Chapter 6

841 9 0
                                    

A/N: Guyyss!! Sorry po kung late na ako mag-update. Masyado po kasi akong busy eh. Pero kung may time naman ako ay maguupdate ako. Tsaka may exam kami sa wednesday until friday. Pagpray nyo naman ako guys oh? Haha Thank you ChuChu. >:)< Nga pala guys, tignan nyo yung picture sa gilid. Haha Ankyut ni Daniel nung bata. Hahaha :")

Chapter 6

Alam ko na kung bakit nakalagay yung bag na to dun sa box ko na puro basura ang laman.

Kasi din itong basura para sa akin. Pero ewan ko ba sa sarili at tinatago ko pa ang mga bagay na ito. Siguro dahil ito na lang ang pruweba na natitira bukod sa aking alaala na minahal nya din ako ng tunay. Pero tunay ba talaga?

Hayy buhay. Itinago ko na yung thread bracelet sa bag at tsaka ko kinuha yung letter na ibinigay nya sakin. Tanda ko pa rin hanggang ngayon kung kelan nya ito ibinigay sakin. Halos mga ilang buwan din ang nakakalipas nun simula nung eksena namin sa thread bracelet. It all happen on exactly September 14, My birthday.

As usual pumasok ako ng maaga sa school pero hindi ako sumabay sa service ko. Trip ko kasing magtrike nung araw na yun. 

Pumasok ako dun sa may gurad house ng school namin. Yun yung pinakaharap ng school.

Syempre may guard na nakabantay dun kaya nga guard house ang tawag dun diba? Nang makita ko si Kuya Guard bigla nya akong nginitian. Nginitian ko din naman pabalik. At sinabi sakin ni Kuya Guard na "Happy Birthday. May surpresa sya sayo."

HUH? Sino naman yun? Tatanungin ko na sana si Kuya Guard kaso bigla syang tinawag ng kasamahan nyang guard din dito sa school. Sayang gusto ko pa naman malaman kung sino yun. O baka naman pinagtritripan lang ako ni Kuya Guard? Hmm...

Dumaan ako sa may subway ng school. Kasi dun yung way papunta sa tambayan. 

May nakasalubong ako na group of friends na fourth year ata. Nang makita nila ako, ngumiti sila at sabay sabing "Happy Birthday. May surpresa sya sayo." 

Gusto ko sana silang tanungin kung sino pero nahihiya ako. Baka kasi sabihin nila FC ako. Kaya nginitian ko na lang sila at nag thank you. Pero pano kaya nila nalaman na birthday ko ngayon?

Wala pang masyadong tao dito sa school mga ilan lang. Pero ang pinagtataka ko ay nginingitian nila ako. Pero iba yung ngiti nila eh. Parang may gustong sabihin. Tapos sasabihin din nila "Happy Birthday. May surpresa sya sayo." Uhmm ang creepy lang. -_-

Tsaka sino ba yung tinutukoy nila? Nakakainis lang ha! Andito na ako sa may tambayan namin kaso ako nga lang mag-isa. Pupunta pa pala ako sa locker room para kunin yung ang morning schedule ko.

Papunta ako sa locker room nang makasalubong ko yung vice mayor ng classroom namin, si Nina Mondido. Nginitian nya ako at eto nanaman ang sinasabi ng taong bayan "Happy Birthday. May surpresa sya sayo." nakakainis na ah! Matanong na nga kung sino yung tintukoy nila.

"Sino ba yung tinutukoy nyo? Kanina nyo pa sinasabi sakin yan."

"Malalaman mo din." sabi nya ng may nakakalokong ngiti. Tapos nun umalis na sya. 

Pumunta na ako sa C2. Yun kasi yung locker ko eh. Pagkabukas ko may biglang nahulog. Colored paper na green na may hugis puso. Hugis puso.. Eh hindi naman valentines ngayon ah! Tsaka bakit kulay green? Ang shunga naman ng nagbigay nito.

Pinulot ko yun at binasa. 

Kath,

     I just want to say "HI" and Happy Birthday.

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon