers naman ang daming regalo. Sobra as in.

"Nga pala yung mga regalo na yan, for monthsaries yan and yung dalawang nasa unahan naman nung anniversaries." sabi nya.

"You feel good?" tanong nya.

"I feel loved, I'm so happy, so dmn happy." sabi ko at agad syang niyakap.

"Ready for the next, nanliligaw palang ako." sabi nito, he's courting me AGAIN!!

###########

Be ready for their story >~<
Support and Vote! love lots

-A❤️

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon