Chapter 69: Basketball

33 2 0
                                    

Jacer's POV

Nagising ako dahil sa bungisngis na narinig ko, kaya pag kamulat ko palang alam ko nang may ginawang katarantaduhan sina Ace at Cass.

"Hoy kayong dalawa." bumangon na ko, at nag takbuhan naman sila palabas ng kwarto ko habang tumatawa.

"Ano kayang ginawa ng mga 'yon?" tanong ko sa sarili ko, bumaba na ko nang may bigla akong matapakan as I quickly look at it agad akong napamura. Darn it's a fckin' sticky mouse board.

"Sht ayaw maalis. CASSANDRA!!!!" umupo na ko at nag baka sakaling pag pinag pag ko ang paa ko e maaalis, pero ayaw parin kaya no choice ako kundi bumaba at mag mukang tsinelas 'to.

Nakasalubong ko naman si mama ng pababa na ko.

"O kanina pa kita tinatawag-- aba Jacer ano nag sasayang ka ng pera ginagawa mo nalang na tsinelas yang pang huli ng daga?" nakakunot noong sinabi ni mama, hindi nalang ako umimik at bumaba para mag cr.

Sa cr lang kasi sa baba may pampainit ng tubig. Sinundan parin pala ko ni mama, habang tinatanggal ko ng maligamgam na tubig yung board na nadikit sa paa ko pinapagalitan ako ni mama.

"Jacer naman bat hindi mo gayahin si Cassandra at Ace nandun sa bakuran nag didilig." panenermon n'ya pa, kainis ang bilis talaga kumilos ng dalawang 'yon basta sa kalokohan!!

"Ma, ba't parang kasalanan ko?" nagdadrama ko nang sabi, baka umepekto at kampihan ako.

"Ewan ko sayo Jacer Axel pati yung dalawa idadamay mo sa trip mo, jusko naman nak may nobya ka na umayos ka na." pangaral pa ni mama, okey ako na naman.

"Magiging nobya palang po." natanggal ko na yung board sa mga paa ko, pero ang hirap tanggalin nung dikit.

"D'yan ka na nga maligo." at nag hagis pa nga ng tuwalya. Kaya naligo na ko lunes naman kaya pwede ko umalis hapon pa naman pasok tsaka 2 hours lang yun, pag kalabas ko ng banyo nakita ko yung dalawa kong asungot na kapatid.

"Kuya nag text si Ethan natawag daw s'ya sayo sabi ko naliligo ka." sabi ni Cass.

"Bakit daw? Basketball? Ml? Bar?"tanong ko narinig naman ni mama kaya binulyawan na naman ako tama naaa maaa!!

"Aga aga bar, hay nako Jacer." nag walk out naman s'ya mag luluto ata ng pagkain.

"Ewan ko gala daw eh." nasimangot naman s'ya.

"'Di ka kasama? Ayan pag tripan n'yo pa ko ng makarma kayo." nakangising sabi ko nag lakad na paakyat ng kwarto at tumawag sa gc naming boys, sinagot naman ni Zach mukang kakagising lang sa tono ng boses, sumunod naman na sumagot sila Ethan, Johanne at Jackson.

"Anong gala Ethan?" sabi ko.

(San punta?) sabi naman ni Johanne.

(Basketball nalang dito sa bahay) sabi ni Jackson, pwede din. Nakahanap naman na ko ng susuotin kaya nag bihis na ko at niloudspeak.

(Eh? May pag kain ba do'n?) tanong ni Zach, narinig ko naman na may nag 'tsk'.

(Oo papaluto ako, oh 'di kaya ako na mag luto) bored na sabi ni Jackson.

"Pa'no ba yan, lima lang tayo ang corny non." sabi ko, at may naisip naman si Johanne na nakapag patawa saming lahat.

(Edi si Zach mag score, 2 vs 2 tayo o diba. HAHAHAHAHAHA) suggest n'ya na ginatungan pa ni Ethan.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon