Chapter 76

28 1 1
                                    

Zach's POV

"Oh, muka kang kabado pit." sabi ni Dale, motor ang dala n'ya ngayon.

"Akala ko kung sino, ba't ka pala nandito?" tanong ko, at sumandal sa kotse ko.

"Inasikaso ko yung condo unit ni Ate Hailyn, tutal nag settle down na s'ya sa ibang bansa." half sister n'ya nga pala yun

"Hays may meeting nga pala." nag hihikab na sabi ni Dale, napakunot ang noo ko.

"Huh? Hindi ko alam." sabi ko, sumakay na s'ya sa motor at nag helmet.

"Nakalimutan kong banggitin kanina eh, hindi ba sila nag send ng message?" tanong n'ya at kinuha ang phone, pinakita sakin ang gmail n'ya.

"Tara na, 10 pm pa naman daw start." sabi nito, sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar ito paalis nasa likod ang motor ni Dale.

Ilang minuto lang at nakarating na kami sa Office, pero nagulat kami nang nasa pintuan palang kami ay may mga nagtatatakbo na palabas at may isa pa kong marinig na..

"Yes po, Crucio Building pakibilisan nalang po please, bigla s'ya nag collapse. Thank you." sabi nung babae, nag katinginan naman kami ni Dale at nag madaling pumunta sa department namin.

"Narinig mo ba, may nag collapse daw." sabi ni Dale nang nasa elevator na kami.

Bumukas na ang elevator pero bumungad samin si Vince na buhat buhat si Ms. Gallego na namumutla na.

"Kayong dalawa sumama kayo samin." nang sinabi n'ya yun pinindot ko na agad ang papunta sa ground floor, nakahanda na ang stretcher nang makababa kami pero pinasunod parin kami ni Sir V sa hospital.

"Can you remind me? Na junior architect tayo hindi P.A." sabi nito habang nag dinadrive ang kotse ko at nakasunod sa ambulansya.

༒︎ ɢᴜɪ's ᴍᴇᴅɪᴄᴀʟ ʜᴏsᴘɪᴛᴀʟ

"Oh ano na naman pre? 'Di ka makapaniwala na pinapasok tayo dito?" natatawang sabi ni Dale.

GMH nandito lahat ng the best na doktor sa lahat ng aspeto mapa- cardiologist, orthopedic, pediatrician, surgeons at madami pang iba. May nakapag sabi sakin na hindi lang basta apelyido ang GUI ng may- ari nitong hospital mayroon din ibig sabihin; Generosity Unity Intelligence, yan ang ibig sabihin kilala nga daw ang mga GUI sa larangan ng medisina.

"Mataas daw sweldo dito." sabi ni Dale habang nag kaupo kami dito sa labas ng emergency room.

"Siguro nga, hindi naman kasi nawawala ang hospital na 'to sa mga dyaryo." sagot ko naman, nakita ko ang cafeteria dito parang may humihila sakin para pumunta don, although it's my first time here.

"Oh sir anong balita?" sabi ni Dale nang lumabas si Vince sa E.R.

"Sobrang pagod daw, dehydrated tsaka dahil narin sa anemia n'ya." napabuntong hininga n'yang sabi at tumabi samin.

"Pa'no yan, kailangan n'ya bang iconfine?" tanong ko.

"Oo, kailangan din daw ng ilang test para makasiguro nawalang complications." sagot n'ya at lumapit sa isang vendo machine, napatingin ako nang ituro n'ya ang gusto n'ya lumabas naman agad ito.

"Hey, ba't di mo binayaran?" tanong ko, natawa naman s'ya.

"For free lahat ng nasa mga vendo machine nila, kahit yung mga chichirya na yan." sabi nito, ang lupit naman.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon