Chapter 19
"Ganun na lang?" matamlay na tanong ko sakanya habang tinatapunan sya ng malamig na tingin.
"Kath..."
"Niloko mo lang pala ako. Hahahaha! Ayy mali ginamit mo lang pala."
Tinignan nya lang din ako ng malamig. Wala nga talaga syang nararamdaman na spesyal para sakin. Parang lahat ng mga ginawa nya at yung mga efforts nya na sobrang naappreciate ko ay isa lang para maging realistic ang palabas nya.
Bravo! You deserve a standing ovation! Ang galing mo. Pinagmukha mo talaga akong tanga.
Huminga ako ng malalim, "Pinaasa mo ako. Hahahaha, pinagmukha mo pa akong tanga. Hahahaha." tumawa ako kahit wala namang nakakatawa. Tumatawa ako para hindi tumulo ang mga peste kong luha.
"Hahahaha ang laki ko talagang tanga." hindi naglaon ay tumulo na din ang mga luha ko. Ayokong magmukhang mahina sa harap nya kaya pinipilit kong punasan ito kahit walang tigil sa pagagos ang mga luha ko.
"Ang sakit lang kasi isipin na... Hahahaha! Ang sakit. Ang sakit talaga magmahal, lalo na kapag totoo ang nararamdaman mo. Ang sakit... Ang sakit lang kasi Daniel na malaman na hindi mo ako kayang mahalin."
Pumikit ako ng saglit at huminga ulit ng malalim. Tinignan ko sya na parang nagmamakaawa, "Pero alam mo yung mas masakit?"
Parang nabobored na sya. Sakit lang, mas pinagmukha nyang wala syang pakielam sakin, "Yung malaman na ako lang pala ang nagmamahal." tinignan ko ang mata nya kung may bahid ba ito ng kalungkutan kahit papano. Pero wala. "At ako lang din pala ang nasasaktan."
Naramdaman kong may humahagod sa likod ko. Napatingin ako at si Julia lang naman pala yun. "Okay lang ako." sabi ko sakanya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa taong kaharap ko ngayon, "Ako lang ang apektado. Ako lang ang nasasaktan. Eto, itong puso lang na 'to ang nasasaktan!" sigaw ko habang tinuturo ang parte na kung saan nandun ang puso ko. Ang puso kong nasaktan ng sobra sobra.
Humakbang ako ng konti papalapit sa kanya. "At ito!" dinuro ko naman ang parte na kung nasaan ang puso nya. "Itong puso na to hindi man lang nakaramdam ng pagmamahal!" at pinagtutulak-tulak ko na sya, "Hindi man lang nakaramdam ng konsensya..." napatigil ako sa pagtutulak sa kanya. Nanghihina ako. Hindi ko na kaya. Napyuko na lang ako at dun ako napaiyak.
"Chandria..." malumanay na tawag nya. Tumingin naman ako sakanya. Wala syang karapatan para tawagin akong Chandria.
"Wala kang karapatan para tawagin akong Chandria!" sigaw ko sakanya. Wala akong pakielam kahit magkaharap kami. Bahala syang marindi dyan.
"Ate Kath! Gumising ka!"
"Tara na Kath. Iwanan na natin yan. Hindi sya deserving sa pagmamahal mo." narinig kong sabi ni Julia.
***
Nagising na lang ako. Naramdaman kong niyuyugyug ang balikat ko.
"Ate, buti naman at gising ka na. Akala ko kasi kung ano na ang nangyari sayo." saad ni Faye.
"Bakit mo ba kasi ako ginigising Faye?"
"Narinig ko kasing sumigaw ka kaya napatakbo ako dito. Nakita ko naman na tulog ka pero nagulat ako ng makita ko na umiiyak ka."
BINABASA MO ANG
Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*
Teen FictionUNDER CONSTRUCTION PO ANG ANOTHER CHANCE. - - - - Sometimes, people deserve second chances to show the other one their feelings are real. I do believe in second chances but I just don't think everyone deserves them. Hi, my name is Kathryn and this...