Chapter 47 : Anyare?

239 5 0
                                    

Cassandra's POV

2 weeks ng ma discharge si Alth -.- inip na inip na ko dito sa ospital!! Ayoko na dito.

"Hoy! Ano busangot na naman muka mo, tae ka kailan mo papansinin si Ethan, hindi sya yung nag putol ng break ng sasakyan mo baliw!" sigaw ni Dane sakin, nandito parin ako sa ospital pwede na kong lumabas kaso ng malaman ni Papa na medyo injured yung kaliwa kong kamay ay ewan! Ayaw akong pauwiin!

"Ewan, basta nakakainis sila okay naman nako eh--" pinutol naman agad nya

"Kayo ni Ethan okay ba?" sabi niya sinamaan ko naman sya ng tingin at tinikom nya naman ang bibig nya

"Kagaya nga ng sabi ko, okay nako siguro lagyan na lang ng kung anong supporter 'tong kamay ko. Natalsikan lang naman ng ilang bubog---" pinutol na naman nya ang sinasabi ko.

"Wow lang Cass ha, you've been unconscious with uhm.. 3 weeks? tapos naka confine ka pa ng 2 weeks hanggang ngayon.." huminga muna sya sino ba namang hindi, tuloy tuloy ang salita "..anak ka ng argh! tapos sasabihin mo ilang bubog LANG?! heck? kung putulin ko kamay mo?" sabi nya at nag labas ng kutsilyo mula sa may binti nya.

"Tigilan mo ko, baka dila mo putulin ko eh." sabi ko at nakipagsukatan ng titig sa kanya, ilang minuto at umiwas na sya ng tingin at umirap.

"K. Fine. You win." sabi nya, napahagalpak naman ng tawa yung nasa likod nya. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko sya, pano 'to napunta dito? Nakita kaya sya ni Ethan?

"Oh? Ginagawa mo dito?" pasinghal na sabi ni Dane

"Binibisita ko si Cass." sabi nya

"Di ka nya kailangan nandyan si Ethan sa labas." inis na sabi ni Dane

"Bat ba? Problema mo? Hindi ikaw ang pinunta ko kailangan kong makausap si Cass." sabi niya

"Tsk. ikaw, problema kita di kita gusto para kay Cass." pamamrangkang sabi ni Dane

"Di ko kailangan ng opinyon mo, hindi ikaw ang nililigawan ko." sabi nya, sabay ngiti sakin. What? Kailan pa 'to nang ligaw ang alam ko si Ethan lang manliligaw ko?

"Cass! Anong sinasabi--?!" sigaw na sabi ni Dane, na pinutol ko naman

"Labas ka muna Dane, let me talk to him." sabi ko, umirap na naman sya at sinara ang pinto.

"Okay ka lang? sh*t malamang hindi." sabi nya, at ginulo ang buhok. Muka ngang concern sya, hayss.

"Okay lang ako Richard Jefferson all we know as "Jeff" Buenaventura, don't be too worried about me." handa na sana kong tumawa ng akalain kong maiinis sya dahil binanggit ko ang full name nya ang kaso..

"You're always been okay I knew that, pero ang hindi ko alam... masarap palang pakinggan ang pangalan ko pag ikaw ang bumabanggit." sabi niya at biglang ngumisi, d*mn this sh*tty heartbeat.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon