Chapter 52

126 5 1
                                    

Zach's POV

Nakakairita yung lalaki e, ngingiti pa kay A. Sinamaan ko nga ng tingin, antibay tinignan pa ko napansin pa tuloy ni Ethan kaya napa iling ito, e sa mag bibigay na lang ng pagkain ngingiti pa. Potek papogi mukha namang kuko sa paa ko.

"Bat ganun kita ko sa ekspresyon ni Zach kung anong pag mamayabang ang nasa utak nya." sabi ni Jack, na hanggang ngayon hindi pa natutulog hindi ako magtataka kung pag uwi namin bagsak to sa kama nya.

"Ewan ko sayo solo flight." sabi ko kaya nag tawanan sila Jacer, 6am na 8 hours na rin kaya halos lahat kami nakatulog kanina pwera kay Jack na may katawagan kanina or naglalaro lang talaga ng ML? Maybe both.

"Nakaka--" di ko naituloy ang sasabihin ko ng tumunog ang speaker dito sa eroplano.

"Your breakfast will be serve in any minute from now, you can choose your food on the screen that is in the front, thankyou!"

"Your breakfast will be serve in any minute from now, you can choose your food on the screen that is in the front, thankyou!"

"Good, gutom na rin ako." sabi bigla ng katabi ko, naalimpungatan ata.

"Good thing din kasi di ka na kailangan gisingin." bulong ko kaya napalingon pa sya ng patungo na sa cr.

"Sir here's your food." sabi ng stewardess at may iniiayos sa likudan ng seat tsaka inilagay ang pagkain.

"Thankyou." sabi ko at ngumiti naman yung babae at tumungo, mukang koreana.

"Lande ha." narinig kong may nagsalita kaya tumingin ako. Umalis naman na yung stewardess, tapos umupo na si A sa tabi ko.

"Kain na tayo." sabi ko, pero tumingin muna siya bago kumain at sumabay narin ako.

Mga eleven am narin kami nang maka baba kami mula sa eroplano, pero nakaka pagtaka na wala si Denom at sila Johanne.

"Akala ko susunduin nila tayo?" tanong ni Jess na tuloy sa pag suklay ng buhok nya.

"Kaya nga tinatawagan ko na." sabi ni Jacer na nagtitipa na sa phone nya.

"Tatawagan ko na lang kaya sila Jeff nakauwi narin kaya yun?" tanong ni Cass, hindi na kasi nag paramdam yung mga 'yon ng dumating kami.

"Oo nga no, baka nandito na sila? May van naman sila Em kasya tayo dun." sabi ni A, kaya daling nag igting ang mga panga ko. Nang mabaling ang tingin ko sa gawi ni Ethan, mukang hindi lang ako ang iritado ah.

"We don't need THEM." sabi ni Ethan at dumaretso papuntang parking lot? Bingo!

"Ofcourse, nandito naman yung mga kotse natin eh." sabi ni Jackson at pinapaikot na yung susi sa daliri nya, sumakay sa kotse niya at pinaharurot ito paalis. Inilabas ni Ethan ang phone nya at nagsalita ng mahiwaga nyang "Ge".

"Pupunta daw si Jack sa HQ, dun na daw muna sya mag papahinga." sabi ni Ethan nagtanguan naman kami.

"Saan pala tayo? Sa bahay ba muna kayo?" tanong ni Ethan samin.

"Ayaw mo ata eh HAHAHA de joke, ge dun muna kami." biro ni Jacer

"'Dun muna kayo malinis pa naman yung guest room." sabi ni A, na papikit pikit na ulit inaantok na naman ata.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon