Chapter 19: Engagement?!

842 30 1
                                    


Johanne's POV

Kaninang umaga ko pa napapansin si Faye na ang saya pero alam kong... hindi ako ang dahilan..

"Mylabs? Uyy tulala ka dyan!" nakangiti sya habang sinabi yun

"Sana ako yung dahilan ng ngiti mo." pabulong kong sabi

"Ha? E ikaw naman lagi dahilan ng pag ngiti ko eh, at syempre pati pag tawa ko wag ka ngang praning hahahaha!" sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko dahil dun niyakap ko sya ng mahigpit.

Nandito kami ngayon sa kanila pinapapunta din kasi ko ng mama ni Mylabs si Tita Kaye ang bait ng family nya sakin.

"Sana ganto na lang tayo lagi." sabi ko habang nakayap pa din sa kanya humiwalay naman sya at tumingin sakin

"Bakit may problema ba?" tanong nya nginitian ko na lang sya at dumating na si Tita

"Oh iho mag miryenda na muna kayo dito ka na mag dinner ha? May sasabihin ako sa inyo." sabi ng mama nya habang nilalapag ang sandwich at juice sa may table.

"Sige po tita thaaaank you po! ^-^" sabi ko

"Ang galang mo talaga iho." sabi nya at umakyat sa taas nila

"Nood tayo? movie marathon?" tanong nya

"Sige lang anong palang papanoodin natin 6:30 pm na din." tanong ko ngumiti naman sya at kumuwa ng dvd na...

"What the?!! THE RING?!!!" napasigaw kong sabi

"Bakit takot ka no." sabi nya nakangisi pa

"H-hindi no! Psh y-yan lang pala eh!" sabi ko, patay nautal pa ko na lalo nya ikinangisi

"Eh why are you stunning?" kita mo na halata pa

"Ako na nga mag sasalpak nyan." sabi ko at kinuha sa kanya ung dvd sinalpak ko na yun naalala ko friday na nga pala ngayon kay siguro niyaya ako ng mama nya dito na mag dinner malay nyo dito na rin ako patulugin mwehehehe xD

Habang nanonood kami patay ung ilaw kaya may naisipan akong gawin dahil nasa middle na yung story....

"Mylabs C.R lang ako ha?" sabi ko tutok parin sya sa palabas kay pag tapos ko mag C.R di nya napansin na pumunta ko sa may bandang likuran nya at...

"Boo!" panggugulat ko sa kanya at hinawakan sya sa likod kaya..

"Ahhhhhhhhhh!! Johanneeeeeeeee!!" sigaw nya pero more on tili pala

"HAHAHAHAHAHA!" tawang tawa ko sa reaksyon nya dahil bigla syang nagtatakbo sa switch ng ilaw at binuksan ito. Napatingin naman sya kung saan ako nakapwesto kanina na pwesto ko parin ngayon.

"G@g* ka talaga!!" inis nyang sabi at sinuntok ako ng sinuntok nailag naman ako hahaha! Ang ganda ganda nanununtok style lalaki pa tsk

"A-aray ko!" sigaw ko ng mapuruhan nya ko sa tyan "Aray ko mylabs ang sakit.." paawa kong sabi kaya parang nagalala sya yes nemen epektib! xD

"Ay! mylabs ok ka lang? sorry ha ikaw kasi! Bat ka kasi nanggugulat?!" sabi nya

"Ang seryoso mo kasing manood dyan!" sabi ko

"Ehh?!! Ewan ko sayo bahala ka nga dyan!" sigaw nya tapos binuksan na ung ilaw at ini-off na ung tv sabay akyat kaya dali dali ko syang tinawag at sinundan.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon