Chapter 16 (part 2)

557 4 0
                                    

Chapter 16 (part 2)

"Aynakooo! Suko na ako! Palagi kayong parehas ng sagot. At sabay pa! Nako iba talaga ang mga estudyante ko! Hahaha!" sabi ni Mr. Perez. Kanina pa nga sya tanong ng tanong ng mga simple math problems eh kung tutuusin pang kinder yung tinatanong nya eh. Dapat age problem ang ibigay nya or something na pang college student para masaya. Hahaha! :)))

"Word problem na nga lang ang ibibigay ko sainyo..." parang nabasa ni Sir ang nasa isip ko. 

"Oo nga sir!"

"Yung tipong kahit si Albert Einstein ay hindi masasagot!"

"Oo nga sir para may thrill!"

"May thrill? Kayo na lang kaya gumawa." sarkastikong saad ni Sir. "Eto naman Sir hindi mabiro oh!" agad namang aniya ng mga kaklase kong maiingay. =)))) Napa-facepalm na lang si Sir sa kanila.

"Uhmmm, on second thought... Wag na lang pala word problem. Nakakastress mag-isip nun. Brain teaser na lang ang ibibigay ko." nagisip muna sya saglit, "Ahh! Okay ito na lang. Para masagot nyo itong riddle na to is kailangan nyo lang ng common sense and a sense of humor."

"Okay po." sagot nilang dalawa.

 Tinignan muna nila ni Sir na parang nangaasar kaya napatawa na lang kami. Ang lakas din ng tama ni Sir eh. =)))

"Four men were in a boat on the lake..." panimula ni Mr. Perez sakanila. Lahat kami ay nakinig ng mabuti, "The boat turns over and all the four men sink to the bottom of the lake, yet not a single man got wet. Why?" 

"Huh? Eh sir para naman pong imposibleng hindi sila mabasa!" pagrereklamo ni Red at sumangayon naman kaming lahat pati na din si Gaby.

"Read between the lines kasi." yan lang ang sabi ni Mr. Perez saamin. "Sir, pakiulit naman po ulit yung riddle." pagrerequest ni Gaby. Tumango naman si Sir at inulit yung riddle, "Four men were in a boat on the lake..." at ginesture nya pa sa kamay nya yung number four, "The boat turns over and all the four men sink to the bottom of the lake, yet not a single man got wet. Why?" 

Tahimik na nag-isip silang dalawa. Ako din napapaisip sa sinabi ni Sir pero shet lang parang ang labo eh. "Ah okay gets ko na." sabi ng katabi ko na si Quen. Tumingin naman kami nila Diego, Julia at ng FourD sakanya, "Anong sagot?" tanong ko. Lahat kami naghihintay sa sagot nya pero ngumiti lang sya, "I don't want to spoil it." 

Napasimangot na lang ako at napunta ang atensyon ko dahil biglang sumigaw si Gaby sa unahan, "Aha! Alam ko na! HAHAHAHAHA!" 

"Huh? Paano mo naman nalaman? Sa anong paraan?" nagtatakang tanong ni Red kay Gaby, "Secret!" aniya.

"May sagot na si Gaby sa riddle ko, ikaw Red?" tanong ni Mr. Perez. Si Red naman ay nagiisip parin hanggang sa, "Nakakasira naman ng ulo yan Sir! Next question please!" 

"Hep! Hep! Hep!" pagpipigil ni Gaby kay Red ngunit bigla namang nakisingit si Anikka, "Horraaay!" sigaw nito. HAHAHAHAHAHA okay natawa ako dun pati na din yung iba. Binelatan na lang ni Gaby si Anikka at pinagpatuloy ang sasabihin nya, "Bawal na magpalit! Suuus naman common sense lang yan. Natatawa nga ako sa sagot ko eh. Hahahaha!"

Nag-isip lang ng saglit si Red at sinabi, "Oh eto na Sir. May sagot na ako pero hindi pa rin ako satisfied dun."

"Since kayong dalawa ay may sagot na, isulat nyo na lang yun sa board para walang dayaan." tumango naman silang dalawa at nagsulat na sa board.

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon