Chapter 8

913 9 6
                                    

A/N: Dedicated nga pala sa bago kong wattpad and facebook friend na si Kathlyn Jovellanos. Hello Kathlyn! Here's the Chapter 8. Enjoy reading! :)

Chapter 8

Pumunta ako dun sa may box ko at kinuha ang bag na maliit. Binigay ko kay Faye iyon at tinignan nya ako ng puno ng pagtataka.

"Faye, buksan mo yan." at sinunod nya naman ako. Ang una nyang kinuha ay yung thread bracelet.

"Faye alam mo ba na bigay yan ni Daniel sakin. Lahat ng laman ng bag na yan ay galing sa kanya. Alam mo ba binigay nya sakin yan nung P.E namin. Tapos alam mo ba ang kulit nya talagang pumunta pa sa stage at kinuha yung mic. Hahaha. Hindi ko mapigilan tumawa. Ang saya kasi eh. Iba yung pakiramdam. Alam mo yung feeling na alam mo na espesyal ka sa isang tao. Yun yung naramdaman ko nung araw na yun." nakikinig lang sya sakin. Grabe ang sakit pala alalahanin ang dapat mo nang kalimutan. Ang sakit </3

Isinoli nya din ang bracelet at kinuha naman ang picture. Yung developed picture namin dun sa marriage booth. Naka-picture frame pa nga yun eh. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganun. Nung una pa nga sinusumpa ko sya kasi kinukulit nya ako pero ngayon ibang iba. Kasi ngayon hinahanap hanap ko sya. Hinahanap hanap ko ang boses nya, yung kakulitan nya, yung mga banat nya. Lahat hinahanap ko. Iba talaga ang nararamdaman ko sakanya.

"Yang picture na yan ay kinuha nung naghug kami. Alam mo naman siguro yung Marriage Booth diba?" 

"Oo ate, nakita ko pa nga kayo nun eh. Naiinggit nga ako sayo nun. PBB Teens nga ang peg nyo nun eh. Hahaha" pagbibiro sakin ng kapatid ko. Alam kong gusto nya lang ako mapasaya kasi alam kong hindi sya sanay na nakikita akong ganito. Pero kailangan ko lang talaga ng isang tao na masasandalan ko ngayon. At yan yung kapatid ko na si Faye.

"Edi alam mo na ang nangyari nun?" tanong ko sakanya.

"Oo naman ate! Ako pa nga nag-picture sa inyo nyan eh. Hahaha." sya nagpicture? Ay nako naman oh si Julia ang nagutos sakanya nun panigurado. -_-

"Ay nako si Julia ang nag-utos sayo nun no?" tumango lang sya. Hay nako naman oh. Nilagay nya na sa loob ng bag ang picture frame. At ang sunod nya naman na kinuha ay ang letter.

"Binigay nya sakin yan nung birthday ko. Ang kulit nga eh pati din yung mga ibang students nakisama sa trip ni Daniel. Kapag nasasalubong ko sila sasabihin nila sakin na "Happy Birthday. May surpresa sya sayo." Pano nya kaya nagawa yun no? Yung pagiinform sa kanila? Hmmm"

"Hay nako ate hindi ka kasi mahilig magonline sa facebook. Pinost nya kaya dun sa fanpage ng school naten. Tsaka ate alam mo ba na Lolo nya pala ang may-ari ng school natin. Ang Ford University. Grabe ang yaman nila ate. Tsaka alam mo ba na kilala ang pamilya nila sa business. Rich kid." nagulat ako ng sabihin yun sakin ni Faye. Kaya naman pala hindi kami napunta sa prefect nung birthday ko kasi sila ang may ari. Hindi naman sya nagsasabi samin sa tropa na sa kanila pala ang school. Eh kasi hindi naman namin tinatanong kaya hindi nya sinasabi. Ano ba yan Chandria utak naman -_-

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon