Chapter 67: Yep. Masakit.

63 5 0
                                    

Althea's POV

Pag labas namin ng sinehan nag kwentuhan na sila tungkol sa pinanood namin, nang makita namin sila Zach na pabalik na dito kasi kanina inabot lang ni Cass yung ticket nila tapos umalis din sila, pero syempre binayaran nila yun ano sila nakauto. Nag bubulungan pa sila, yuck ano sila pbb teens?

"Teka Mich una ka na sa loob susunod din ako." sabi ni Zach sumunod naman yung babae nya.

"Alth usap tayo." hindi ko mapigilang taasan sya ng kilay.

"Ayoko uuwi na kami." sabi ko.

"5 minutes okay na yun." sabi nya. Nilingon ko naman sya, at sinabi kila Cass na itext ako kung saan sila mapadpad dito sa mall.

"2 minutes lang." sabi ko, tumango naman sya.

"First of all hindi kami, sorry kasi hindi ko nasagot kanina inisip ko pa pano ko ieexplain." sabi nya,nag kibitbalikat nalang ako.

"Sunod eexplain ko na para malinaw, she is a model pero kase bisex sya may girlfriend sya at legal sila bothsides. So here's the deal we will be 'acting couple' pag public kase masisira yung career nya pag nag kataon na nalaman ng agency yung totoo." pag eexplan nya, napa kurap ako ng ilang beses at na digest yung sinabi nya. They will act, just act pero humapdi parin yung mata ko.

"She's my bestfriend since then, bago ko pa makilala sila Ethan. I just want to tell you kase yung iniisip mo ang pinaka importante sakin, ayoko na isipin mo na nililigawan kita pero may iba ko." napangiti nalang ako ng sabihin nya yun.

"Temporary lang 'to okay? Babalik ako sayo." pag sabi nya nun tumunog yung relo ko.

"Sige, tapos na yung 2 minutes una na kami." pag sabi ko nun sumulyap ako sa kanya at tumalikod na.

Habang nag lalakad ako unti unti ng nag bublur yung paningin ko kaya kinusot ko, basa haha g*go ang sakit ng puso ko. Pipindutin ko na sana yung phone ko para matawagan sila Cass ng mag ring ito at lumabas ang pangalan ni Cass, sinagot ko naman.

"San kayo?" sabi ko habang patuloy na nag pupunas ng luha.

(Eto nakatingin sa babaeng umiiyak ng di ko alam ang dahilan) napatingin ako sa daretso at nakita syang umiiling, buti pala at hindi ako nag contact lens. I didn't expect na iiyak ako sa public, puch# nakakahiya.

Nakita ko namang minadali ni Cass ang pag lalakad at tumigil sa tapat ko.

"Gusto ko syang balatan ng buhay." sabi ni Jessica na nakatingin sa dereksyon ng sinehan kahit naka pasok na naman sila Zach.

"Tara nga dito." lumapit naman si Dane at niyakap ako.

"Uwi na tayo, inaantok ako." sabi ko, hinatid naman nila ko sa bahay.

"Sure ka ba? Ayaw mo kami dito?" sabi ni Jess.

"Oo tsaka may date pa yang si Cass." sabi ko.

"Gaga ikaw muna bago kuya mo." sabi nya kaya napangiti ako.

"Mauna na kayo, okay lang ako." sabi ko at kumaway na.

"Chat sa gc if you need anything." sabi ni Jessica. Tumango nalang ako bago pumasok, narinig ko namang umalis na sila. Nahubad ko naman na yung sandals ko nang may magsalita.

"Hoy ano yang itsurang yan?" nakita ko naman si Kuya Ethan na kakababa lang, si Nanay baka nasa kwarto.

"Wala, akyat na ko." sabi ko at umambang mag lalakad na paakyat nang magsalita si Kuya.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon