Chapter: 50

127 9 2
                                    

Jessica's POV

"May balak atang sumunod sila Jacer." sabi ko kay Alth pag ka labas namin sa kwarto ni Cass.

"Ah okay." sabi nya

"Okay lang? Yun na 'yon malay mo madatnan nila sila Emman dito, edi trouble." medyo problemado kong tanong

"Tutal naman ikaw nakaisip nyan paalisin mo na sila." madali nyang sabi at bumaba

"Sorry." nagulat ako ng may magsalita sa likod ko

"Miko." sabi ko

"Idea ko talagang pumunta dito. I just want to know kung tama ang narinig ko." paliwanag nya, nilagpasan ko sya at umakyat sa terrace namin.

"..about them, I just want to ask" pagpapatuloy niya.

"Then ask me, anything. Hindi yung ginigisa mo si Cass alam mo namang galing sa sakit eh." sabi ko habang nakatingin sa malayo, it's already night.

"Again. Sorry." sabi nya at umupo sa tabi ko

"Bat kase nangengealam ka? Problema nila yun." sabi ko

"Alam ko kasing nasasaktan din si Ethan." sabi nya, kinda weird.

"Let's talk sa veranda." nauna na kong pumunta dun habang nakasunod naman sya

"Hayst." buntong hinga nya

"What? Bat mo naman tinutulungan si Ethan? Close ba kayo? Last time I check hindi, either friends are not." sabi ko

"Pinsan ko yun--" nagulat ako kaya sumabat agad ako

"Pinsan mo si Ethan?!!!" sabi ko nalamukos nya naman yung muka nya, huh?

"Wait patapusin mo ko. The girl that's my cousin." sabi nya

"Ahh. So?" sabi ko

"Anong "So?" sya yung nag send ng past photos nila ni Ethan. Why are you not shock or what?" sabi nya, nagkibit balikat ako

"Cause I've already knew." sabi ko

"So alam na rin ni Cass?" sabi nya

"Ofcourse not." sabi ko

"Kailangan nya malaman 'to." sabi ulit ni Miko

"She won't understand, sarado pa isip nya lalo na at galing sya sa sakit. Madadamay ka lang." pag papaliwanag ko

"Ahh gusto mo pang tumagal ang away nila, ganun ba 'yon? I don't need to worry about that." sabi nya

"Nah what I mean as long as tayo ang magsalita for Ethan. Cass will not accept it, the same of Jacer but the difference is that she wants to hear the explanation from Ethan." sabi ko

"Fine, I will just let them." sabi nya, bumalik naman ako sa kwarto ko. Later on bigla na lang akong tinawag ni Manang dahil balak na daw umalis nila Miko.

"Hoy Jess!" sigaw ni Manang

"Po?" tanong ko

"Wala ka bang balak ihatid paalis ang mga kaibigan mo?" tanong nya, medyo pranka si Nanay.. nasanay na ko na nanay ang tawag sa kanya.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon