Chapter 46: Fuertez Fam

244 9 0
                                    

Zach's POV

Pag ka gising ko napamura na agad ako, dahil sa sobrang antok ko di na ko nakabalik sa ospital para bantayan si Alth, di na rin ako nakapag palit. Kaya agad akong dumaretso sa banyo para maligo hayss.. wala yung dalawa kong kapatid san naman kaya nag punta yun -.-

Pagkatapos ko maligo, nagtaka ko kasi biglang may nag doorbell nag damit muna ko, eh wala naman akong ineexpect na bisita, bwisita siguro 'to. Pag bukas ko ng pinto..

"Ma." sabi ko daretso naman syang pumasok at umupo sa may counter sa kusina namin, inilapag ang mga pagkaing dala nya at dumaretso sa kwarto nya at inilagay dun ang maleta nya.

"Oh, ano? kumain ka na anak, alam kong hindi ka pa nakakakain ng ayos mahirap kayang magbantay sa ospital." sabi nya napakunot naman ang noo ko

"Ma bakit umuwi ka na? Akala ko 2 months ka sa Australia?" sabi ko, umiling naman sya

"Hindi ka talaga nakikinig. Sabi ko 1 month sa Australia tapos sa Spain, at kaya napaaga ako ng uwi kasi nakasalubong ko sila balae-- este yung mga magulang ni Alth at nalaman ang sitwasyon ni Alth." paliwanag niya at nag poker face, wth.

"Ah sige po pahinga ka na muna,--" sabi ko at pinutol nya

"Yung dalawa nasaan?" sabi nya napakamot naman ako sa batok

"Kasi Ma.. hindi ko po alam." napasimangot naman sya

"Nako yung dalawang yun talaga, sige na kumain ka na dyan." sabi nya at pumunta na sa kwarto nya at pabagsak na sinara ang pintuan.

Tinignan ko naman yung iniuwi nya kusa na lang napataas ang kilay ko, paano ba naman eh hindi pa naman 'to luto argh! Wala akong choice kaya kaagad kong hinugasan yung uwi nya, puro sea foods. shrimps, squids, crabs, even scallops -.- dahek. Gutom na ko kaya wala akong nagawa, may kasama namang kanin kaya isinangag ko na lang yun, iniluto ko na lang lahat para masaya :> -.-

"Nakkkkkkkk!" nagulat ako sa sigaw ni Mama kaya muntik ng mahulog yung hipon habang isinasalin ko.

"Po? Bakit Ma!" sabi ko at pumunta sa kwarto nya, nadatnan ko namang pinipingot nya yung tainga nung dalawa, kadadating lang siguro nila at duon sa kwarto nila mama dumaan. Tsk. Wrong move.

"Ma! Tama na ang sakit!" sabi ni Tim, worst? kapatid ko -.-

"ABA SINISIGAWAN MO KO, TIMOTHY ANDREI!" sigaw ni Mama pa balik

"Maaaaaa! Ayoko na ang sakiiiiit." naiiyak na sabi ni Allen, bunso sa amin

"Masakit talaga yan EUAN ALLEN kung hindi kayo magtitino!" sabi ni Mama ulit.

Kumatok naman ako para alam nyang nandito na ko. Lumingon naman si Mama, kahit 19 na si Tim at 16 na si Allen, wala talaga silang magawa kay Mama at parehas.. immature -.- childish.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon