A/N: Sorry for the super late UD. Busy lang kasi sa school. Hope you'll understand :) Salamat nga pala sa pagbabasa ng fan fiction ko na ito kahit it is in a hiatus update. Sobrang na-appreciate ko po kayo! *huuuuggg* >:D< Para nga pala sa mga Chicser fans dyan, may bago nga pala akong fan fic entitled "Love and Friendship". Sana basahin nyo po yun kahit hindi KathNiel. Hihi :)) Enjoy the UD!
***
Chapter 11
Minulat ko ang aking mata dahil may naririnig ako na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.*tok* *tok* *tok*
"Anak gising na. Kailangan natin magsimba." ah si mama pala. Teka, Sunday pala ngayon. Hindi ko namalayan. Teka anong date na ba ngayon?Bumangon na ako sa kama at nag-unat unat. Pagkatapos ay pinatay ko na yung aircon at tinupi na ang kumot.
Pumunta na ako sa Dining Area at dun ko nakita si Faye at si Mama sa Dining table. Kung nagtataka kayo kung asan yung Daddy ko, andun sa Italy. Dun na nagtatrabaho si Daddy, dun sya nagbebenta ng mga bahay at lupa. At si Mommy naman ay dito sa Pinas nagtatrabaho.
Umupo na ako at nagsimula na kami mag-dasal. Pagkatapos namin mag-dasal ay kumain na kami.
"Malapit na ang pasukan nyo anak. Next week na. Kaya mamaya, pagkatapos nating magsimba ay mageenroll na tayo sa Ford University."
"Weh? Next week na talaga ang pasukan?" tanong ni Faye kay Mama.
"Oo, next week na kaya kailangan na nating mag-enroll at bumili ng mga school supplies nyo."
"Yaaayyy!!! Excited na ako! Hahaha Makikita ko na din si ....." muntik nang madulas ang kapatid ko.
"Sinong gusto mong makita, Faye?" tanong ni mama sa kanya. But Faye looks troubled now, so ako na lang ang sasalo sa kanya.
"Ah Ma, gusto lang po makita ni Faye yung bestfriend nya." sabi ko kay Mama.
"Ah, wag kang mag-alala. Malapit mo na din makita ang bestfriend mo." sabi ni Mama kay Faye.
At tinuloy na ni Mama yung pag kain nya. Habang kami naman ni Faye ay nagkatinginan at ngumiti sya sakin bilang pasasalamat at ngumiti lang din ako at tumango at tinuloy ko na ang pag kain ko.
BINABASA MO ANG
Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*
Teen FictionUNDER CONSTRUCTION PO ANG ANOTHER CHANCE. - - - - Sometimes, people deserve second chances to show the other one their feelings are real. I do believe in second chances but I just don't think everyone deserves them. Hi, my name is Kathryn and this...