Chapter 68: Date pa nga

34 4 0
                                    

Cassandra's POV

6:30 na ko naihatid nila Jessica sa bahay kaya naligo na ko at kumuha ng pinakamaayos na damit. Isang plain yellow sleeveless dress lang naman na tinernohan ko ng white rubber shoes, inilugay ko lang yung buhok ko at nag powder sa muka yun lang nagdala din ako ng shoulder bag at nilagay dun ang pantali ko ng buhok, phone, at wallet syempre.

"Nak kotse ng jowa mo nasa labas na!" sigaw ni Mama.

"Opo." sagot ko, inayos ko yung kwarto ko. Pag baba ko nakaupo na si Ethan sa couch, tapos may notebook na binigay si Mama. Ano kaya yon?

"Hoy." tawag ko kay Ethan, nginitian nya naman ako.

"Tita ang ganda po ng anak nyo." sabi ni Ethan tsaka humarap kay Mama. Hanep nag bigay ng compliment di naman sa akin nakatingin, kaya inirapan ko sya.

"Ma, masungit din pala." sabi nya ng nasa tabi nya na ko. Tinulak ko naman sya.

"Anong masungit? Lakad makipag date ka sa sarili mo. At anong 'Ma'? Magkapatid ba tayo?" tinaasan ko sya ng kilay, nginitian nya lang ako.

"Una na po kami." nag paalam sya kay Mama at bumeso, luh close amp.

"Sige Ethan." sabi ni Mama, nag tataka naman ako.

"Curfew po, ma?" tanong ko, nag kibitbalikat naman sya.

"Basta iuwi ka ni Ethan kahit bukas na HAHAHA." sabi ni Mama, wtf. Bat ang saya nya?

"Sige po ingat kayo dito." sabi ni Ethan at hinila na ko palabas, pinag buksan pa ko ng pinto ng kotse. Pag pasok nya inintriga ko agad sya.

"Ano yung binigay ni Mama?" sabi ko, isiniksik nya naman yun sa gilid nya.

"Photo album ata?" sabi nya at inistart na yung engine.

Tahimik kami sa byahe, kaya naisipan kong iconnect sa kotse nya yung phone ko at nag pa tugtog. Nang mapunta sa chorus yung kanta sumabay si Ethan.

"You are the rainbow after the rain, you are the medicine after the pain, hold me close don't let go.." hinawakan nya yung kamay ko, kaya napangiti ako. Saktong nag park na kami. "..and stay with me." tumingin ako ng sabihin nya yun, nakatingin din sya.

"Uh ano ngang title nyan?" biglang tanong nya kaya medyo natawa ko, kinakanta pero di alam yung title.

"You make me smile." sabi ko, napangisi naman sya.

"Alam ko." sabi nya at kinindatan ako, bago lumabas. He open the door again at inakbayan ako, hindi ko na inalis yung pag kakaakbay nya what's the point eh ang lamig pa nga.

Pumasok kami sa isang restaurant, it's unfamiliar sea side kaya mahangin. Where are we?

"Good evening sir.." ngiting ngiti yung waiter na babae kay Ethan kaya di ko maiwasang mag taas ng isang kilay at mapairap sa kawalan.

"and ma'am, table for two po?" naging ngiwi yung ngiti nya ng makitang nakaakbay si Ethan sakin.

"Obvious ba?" bulong ko, pero narinig ata ni Ethan kaya natawa si b*bo.

"Yes for two, samin ng asawa ko." napangisi naman ako ng s'ya na mismo ang nag sabi non.

Nang makaupo na kami sya nalang ang pinaorder ko. Nakatitig naman sya sakin kaya pinanliitan ko sya ng mata.

"Ano?" tanong ko. Natawa naman sya kaya napasimangot ako. Ba't ang manly tumawa, ang unfair. Na conscious tuloy ako e 'di ko nga alam kung pano ko tumawa, matinis ba? maarte yung tunog? muka bang fake? what the--

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon