Chapter 24 (part 1)

393 4 1
                                    

Chapter 24 (part 1)

<Kathryn's Point Of View>

Parang ang bilis ng mga pangyayari.

Bakit ganun?

Bakit palagi na lang si Dana?

Bakit lahat na lang kinuha nya?

Bawal na ba akong maging masaya?

Dapat ba ako na lang ang palaging nasasaktan?

Dapat ba ako lang ang palaging umiiyak?

"Lord... Bakit po ganito ang lahat?" sabi ko sa isipan ko.

Napalingon ako kasi ramdam ko na may nakatingin sakin, si Julia. "Kath okay ka lang?" tanong nya.

"Oo naman." at ngumiti ako sakanya kahit pilit.

Pero tinignan nya lang ako. Lumapit sya ng kaunti sakin, "Kath, may problema ka ba?"

Umiling lang ako sakanya. "Kath alam ko meron." Haayyy.

"Julia, gusto ko muna mapagisa." sabi ko sakanya. Sana naman di sya maoffend.

"Sige. Basta kung kailangan mo ng kausap andito lang ako." sabi nya at ngumiti sakin. Salamat Julia.

"Kathhh!!! Sama ka samin ah?" masayang saad ni Gaby sakin. 

"Ahh ehh, sorry guys hindi muna ako makakasama sainyo. May ipapagawa kasi sakin si Mommy eh. Sorry next time na lang." 

"Awww... Sige next time na lang. Bye Kath! Ingat!" sabi ni Shella at nagwave na din sila Anikka sakin. Kinawayan ko din sila pabalik.

Humiwalay na ako sakanila. Uwian na at nasa may parking area kami. Magkaibang lugar kasi nakapwesto yung kotse namin. Gagamitin nila yung Starex ng FourD. Malaki naman yun eh kaya sigurado kasya silang pito dun.

Napuntahan ko na ata bawat sulok ng parking area pero hindi ko pa din makita yung kotse ko. Hindi pa dumadating si Manong Driver. Kaya napagisip-isip ko na pumunta muna sa play ground.

Umupo ako sa seesaw. Inikot ko ang tingin ko kung may tao pa bang natira dito, wala na. Ako lang magisa. Parang nararamdaman ko lang. 

Tumingin ako sa langit. Makulimlim. Parang nararamdaman ko lang din.

Hahahaha, nagpapatawa ata ang tadhana ngayon sakin. Kung kelan ako malungkot sumasabay sakin. Pero kung kelan naman ako masaya dun naman sila tutol. 

Tumingin ako sa harap ko. Ako lang magisa ang nakasakay sa seesaw. Tapos ako pa yung nasa baba. Hahahahaha funny.

Tumingin naman ako sa grass. Medyo withered na yung iba. Hindi na ata nagpapatawa ang tadhana, nangaasar na. Kahit saan ako tumingin parang nakikita ko ang sarili ko eh. Nakikita ko yung nararamdaman ko.

Ayoko nang madagdagan ang lungkot na nararamdaman ko kaya pumikit na lang ako.

Pero mali ako. Mas nadagdagan pa.

Nakita ko kasi yung mukha ni Daniel at Quen.

Huminga ako ng malalim. Pumikit lang ako kasi kung nanatili akong ganun, andyan sila sa harapan ko.

Andyan lang sa harap ko yung mga taong espesyal sakin.

Biglang nawala yung mukha ni Quen. Si Daniel na lang ang nasa harapan ko.

Gusto ko syang suntukin. Gusto ko syang sikmuraan. Loko loko kasi eh. Iniwan ako ng di man lang sinabi kung nasaan na sya.

Hindi man lang din sinabi kung ano ang dahilan.

Kahit ano namang sabihin nya sakin, iintindihin ko eh.

Gusto ko syang batukan. Hindi man lang nya kasi maramdaman na mahal ko sya eh.

Porket iniirapan ko sya at ganun sa tingin nya ba hindi ko naaappreciate ang mga efforts nya?

Porket ba na tinatawag ko syang KingKong eh minamaliit ko na sya?

Eh kung upakan ko kaya sya! Tngna nya, MANHID!

Gusto kong hampasin ng kawali yung ulo nya eh. Nang matauhan.

"Bakit ang manhid mo ha?!" sigaw ko kahit nakapikit ako. Wala namang makakarinig sakin kasi ako lang naman ang tao dito eh.

Nakita ko yung mga ngiti nya. Yung nakakaasar nyang ngiti.

Yung mata nya na parang kinagat ng bubuyog kasi ang laki ng eyebags.

Yung buhok nya na feeling KPop.

Urghhh! Bwisit talaga tong lalaking to! Bwisit! Gusto kitang ipalapa sa crocodile eh!

Gusto ko syang itulak sa 25th floor.

Gusto ko syang pakainin ng bubog.

Gusto ko syang lapitan.

Gusto ko syang kausapin.

Gusto ko syang yakapin.

Gusto ko....

Gustong gusto ko sya.

Idinilat ko ang mga mata ko, "Bwisit kayo! Mga manhid! Mga nangiiwan sa ere! Mga KingKong! Mga feeling KPop!"

Tumingin ako sa taas. Nararamdaman ko na kung pumikit ako o tumingin sa baba ay papatak na lang bigla ang luha ko. "Mga mayayabang! Mga paasa! Mukha namang paa! Mga mahahangin! Mga... mga ma-effort. Mga n-nakakatawa... M-Mga... Mga g-gentleman..." 

Di ko na napigilan. Napaluha na lang ako. 

Inilagay ko ang siko ko sa may hawakan ng seesaw at itinakpan ko ang mga mata ko gamit ang dalawa kong palad at dun umiyak.

"Wala k-kang modo! Di man lang n-nagpasabi kung b-bakit mo ako iniw-wan! D-Di man lang naisip n-na may nasasaktan... Di m-man lang inisip n-na may malulungkot a-at m-maguguluhan."

Naramdaman ko na may pumapatak sa ulo ko. Umuulan.

Sumasabay talaga tong tadhana sa nararamdaman ko.

"Bakit k-kasi ganun?" hirap na sabi ko. Hindi ako makahinga ng maayos.

Lord, bakit po ganito?

Bakit ko po nararamdaman ang mga ito?

Nagmahal lang naman po ako ah.

Hindi naman po ako nanakit ng ibang tao.

Sila pa nga po nananakit sakin eh.

"Tulungan nyo po akong malampasan ang lahat ng ito."

Naniniwala po ako na para din po sakin ang lahat ng ito. Para po sa ikabubuti ko.

Hindi ko po alam kung paano ko malalagpasan ito pero naniniawala po ako sainyo.

"Please give me a sign..."

Naramdaman ko na hindi na umuulan. Walang tubig ang pumapatak sa ulo ko eh.

Pero nagtataka ako kasi naririnig ko pa din ang impact ng mga patak ng tubig.

Iniangat ko ang ulo ko.

Hindi ko makita ang umiiyak na langit.

May nagpayong sakin.

Tumingin ako sa gilid ko, si Diego ang may hawak ng payong.

- - -

A/N: Nga pala, sinong friend zoned dyan? O kaya having a hard time na umamin sa best friend nya? basahin nyo yung FRIENDZONE & CONFESSION. KathNiel yan. Makakarelate kayo. Click yung external link kaso yung FRIENDZONE lang yun. Eto link nung dalawa:

FRIENDZONE: http://www.wattpad.com/story/5893860-friendzone-one-shot-story

CONFESSION: http://www.wattpad.com/story/5911983-confession-on-going

Author nyan ay si: imtinecaperida. Salamat gurl sa pagbabasa mo dito sa Another Chance! :* -ninamondido

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon