Chapter 74: Better Without

28 2 0
                                    

Zach's POV

"P're anong balak mo?" tanong ni Dale, lagi n'ya 'yang tinatanong pag nahuhuli si Mich ni Ms. Gallego na galing sa opisina.

Bago palang kasi kami, juñior architect. Indeed.

"Saan?" tanong ko, naikwento ko rin kasi sa kanila ni Sir Vince yung tungkol kay Alth.

Ang Vince na 'sir' namin is same as Vince na kaibigan ni Faye, yung pinagselosan ni Johanne at past member ng Dark Killers, pero nag desisyon naman na silang buwagin ang grupo nila, ang samin naman ay bahala na si Xen dun-- i mean si Jaey Denom.

"Yung kay Mich nga, diba bisex s'ya tsaka may syotang babae? Anyare?" chismoso talaga 'tong si Dale.

"They broke up." sabi ko natigilan naman s'ya.

"Bakit daw?" tanong n'ya parin.

"Hindi daw nag work, nag kagusto yung gf n'ya sa lalaki. Nalaman ng agency nila, kay pinersue n'ya nalang ang business na gusto ng papa n'ya." pag papaliwanag ko.

That's the truth although supportive ang parents n'ya pero sabi daw ng tatay n'ya mas mapapanatag ang loob nito kung sa company nila s'ya mag tatrabaho.

"Ganun pala, pero nakikita ko parin s'ya sa magazines." sabi n'ya.

"Company magazines." sabi ko.

"Oo nga no, company magazines yun." napaisip n'ya pang sabi.

Tumayo naman ako at kinuha ang hard-hat pati na rin ang blue print ng hotel, na ipinapagawa ng company nila Michelle.

"Punta ko sa site." pag papaalam ko, katatapos palang ng lunch break kaya naisipan ko pumunta dun.

Wala si Vince, siguro kasama si Ms. Gallego? or baka maissue lang talaga ko?

"Sama ko, teka." kumuha narin s'ya nang gamit n'ya at sabay kaming lumabas ng building.

"Kotse ko nalang gamitin natin, babalik ka pa naman dito diba?" voluntary n'yang sabi, nag kibitbalikat naman ako.

"Siguro, sige iyo nalang para tipid." sabi ko, pabor naman din sakin, kasi less hassle sa pag dadrive.

Dumaretso kami sa parking at nakita naman namin yung kotse n'ya, napaka lupet talaga nang kotse nito. Lamborghini na pula ang angas lang talaga tignan, nakakagwapo, try ko bumili nito.

"Ano? Natuwa ka na naman sa kotse ko?" sabi n'ya sabay tawa, sumakay na kami at pinaharurot n'ya ang kotse n'ya.

"Sinong hindi? Paiba-iba kulay nito kada araw." natatawa ko namang sabi.

"Nang hihiram lang ako kay papa, o kundi naman sa mga kapatid ko." sabi pa n'ya. Walo nga pala silang mag kakapatid at s'ya pa ang bunso. 3 lalaki daw ang panganay, yung nga sumunod babae na tapos s'ya ang bunso.

"Oo nga pala triplets ang panganay n'yo diba?" natatawa kong sabi.

"Oo, si kuya hell, kuya helio, at kuya hemio. Malupit yun si tatay e, tatlo agad HAHAHAHA." nagtawanan kami dahil sa kalokohan na sinabi n'ya.

"The more, the merrier sabi pa ni mama." dagdag pa n'ya kaya lalo akong natawa. Bigla naman may tumawag sa kanya nang makarating kami sa site.

"Si Sir Vinceeee." pabulong na sabi n'ya na parang nag sususpetya at sinagot yung tawag.

Dumaretso ko sa maliit na office dito sa site para tignan kung mag tao ba. Nandun ang ibang engineer na katulong namin, at may mga señior archi.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon