SPECIAL CHAPTER: Lockdown

57 4 0
                                    

(A/N: I would like to remind that this was all fiction *crowd groan* the happenings here are all in mind that's it, enjoy reading!)

Althea's POV

Malapit na mag baksyoooon! Isusubmit nalang namin yung mga requirements namin sa isang araw, friday. We are here in school pero bigla nalang may humila samin nila Jessica at Cass.

"Tara gala!" excited na sabi ni Jackson, dito nila kami hinila papunta sa parking lot ng school. NILA means sila Zach, Kuya E, Kuya Jace, at Jackson.

"Baka may ipagawa pa sila sir, tara balik muna tayo." sabi ni Jess at nag attempt bumalik pero naharangan na agad nila Kuya Jace.

"Wala na daw." sabat Kuya E.

"Weh?" sabi ni Cass, kaya napasimangot ito.

"Tara na may mga gamit at damit naman don?" patanong na sabi ni Zach

"Yep, handa na ang lahat. Tayo nalang ang kailangan." sabi ni Jack na prenteng tinignan kami isa-isa.

"Planado." sabi ni Jess. Wala na kaming choice kaya sumama narin kami, gusto rin naman namin gumala hahaha.

Sumakay na kami sa kotse namin. Si Kuya Ethan at Kuya Jace  lang ang may dalang kotse kaya ang na kay Kuya Jace ay sina Jess at Jackson. Dito naman kami ni Cass at Zach kay Kuya.

"Saan ba tayo?" sabi ko kay Kuya Ethan at kay Zach na nasa unahan.

"Batangas daw." sabi ni Kuya.

"Ilang araw tayo dun?" tanong ni Cass kaya napakunot ang noo ko, akala ko gala? anong ilang araw?!

"3 days? 1week? HAHAHA!" natatawang sabi nila Kuya Ethan at Zach.

"Nag paalam ba kayo? Teka text ko si Nanay." sabi ko.

"Nag paalam na ko, oo daw." sabi ni Kuya Ethan. Gusto ko pa sana mag tanong kaso nag usap sila ni Zach, tapos maya maya nagpatugtog na. Ano kayang gagawin sa batangas?

Jessica's POV

Iniisip ko parin na baka may mga paper works na pinagawa si Sir. Paano yun kung biglang may urgent para maka pag moving up kami tapos di namin nagawa? Hala!

"Ang exaggerated ng pag iisip mo dyan Jess naririnig namin." biglang sabi ni Jackson kaya napatigil ako sa pag iisip, nasasabi ko ba yung iniisip ko?

"Kung iniisip mo pano ko nalaman." sabi ulit ni Jackson. Hala mind-reader qaqi delikado 'to!

"Hindi yan mind-reader babe sadyang exaggerated at halata lang base sa expressions mo." sabi ni Jace kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Ano bang mapapala natin sa batangas? I mean may pag kain ba sa pupuntahan natin libre like that? As far as I know baka nga mag mall lang tayo dun." pag mamaktol ko

"We're going sa resort namin dun maybe bukas uwi na tayo if di n'yo magustuhan, hahaha as if yun." sabi ni Jackson, natawa din naman si Jacer.

"Nakapunta na ko dun magugustuhan n'yo dun." nakangiting sabi ni Jacer kaya napa pout nalang ako makapag cellphone, later inantok ako kaya nahiga muna ko.

Jackson's POV

3 and a half hours ata ng makarating kami dito, sinalubong agad kami ni Manang Ely. Pinadaretso ko na sila Jacer sa guest room kasi tulog parin si Jess ayaw daw nya gisingin.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon