Chapter 16 (part 1)

598 6 0
                                    

A/N: Hey did you miss KathNiel moments here in AC? Well, konting tiis na lang guys =))) Dedicated nga pala sa isa sa mga naging inspirasyon ko na magsulat dito sa wattpad, na walang iba kung di si Ate Denny *U* Sana po Ate bumisita ka dito paminsan minsan sa watty, madami na ang nakakamiss sayo eh. Enjoy reading guys! :)

- - - 

Chapter 16 (part 1)

First friday ng school year ngayon. Andito kami ngayon sa classroom para mag-elect na ng mga class officers since ang first subject ngayong friday ay ang Filipino eh sakto pa naman na si Mr. Perez, ang aming adviser ay ang Filipino teacher din namin.

"Okay, simulan na natin ito!" masayang giit ni Mr. Perez saamin.

"The election of the Class Mayor is now open!" nakangiting sabi ng adviser namin. Madami ang nagsitaasan ng kani-kanilang kamay. Di naman ata sila masyadong excited eh no.

"Okay, Grace..." at tumayo na ang kaklase ko na si Grace at sinabi nya na, "I respectfully nominate Julia Montes for being one of the nominees in the position of the Class Mayor." 

Nagpalakpakan ang mga kaklase namin, "Woohhh!! Lalim! HAHAHA!" 

At ang kaninang mga nakataas na kamay ay nagsibabaan na. Planado siguro to na si Julia lang ang ieelect. Hahaha =)))

"Oyy!! Kayo haa!!! Pinagtritripan nyo nanaman ako!" sigaw ni Julia. Nagtawanan naman kami.

"Oh? Bakit bigla nyong binaba yung mga kamay nyo? Kanina ang daming nagsitaasan ang mga kamay eh. Wala na bang ibang inonominate para sa Class Mayor?" nagtatakang tanong ni Mr. Perez samin. Umiling naman sila ng mabilis pati na din ako.

Tumingin sakin si Julia ng masama, "Sige Kathryn! Ganyanan na ha! Pagtabuyan mo din ako! Parang walang pinagsamahan! Sige magkalimutan na tayo!" sabi sakin ni Julia na ikinatawa ulit ng mga kaklase namin. Ang OA din kasi nito ni Julia eh -_-

"Ang OA mo ha! Sinusuportahan kita bilang isang ka-tropa at kapatid noh! Dahil kilala kita Julia Montes-Loyzaga, alam kong matagal mo nang gustong maging Class Mayor." sabi ko sakanya at namula naman sya dahil dun. Tumingin naman ako sa katabi nya sa kanan at nag-thumbs up. HAHAHA Dagdag pogi points din ito para kay Diego.

 "Okay so sa tingin ko wala na talaga kayong balak na mag-nominate pa ng iba so I guess na si Julia Montes na ang ating Class Mayor!"

"Niceee!! Mayor Montes! HAHAHA!" sigaw ni Diego. Luh? Ansaveh naman ni best friend. Mukha pa atang sya yung mas masaya eh.

"Oh, wag na nating patagalin pa, The election of our Vice Mayor is now open!" nagtaasan naman ang ulit ang mga kamay nila. Hmm, sino na kaya ang napagtripan ng mga to?

"Oh Diego...." sabi ni Mr. Perez. Tumayo naman kaagad si Diego at sabay sabi, "I respectfully nominate MYSELF, Diego Loyzaga for being one of the nominees in the position of the Class Vice Mayor." at talaga pang inemphasize ang "MYSELF" ha. Loko talaga to. :))

"Okay. Diego Loyaga..." sabi ni Mr. Perez habang sinusulat ang pangalan ni Diego sa board. Nang matapos na si Sir magsulat, humarap naman sya kaagad samin, "Anyone else? Okay Marc." sabi ni Sir kay Marc, pinanlakihan naman ng mata ni Diego si Marc pero ngumiti lang sakanya si Marc.

"Sir, gusto ko lang pong sabihin na, I second in motion." sabi nito. Nagtaka naman si Sir sa kanya, "Huh? Eh hindi ko pa nga kino-close ang nomination sa Vice Mayor eh."

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon