Diego's Special Chapter

723 6 3
                                    

Author's Note: 

This is Diego's Special Chapter so it means na Point of View ito lamang ni Diego. (Malamang. HAHAHA) Ang Special Chapter na ito ang sagot sa inyong mga katanungan kaya basahin nyo itong mabuti. Sa bawat Chapter na ipupublish at sa napublish ko ay kailangan nyong basahin ng maigi kasi nagbibigay po ako ng mga clues doon. Para saan ang mga clues? Basta malalaman nyo din. 

Tama kaya ang "Girl Instinct" ko? HAHAHA =)) Inuulit ko guys, si Ms. Author po ang gumaganap bilang Faye Bernardo dito sa AC. Syempre kailangan may epal epal din ako sa story ko noh! HAHAHA =)))

Look at the right side of your screen guys. Si Diego yan nung sinabi yung promise nya kay Kath nung niloko sya ni Daniel. (Chapter 8) Sorry fo the super late update, sadyang busy ako sa studies. Enjoy Reading Diego's Special Chapter! :)

- - - - -

Diego's Special Chapter

Siguro maraming tanong ang nasa isipan nyo noh? At alam ko na isa na dun ay ang tanong na may gusto ba ako sa bestfriend ko na si Kath.

Aaminin ko sa inyo. OO NAGKAGUSTO AKO SA BESTFRIEND KO. Pero DATI lang yun.

Sino ba naman kasi ang hindi maiin-love sakanya diba? Maganda, matalino, mabait at masaya kasama. Package na sya kung baga.

Bestfriend ko sya simula pa nung Grade 2. (Ang mga naka-italics po ay ang flashback) 

Transferee kasi ako dun sa school na "Ford University". Super loner ako kasi wala akong kakilala tyaka hindi ko magaling makihalubilo nung time na yun. Super mahiyain ako.

Tahimik akong kumakain ng recess ko nun sa may gilid ng classroom nang may dumating na matabang lalaki na may madaming kasamang lalaki. Ito yung sinasabi nilang "bully".

"Hoy! Akin na nga yang pagkain mo! Nagugutom ako!" sabi sakin ng matabang lalaki. Hindi ko na lang sya pinansin.

"Hindi ka ba nakikinig ha?! Ang sabi ko akin na yang pagkain mo!" syempre kahit mahiyain ako, kailangan ko naman matutong lumaban kahit minsan. Kaya tinignan ko sya ng masama.

"Oh anong tini-tingin-tingin mo dyan? Akala mo kung sino. Maka-tingin ka sakin ah! Ano papalag ka? Akin na nga yang sandwich mo!" saka nya kinuha iyon sakin. Hindi ako pumalag. Tinignan ko lang sya ng masama. Dinadaan ko sya sa tingin kung baga. Pero ang baboy ramo naman ay hindi matinag, mukhang enjoy na enjoy pa sya sa kinakain nya.

"Grabe ang sarap nitong sandwich mo. *bigla syang tumingin sakin* Oh bakit ganyan ka makatingin?! Akala mo kung sino ka ah!" sabi nya sakin.

"Pwede ba, nananahimik ako dito kanina eh. Ibalik mo sakin ang sandwich ko at pwede ka ng umalis dito." sinabi ko sakanya ng mahinahon.

"At sino ka para pag-utusan ako?!"

"Ako lang naman si Diego." tapos ngumiti ako. Mas lalo syang nainis sakin nung nakita nyang ngumiti ako. HAH akala mo magpapatalo ako sayo

"Aba! Pilosopo ka ah! Oh ano?! Malakas ka?! Matapang ka?! Suntukan na lang tayo para malaman natin yang galing mo!" saka nya ako tinayo sa aking upuan at kinwelyuhan. Nasasakal na ako. Hindi ako makahinga. 

Gusto kong makawala hindi dahil takot ako at hindi ko sya kayang labanan, kundi gusto ko lang makahinga ng maayos. Kaya ang ginawa ko ay tinulak ko sya papalayo sakin ng sobrang lakas na natumba sya sa sahig. Grabe tulak ko pa lang yun, tumba na agad sya. Pano pa kaya kapag sinuntok ko na tong baboy ramo na to? Nang matumba sya, binuksan ko ang ilang butones ng aking polo kaagad. Baka sakaling kwelyuhan ako ulit nito eh.

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon