Chapter 4

871 10 0
                                    

Chapter 4

Ano nang gagawin ko? Help! Batman where art thou? 

Kung ikaw, ako. Ano ang gagawin mo kapag ikaw ang nasa sitwasyon ko? HUHUHU. LUPA LAMUNIN MO NA AKO HINDI KO NA KAYA TO! T-T

Magdeny na lang kaya ako? Naahh. Narinig nya na ang lahat eh. Mahirap na bawiin yun. HUHUHU. Dapat pala bago ko sabihin kila Julia ay sinigurado ko muna na wala sya at walang tao ang makakarinig samin.

Pero wala naman sigurong nakarinig samin kasi maaga pa at usually ang mga iba nakatambay sa may court. Nagbbasketball yung iba. Meron ding naglalaro ng volleyball. Kaya onti lang ang tumatambay dito sa canteen. Yung mga tumatambay lang dito ay madalas puro tulog at nagaaral kasi tahimik.

"Ah Daniel andyan ka na pala!" sabi ko sakanya na parang wala lang. Pero sa loob-looban ko, sinasabi ko na "Kill me now! Kill me now!" 

Siguro pagkatapos nito lalayo na sya sakin kasi alam nya na may nararamdaman na ako sakanya. Siguro aalis na sya sa tropa. Tapos katabi ko pa sya sa upuan sa klase, siguro lilipat sya sa ibang pwesto. Siguro hindi na kami maguusap. Siguro mawawala na yung pagkakaibigan namin.

HUHUHUHU Ayoko naman ng ganun, hindi ko kayang hindi nya ako pansinin at kausapin. Feel ko hindi makukumpleto ang araw ko. Feel ko ang laki ng nawala sakin. Hindi ko talaga kakayanin yun.

Nanatili lang syang nakatayo at halata sakanyang mga mukha ang pagkagulat. 

"Siguro kailangan na muna namin umalis para makapag-usap kayo nang masinsinan." sabi ni Diego samin. PLEASE LANG WAG MUNA KAYO UMALIS! HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO >3<

Diego's Point Of View

Eto na talaga ang tamang oras para sabihin nila ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Umalis na kami ni Julia sa tambayan at pumunta kami dun sa may puno pero di naman yun kalayuan, sapat na yun para makita at marinig sila ng maayos nang hindi kami makikita. 

Kaya kami andun kasi baka kailangan ni Kath ng back-up kung saka sakali. Ayun nakatayo lang si Daniel na parang hindi makapaniwala sa mga narinig nya. Par, ang swerte mo.

"Ah.. Ehh.. D-Daniel... Uhh.." Bumalik na si Daniel sa realidad ng magsalita muli si Kath. Halatang kinakabahan si Kath. Hay sana maging maayos ang lahat. 

"Kath, sabihin mo nga ulit ang mga sinabi mo kanina kela Diego." 

"Ahh.. Ano kasi Daniel, hindi ko talaga alam kung bakit. Pero eto lang ang alam ko, gusto kita." saad ni Kath habang nakatingin sa sahig. Par, eto na ang pagkakataon mo.

"Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo Kath?" sabi ni Daniel habang naka-ngiti. Buti na lang at nakatungo si Kath, kundi magtataka sya kung bakit ganun yung reaksyon nya imbis na magulat. Hay nako par, subukan mo lang saktan si Kath. Humanda ka. Hindi na lang sumagot si Kath sa tanong ni Daniel.

"Kath, tignan mo ako sa mata." seryosong saad ni Daniel kay Kath ngunit nakatingin pa din si Kath sa sahig. Hinawakan ni Daniel ang pisngi ni Kath at itinaas ang mukha nya. 

"Kath, look at me." sinunod naman yun ni Kath. At nakatingin lang sila sa isa't-isa na para bang wala silang pakielam kahit may makakita man sakanila na nagPBB Teens. Yung parang naguusap sila gamit ang kanilang mga mata pati na rin ang kanilang mga puso.

"Kath, wag ka sanang magugulat pero..." sabi ni Daniel kay Kath habang nakatingin lang to sakanyang mga mata. Sus, pasuspense ka pa. Bilisan mo na baka maunahan ka pa ng iba. 

"Daniel, please wag mo sana ako layuan hindi ko kaya. Hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo din ako pero sana, sana lang na kahit minsan madama ko yun. Please, wag mo akong layuan." sabi ni Kath. Grabe, hindi na gusto yan Kath. Ibang iba na ang nararamdaman mo. Magtiwala ka, hindi mo gusto si Daniel. Mahal mo na sya, Kath. Kasi kung gusto mo lang sya hindi mo masasabi ang bagay na yan.

"Kath, patapusin mo kasi ako. Tsaka lalayuan? Bakit kita lalayuan?" 

"Eh kasi ganun naman yun diba? Kapag nalaman ng isang tao na gusto sya ng isang tao, lalayuan sya ng tao na gusto nya dahil na iilang yung taong gusto nya sakanya." Anudaw? Translate please wala akong naintindihan sa sinabi mo Kath. 

"Pwera na lang kung gusto din sya ng taong gusto nya." BOOM! Yan ang damoves ng isang Daniel Padilla. Hahaha. Nice one, go mo lang yan.

"Anong ibig mong sabihin Daniel?" naguguluhang tanong ni Kath. 

"Hindi mo ba naiintindihan Kath, gusto din kita. Hindi ko muna inamin to sayo kasi baka lumayo ka sakin. Hindi mo ba napapansin na palagi akong nandyan sa tabi mo? Hindi mo ba nararamdaman ang nais na iparating ng mga gestures ko sayo? Kath, gusto talaga kita simula pa nung una tayong nagkakilala. Yung pangaasar ko sayo, yun lang ang way na alam ko para mapalapit lang sayo." Ayan, buti naman at nasabi mo na ang lahat ng iyong nararamdaman---Aray!

"Aray ko naman Julia, ang sakit mo naman manghampas." sabi ko ng pabulong kay Julia. Baka mahuli pa kami nina Kath at Daniel na nakikinig sa usapan nila eh. 

"Eh, kinikilig ako eh. Anong magagawa mo?" ano ba naman tong si Julia. Ang kulit. Mga babae nga naman oh! -__- 

"Pigilan mo yang kilig mo Julia at baka mahuli pa tayo. Mahirap na." inirapan nya lang ako at tinuon na namin ang atensyon dun sa love birds.

"Ang ibig mong sabihin.. Ibig mong sabihin na.. Na gusto mo din ako?" ang slow mo talaga Kath kahit kelan (__ __)

"Oo Kath, gusto kita. Gustong gusto kita." That's my tropa! Guys! Tropa ko yan! Tropa ko yan. HAHAHA. Hindi ata ako proud. Teka parang wala atang nanunulak sakin ngayon? Asan na si Julia? Hala bakit sya nandun. Teka, wag mong sabihing... 

"Kyyyaaahhhhh!!!! Kinikilig ako!! Waaahhh!! >////<" at ayun tumatalon sya habang tumitili. HALA! Bakit sya dun tumili? Eh ang lapit nya lang dun kela Daniel. Tsk tsk! Wala na bistado na kami. -__-

Bigla namang tumakbo ang mga love birds dun kay Julia. At ako naman, napagdesisyunan ko na pumunta na din dun.

"Anong nangyari sayo Julia? Bakit ka sumisigaw?" tanong ni Kath, mahahalata mo sakanya ang pagalala. 

"Ah.. Ehh.. Waaahhh!! Kinikilig ako sainyo!!" you have got to be kidding me. Wala na bistado na kami -___-

"Pinakinggan mo ang usapan namin Julia?" tanong ni Daniel.

"Hindi ah! Ang sabi ko, may nakita akong daga." sige Julia, magdeny ka pa. Para namang papaniwalaan nila -___-

"You're not good at lying Julia." sabi naman ni Kath. HAHAHAHAHA TAMA! =))) Ako na nga ang sasalo kay Julia. Nakakaawa naman.

"Oo Kath, nakinig kami sainyo. Diba sa tropa natin walang sikreto na tinatago?" sabi ko sakanila. Pasalamat ka Julia at sinalo kita. Natahimik naman sila nang biglang tumili nanaman si Julia. Hay nakoo.

"Kyyaahhh!! Kinikilig talaga ako sainyo. Ikaw na talaga Kath! You already! Ang haba ng hair mo! Waaahhh!!! Guys! Makinig kayo, may bago nang love team! KathNiel for the win! Wahihihi!" sabi ni Julia habang tumatalon at tumitili. Hayy. Hindi ba sya nahihiya kasi pinagtitinginan na sya ng mga tao dun? Ang kulit talaga ni Julia. :">

-----

A/N: Guuyyysss!! Waaahhh!! Kinikilig ako! Binati ako ng Chicser sa livestream nila! Kyaaahhhh!! Binati ako ni Ranz my loveee!! Binati din ako ni Bebe Cav at ni Papa Owy! ERMEHGAHD! :"""> >////< HAHAHAHA okay sharing. Pero guys, kinikilig talaga akooo. :"""""""> =))

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon