Chapter 71.1 Let go

33 2 0
                                    

Jessica's POV

Yakap ko si Mama habang walang tigil s'yang umiiyak, kusa na rin tumigil ang luha ko. Pag tapos ako yakapin ni Jacer kanina, he suddenly say 'sorry' at umalis kaya medyo naconfuse ako.

"Ma, tatawagan ko lang po si Dad." nang mag angat si Mama ng muka n'ya mugto at namumula na ang mata n'ya.

"Everything will be fine mom." walang emosyon kong sabi.

Nag dial na ko ng number ni Daddy, ilang saglit lang sinagot na rin n'ya ang tawag ko.

"Dad? Uwi ka na po." deretso kong sabi.

(You know my work anak, wait is everything alright?) napabuntong hininga nalang ako.

"Wala na si Lola." narinig ko naman na napasinghap s'ya, napahagulgol nanaman si Mama.

(C-Can I talk to your mom?) tanong ni papa kaya inabot ko kay mom yung phone.

"Mami cr lang ako." tumango naman s'ya, narinig ko pa na pinapauwi n'ya na si dad.

Sinabi ko agad sa gc namin ang nangyari kay lola, nag offer naman sila na pupunta sila para may katulong ako sa pag aayos ng burol ni lola, for the next days kaya hindi na 'ko tumagi.

Pag labas ko naman ng cr, dinala na si lola sa morgue. Sabi naman sa'kin ni mama uuwi na nga daw si Dad, nag pa book na daw sa isang private plane. Probably 2 days nandito na s'ya.

I tried to call Jacer pero 'di s'ya sumasagot, malapit s'ya kay lola kaya I let him nalang.

Ilang saglit pa dumating na sila Cass at tinulungan ako para sa gagawing burol ni lola for the days that will come.

Jacer's POV

Dumaan muna ko sa may mini park sa hospital kanina before I hurried to go home. I felt like I'm responsible for this, ramdam ko na eh, kaya ganun yung tono ni lola nesie, kaya sabi n'ya na wag ko iiwan si Jessica, kaya she wanted to do some house chores.

"F*ck!" napahampas ako sa manibela nang kotse ko, nang mag red light. Napayuko nalang ako at naiyak, she's always that kind to us. Bakit s'ya pa?

Nang mag green light, pinaharurot ko yung sasakyan ko para makauwi agad sa bahay. Pag pasok ko palang natanawan ko na si Mama sa may living room, may hawak na cookies.

"Oh nak, 'di mo ba nakita si Cass? Kakaalis alis lang din papunta daw kay Jess, emergency daw." may pag aalala sa tono ni mama, tumango naman ako at aakyat na dapat.

"Nak, okay ka lang ba? Alam mo na ba nangyari sa lo---" i cut off what she was about to say.

"I was there mom." sabi ko bago humarap sa kan'ya.

"Oh, kumain ka na ba?" tanong ni mama, umiling naman ako.

"I'm tired ma.." sabi ko habang nakatingin sa kamay ko, hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako until my mom told.

"Don't be hard on yourself nak, mag pahinga ka nandito lang lagi si mama para sainyo." sabi n'ya kaya napangiti nalang ako ng yakapin n'ya ko.

"Si Lola Nesie, she's dead. I'm blaming my self kasi hindi namin s'ya sinamahan sa bakuran, edi sana buhay pa s'ya." nakaupo na ko sa hagdanan ng guluhin ko ang buhok ko.

"It's her time anak, god has a plan kaya please tanggapin nalang natin. We can't do anything para maibalik s'ya." naiiyak na rin si mama dahil sa sitwasyon.

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon