Chapter 17
Mahabang katahimikan ang bumalot saamin habang nakaupo kami sa park bench. Napakatahimik. Tanging ang tubig na bumabagsak sa fountain ng park ang maririnig mong ingay. Naguguluhan ako. Hindi ko nga din alam kung saan ako nagugulhan eh, kung sa sinabi ba ni Julia o sa kakaibang nararamdaman ko ngayon; sa nararamdaman ko kay Enrique to be exact.
Am I falling inlove with him? I think so. Paano ko naman nasabi yun? Simple lang naman, kasi kakaibang saya ang nararamdaman ko kapag kasama ko sya. Oo masaya ako kapag kasama ko ang FourD at sila Diego at Julia pero masasabi kong iba talaga. Hindi ko matukoy kung saang bahagi ito naging kakaiba basta alam ko na bukod tangi ito.
Tumingin naman ako kay Julia, "Paano?" yan lang ang nasabi ko. Gulong-gulo na ang utak ko. Tama nga si Sarah G. Bawal mainlove, nakamamatay.
Isang ngiti lang ang pinakawalan ni Julia at tumingin kay Diego na nakaupo sa isa pang bench ng park. Hindi naman namin ganun katapat ang kanyang inuupuan pero nakaharap ang bench saamin, ngunit sya hindi. Nakatingin lang sya sa fountain na ani mo'y nagiisip ng malalim. Pangalawang beses ko na syang nakitang ganyan. Nung una nung nagskip kami ng klase dahil nga sa... Uhmm... sa alam nyo na. Sa ginawang kag*guhan ni Daniel sakin.
Pero di rin naglaon ay nagsalita na sya, "It's for you to find out."
"Huh?" at humarap sya sakin na nakangiti, "Sa tamang panahon malalaman mo din na ang nararamdaman mo ngayon ay hindi totoo."
Anong tamang panahon? What the sdfghjkl! What the crap is she saying?!
"Don't kid around Julia! Ni hindi ko nga alam ang nararamdaman ko ngayon! Gulong-gulo na ako! Tapos ikaw kung makapagsalita parang alam mo kung ano ang nararamdaman ko! Kung ikaw kaya ang nasa posisyon ko?!" nagulat sya sa pagsigaw ko maski na din ako. Ito ang unang pagkakataon ko na sigawan si Julia.
"Sa tingin mo ba sasabihin ko ang mga bagay na to sayo kung hindi ako sure?!"
"That's not the point Julia!"
"And what are you trying to point out?! Huh?!" napaiwas ako ng tingin. Alam ko kaya nya to sinasabi ay para ilayo ako sa mga bagay na pwedeng maging dahilan para masaktan ako. Pero para kasing dinidikthan nya ako eh.
I bit my lower lip nang maramdaman ko na maiiyak na ako. Napatingin naman ako kay Diego at nakatingin naman din sya saamin. Tumayo sya at pumunta papalapit sakin. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.
Napaiyak na lang ako habang yakap nya ako ng mahigpit. "Shhh... Tahan na. Alam mo naman na hindi ko kayang nakikita kang ganyan. Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak. Feeling ko kasi napaka-walang kwenta kong bestfriend eh. Tahan na. Alam mo naman na ganun din naman si Julia, gusto nya lang na hindi ka na muling masaktan."
Hindi rin nagtagal ay naramdaman kong niyakap din ako ni Julia. Umiiyak din sya. "Sorry na *huk* kung nasigawan kita. *huk* *huk* Ayoko *huk* lang naman na *huk* mapunta ka sa maling tao." aniya kahit nahihirapan na syang magsalita.
"Sorry rin kung nasigawan *huk* kita." at naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap ni Julia.
***
We stayed like that for God knows how long. Napagpasyahan na naming umuwi kasi maggagabi na din. Una muna naming hinatid si Julia kasi sya yung mas malapit dito sa park eh. Papunta na kami sa mala-mansyon na bahay nila Julia.
"Julia, asan nga pala sila Tito at Tita?" tanong ko. Matagal-tagal na din palang hindi na nakakapagbonding sila Mommy sa parents nila Diego at Julia.
BINABASA MO ANG
Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*
Teen FictionUNDER CONSTRUCTION PO ANG ANOTHER CHANCE. - - - - Sometimes, people deserve second chances to show the other one their feelings are real. I do believe in second chances but I just don't think everyone deserves them. Hi, my name is Kathryn and this...