Chapter 65: Confrontation

31 3 0
                                    

Ethan's POV

"So here is the contact, pero bago yun ipapaliwanag ko muna." sabi ko, ididiscuss ko muna yung akin tsaka na magdagdag sila Jacer. Pinindot naman ni Jacer yung voice record sa phone nya.

"Para san yan?" tanong ni Dave.

"Para may panghawakan kayo, lahat ng marerecord or sasabihin namin ngayon siguradong tutuparin namin as long as mag agree kayo." sabi naman ni Xen. Tumango nalang si Dave.

"Sige start." sabi ni Vince.

"Eto muna saken, I can offer a legality of DK." sabi ko, napa- 'Oh' naman sila dahil sa gulat.

"Saken naman.. ano ba? May MGA motor at kotse naman sa HQ anytime pwede kayo kumuha wag lang ibenta hahaha." sabi ni Jackson.

"Bet." side comment naman nung Caly? Cath? Cathy ata yon.

"VIP na kayo sa Bar ko sa tagaytay, may lupa at rest house sa Batanes, Baguio, Palawan, Batangas, tsaka sa Seoul. Welcome kayo dun." sabi ni Jacer, pucha edi sya na.

"Pwede nyo ko hiraman ng hanggang 50 million. Ako nag ipon nun hindi galing sa pamilya." sabi ko.

"Zach, wala kang offer?" tanong ni Vince.

"Ano ba gusto nyo?" tanong ni Zach na naka dikwatro na.

"Cruise?" patanong na sabi ni Cathy

"Ge. Ano pa?" sabi ni Zach, ang yabang.

"Legality sa baril pero pang safety purposes." sabi ni Dave.

"Yun lang pala, sige sige." sabi ni Zach, napailing naman si Dave habang nakangiti.

"Anong kapalit?" tanong nya, tumingin na ng seryoso samin.

"Gang Collab." sabi ko, napangisi naman sya.

"Tsaka?" tanong pa ni Dave.

"'Di na kailangan pumatay." pag sabi ko nun napatayo si Vince, mukang guilty.

"Hindi kami napatay ng walang dahilan, either t@ra*t@d* yung papatayin o pumapatay din yung papatayin." sabi ni Vince at napa hilot sa sintido nya.

Bigla naman kumulo yung tyan ko, sinipat ko yung orasan at 9 am na. Gutom na ko argh! Mas gusto ko ata ng kahit kape lang, kesa alak sa umaga.

"Na patay dahil sa pera." tatango tangong sabi ni Jacer. Naparang naiintindihan nya naman.

"Ano pa?" tanong ulit ni Dave.

"F-Friendship." sabi ni Zach, totoo naman.

Tumingin sila samin inisa isa kami ng tingin na parang may sinabi kaming di kapanipaniwala. Maya maya tumawa sila pero napawi nung nakitang seryoso kami.

"HAHAHAHAHA mga baliw seryoso sila ano ba!" binatukan ni Dave mga kasamahan nya, at inabot ang kamay sakin.

"Sige pre deal!" natatawa ko naman inabot yun at hinila nya ko yung 'bro hug' ang weird neto parang nakikipag suntukan pa kami sa kanila nung isang buwan.

"Ha? As in ok na tayo lahat?" sabi ni Zach.

"Oo naman pre, kalimutan na yung nga yon pero yung mga inalok nyo ha baka nagkakalimutan. May permission kami sa inyo sa lahat ng sinabi nyo." sabi ni Vince na nakangiti.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon