Chapter 63: Cease Fire

50 4 0
                                    

Ethan's POV

"Pero sino? Ang lakas naman ng loob." kunot noong sabi ni Jaey.

"Sila dave." nagulat kami ng nakatayo na pala si Jace, gag* lalong nagdugo yung sugat. Agad naman umalalay si James.

"T*nga ka pre bat tumayo ka agad?" sabi ko.

"Like I said-- aray!" napasigaw sya sa sakit dahil sa pag upo nya ng basta.

"Kuya Jace uso pahinga mamaya ka na kaya mag kwento? Or maybe bukas pag ok ka na, hays." sabi ni Jaey.

"Tama, gang gang pa kayong nalalaman eh." reklamo ni Cass.

"Ehem? baka nakakalimutan mo lahat tayo miyembro ng iba't ibang gang?" sabi ni Jaey.

"Right, pero di naman ganun active yung samin." sabi ni Cass.

"P-Pwede ba a-ako muna." nahihirapang sabi ni Jace.

"Sige okay, pero dun ka na mag kwento sa kwarto mo." sabi ni Jaey. Dinala namin sya sa kwarto nya, atsaka kinuwento niya ang nangyari at ang gang fight na napagkasunduan nilang dalawa ni Dave bago pa sya bugbugin. Nagusap pala sila why didn't he consult me?

Wala ba silang matinong alam na pang settle ng problem, kung kelan balak ko ng mag bitaw sa gang. Tsk. sa bagay tinuring ko na rin namang pamilya yung ibang bang na nakakasundo namin.

"Kelan?" mas naging seryoso ang boses ni Cass.

"Hindi kayo kasama dito laban namin 'to." sabi ni Jace.

"Wala kong pake sayo kuya, pero dahil sa pag hamon mo sa kanila kayo rin ang mapapahamak. Buhay mo." seryoso parin si Cass, natayo balahibo ko dito eh.

Hindi ako sanay na ganito sya. Malamang nag aalala sya sa kuya nya, malamang ethan nubayan! Kinakausap ko na sarili ko dios ko!

Bigla namang tumawa si Jace, sinamaan sya ng tingin ni Cass.

"Hahahaha. Lolo mo." pangiinis ni Jace.

"Ewan ko ba naman sayo kuya bahala ka." sabi ni Cass na umirap pa sa kapatid nya.

"Hoy charr lang ito naman, di lang ako sanay na nag aalala ka. Para kang t*nga eh." nakangising sabi ni Jacer. Nakaamba ng susuntukin sya ni Cas pero di naman tinuloy.

"Paka epal mo, sumbong kita kay mama eh." inis na sabi ni Cass.

"Sumbong din kita gusto mo?" sabi ni Jace. Natahimik naman si Cass, wala pa sigurong alam si tita abt sa gang nila.

"Foul yoko na." sabi ni Cass at napasimangot nalang.

"Next Sunday, 2 am, sa.." sabi ni Jace, na natigilan.

"Saan?" tanong ni Jaey.

"Abandoned auditorium, sa likod ng school." nagulat naman kami dahil bakit don.

"Wtf? Nahihibang ka na ba? Pano pag may rumonda na pulis don? Argh!" frustrated kong ginulo ang buhok ko.

"Legal naman ang grupo--" hindi ko na sya pinatapos.

"Legal nga pero sa pagtulong, Jacer Axel naman. Sila hindi legal ano nalang mangyayari pag may nagsumbong na nakikipag basag ulo pala tayo sa kagaya nila." naiirita kong sabi.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon