Chapter 9

665 8 1
                                    

A/N: Guys, ang mga previous chapter ko, including this is all about flashback. Ang present po nila ay  yung may pasukan na sila (3rd Year Highschool). Kinukwento lang nila ang mga nangyari dati. 

Chapter 9

Diego's Point Of View

Andito ako ngayon sa bench kung nasaan muna kami tumambay nung umalis kami biglaan sa school.

Ako lang mag-isa dito kasi pina-uwi ko na sila Kathryn kasi alam kong kailangan nya ng pahinga ngayon. Sa dami ba naman ng iniyak nun.

Sobrang tindi ng lungkot na nadadama ko ngayon. Pinagkatiwalaan ko si Daniel na hindi nya sasaktan ang taong minahal ko, pero ano ang ginawa nya?

Gusto kong umiyak. You may say na this is so gay, pero kaming mga lalaki may emosyon din. May kahinaan kami, nasasaktan at umiiyak.

Ang sakit lang eh. Ang sakit. Nagparaya ako pero anong napala ko? Nagmahal nga ako pero ano ang pinairal ko?

Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong suntukin si Daniel. Pero kahit suntukin ko yung tarant*dong yun, hindi pa rin mahihilom ang sugat sa puso ko at sa puso ni Kath.

I need a shoulder to cry on. I needed someone who will listen to me. Kahit lalaki ako may kahinaan pa din ako. Kailangan ko ng isang tao na hindi ako pagtatawanan kapag nakita nya akong umiiyak. Kailangan ko ng taong magco-comfort sakin. 

So I decided to call....

~*Calling: Julia Montes*~

Mga ilang rings pa lang ay sinagot nya na kaagad.

"Hello?"

"Julia..."

"Oh Diego, napatawag ka ah?"

"Julia, kailangan kita..."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangan ko ng isang tao na kagaya mo dahil alam ko na ikaw lang ang matatakbuhan at makakaintindi sakin ngayon."

"Pinagtritripan mo nanaman ba ako, Loyzaga?"

"Please Julia... Kailangan ko ng kaibigan na magco-comfort sakin ngayon."

"Nasaan ka ba?"

"Andito pa din ako kung saan mo ako huling nakita."

Matagal matagal din sya bago sumagot. Siguro nag-aalangan sya pumunta dito kasi madilim na.  Mga 5:30 na siguro.

Pwede naman akong umiyak ng mag-isa diba? Pwede naman yun pero sawa na ako. Ilang beses na ako umiyak ng mag-isa. Saklap no? Pero ang mas masaklap ay yung walang taong nag co-comfort sayo kung kelan mo kailangan.

At ngayon kailangan ko ng taong magco-comfort sakin. Kailangan ko ng kaibigan. Kailangan ko si Julia.

"Julia... Please? Para sakin... Please..."

"Sige na nga. Pupuntahan kita dyan. Hintayin mo ako." at binaba nya na sa kabilang linya.

Pagkatapos ng mga ilang minto ay may nakita akong tricycle. At dun ko nakita ang isang magandang dilag na bumaba at lumapit sya sakin.

"Diego." at saka sya tumabi sakin. Naka-upo kami sa bench malapit sa may fountain.

 "Julia, salamat kasi andito ka." sinabi ko yun ng hindi nakatingin sa kanya. Kasi feeling ko baka biglang may bumagsak na luha sa mga mata ko anytime na kumurap ako.

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon