A/N:
Gusto ko lang pong magpasalamat sa mga MAGAGANDA'T GWAPO kong readers. Ashesheshe kinikilig ako sainyooo :"""> Maraming salamat sa pagbabasa kahit minsan matumal akong magupdate. Kudos satin kasi malapit nang mag 7k reads to. Onting sipa na lang! Hahahaha pero seryoso hindi ko akalain na aabot sa ganun pero ganumpaman, maraming salamat sainyo. The best ho talaga kayo :) Salamat din sa pagvote at pagshare nitong fanfic na to.
Mahal na mahal kayo ng KATHNIEL, JULIEGO, PARKING 5 at ng FOURD. At syempre pati na din ng author na to. Dedicated sainyo tong part na to. God Bless Us all O:)
- - -
Chapter 23
<Quen's Point Of View>
Bakit biglang lumungkot yung mukha ni Kath? Bakit para syang natigilan nung sinabi ko yung pangalan ni Dana?
"Kath... Okay ka lang?" tanong ko sakanaya pero hindi nya sinagot. Umiwas sya ng tingin sakin at tumungo.
"Kath? May sinabi ba akong mali?" tanong ko ulit at pilit kong iniisip kung meron man. Pero wala naman ata? Napansin ko na lang na parang suminghot sya. Teka umiiyak ba sya?
Kaya lumapit ako sakanya at hinawakan ang balikat nya. Pilit kong tinitignan ang mukha nya kahit nakatungo sya at nakaiwas ng tingin sakin, "Kath umiiyak ka ba?" nagaalalang tanong ko sakanya.
Bigla nyang iniangat ang ulo nya, "Ano ka ba Quen. Ang OA mo naman. Napuwing lang ako." sabi nya habang nakangiti. Psh Kath. Alam kong fake nyang ngiti mo.
"Wag mo na akong lokohin Kath. Alam kong may problema ka." sabay bitaw ko sa balikat nya.
"Napuwing nga lang ako." sabi nya. Tsk, gagawa na nga lang ng palusot yung common pa.
"Napuwing ka kaya mapula mata mo?"
"Parang shunga to. Oo nga."
"Eh bakit yang ilong mo mapula? Napuwing din ba yan?"
"HAHAHAHAHAHAHA! Loko ka. Hahahaha, may sipon kasi ako."
"Talaga lang ha." at tinignan ko sya habang nakataas pa ang isa kong kilay kahit hindi ko naman kaya. Kaya mukha akong katawa-tawa ngayon. Imaginin nyo na lang =))))
"HAHAHAHAHAHAHAHA! Mukha kang pugo Quen, tigilan mo nga ako!" sabi nya habang pinunasan ang mata nya. Naiyak na sya dun? Nakakatakot ba ang mukha ko? Hindi naman diba? *puppy eyes*
"Oy Quen akyat na tayo sa room malapit na maguwian. Baka masabihan pa tayong cutting." sabi nya habang tinitignan yung relo nya.
"Eh cutting na nga to eh. Nagskip tayo ng dalawang klase no."
"Oo nga no. HAHAHAHAHA! Yung klase ni terror pati ni Ms. Drea. Nako sana hindi tayo hinanap ni Ms. Drea." oo nga sana hindi kami hinanap. Kasi baka maprefect of discipline kami =)))
"Oo nga eh. Pero kung ganun siguro naman pinagtakpan tayo nila Diego. Hahahaha!"
"HAHAHAHAHA! Malulupit yung mga yun eh." tumayo ako at ganun din naman sya at nagumpisa na kaming maglakad papuntang classroom. Tinignan ko yung mukha ni Kath, nakangiti sya ngayon. Pero alam kong may problema sya.
"Alam mo Kath, kung kailangan mo ng taong maiiyakan. Andito lang ako. I can be your crying shoulder." sabi ko sakanya. Seryoso ako dun sa sinabi ko. Napahinto naman sya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Nakatingin lang sya sakin. Nakatingin sya sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*
Teen FictionUNDER CONSTRUCTION PO ANG ANOTHER CHANCE. - - - - Sometimes, people deserve second chances to show the other one their feelings are real. I do believe in second chances but I just don't think everyone deserves them. Hi, my name is Kathryn and this...