Chapter 10

687 7 2
                                    

Chapter 10 

Kathryn's Point Of View

Na-alimpungatan ako dahil may narinig akong tili sa labas.

Ano ba yan. Kay aga aga eh ang ingay na. Hoyy!! Magpatulog nga kayo! Nakakapagod kaya mag-emote buong magdamag. -__-

Lumabas ako at pumunta dun sa kwarto ni Faye. Magkaharap lang naman yung pintuan ng kwarto namin eh kaya madali kong narinig yung tili nya.

Binksan ko yunng pintuan ng wala ng katok katok.

"Hoy! Ang ingay mo babaita. Kay aga aga, tumitili na kaagad."

"Eh kasheee... Kyaaahhh!!!! Kinikilig kasi ako. Hihihi!! >//<" namumula pa ang pisngi ng bruha. Hay nako eto talaga.

"Aww.. Don't scream please? *sabay himas sa tenga ko* Psh. Landi mo, may patili-tili pang nalalaman eh. Nambubulabog ang peg? New Year? New Year?"

"Ewan ko sayo basta kinikilig ako at wala ka nang magagawa dun! Bleh >:P"

"Eh bakit ka ba kinikilig?" sabay kamot ko sa aking mga mata. Baka may morning glory eh. HAHAHAH Eww me :-& =)))

"Eh kasiii.... Tinanong ako ni Ranz kung pwede ba daw manligaw. Iiiiihhhh!!! :"""> Ate!!! Kinikilig ako ermegahhhh" ahh tinanong lang nama pala kung pwede--- ANO?!

"ANO?!?!" sigaw ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kanina.

"Ang sabi ko, tinanong na ako ni Ranz kung pwede daw nya akong ligawan. So ayuunn. Waaahhh >//<"

"Huh?! Pano? Bakit? Kelan pa?"

"Kasi nga diba Ate, MU kami. Edi syempre may text text yan. Eh kagabi kasi natulugan ko sya tapos eto pagkagising ko nakita ko yung message nya na kung pwede nya ba daw akong ligawan. Ahihihi!!! Ate kinikilig ako!!!" sabay yugyug nya sakin. Anobayan -___-

"Weh? Baka naman pinaglololoko mo lang ako, Faye."

Bigla nyang tinigil ang pagyuyugyug sakin at sinimangutan ako. "Bahala ka dyan Ate. Basta kinikilig ako. Wala akong pakielam sa sasabihin mo. Bleehh!! :P"

Ang childish talaga nitong kapatid ko oh. -__-

"So ano nang balak mo ngayon? Papayag ka ba?"

"Ahhh..... Yun lang." tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Oh ano na? Ano nang plano mo? Papayag ka bang magpaligaw o babastedin mo sya?"

"Eh kasi.... Hindi ko alam Ate. Hindi pa ako sigurado sa mga nararamdaman ko sakanya ngayon. Ayokong syang paasahin at masaktan sya. At ayoko din namang masaktan."

May bigla akong naalala. Naalala ko nanaman ang dapat ko nang kalimutan. 

Ayokong masaktan ang kapatid ko. Ayokong maranasan nya ang nadadama ko. Ayokong mangyari yun sakanya. Hayaan nyong ako na lang ang masaktan wag lang ang kapatid ko.

"Panong hindi ka sure?"

"Hindi ako sure. Hindi ko alam kung pano basta hindi ako sure."

"Crush mo ba sya?"

"Oo naman."

"Anong nagustuhan mo sakanya?"

"Wala. Ewan ko. Basta. Ang hirap i-explain. Hindi ko nga alam kung kelan at bakit ko sya nagustuhan eh. Bigla ko na lang na-realize sa hindi malaman na paraan at dahilan."

"Importante ba sya sayo?"

"Oo naman."

"Gaano sya ka-importante sa buhay mo?"

"Gaano? Sobra sobra."

"Alam mo Faye, sa mga napapansin ko sayo, hindi na yan crush eh."

"Eh ano?"

"Ano pa nga ba. Edi love na yan!"

"Paano ka naman nakakasiguro?"

"Eh kasi kapag gusto mo lang ang isang tao, meron kang dahilan kung bakit. Eh yung sayo ay walang dahilan, walang duda love yan, Faye."

Kumunot ang noo nya pero maya maya ay nawala din ito at nag-kibit balikat na lang.

"Magpapaligaw ka ba kay Ranz?"

"Hindi pa nga ako sigurado sa nararamdaman ko eh. Ayokong masaktan si Ranz at ayoko din namang masaktan."

"Edi in short papaasahin mo sya?"

"Hindi naman sa.... Uhhh!!! Ate ang hirap pala ma-inlove!"

"Talagang mahirap ma-inlove kasi tinake mo yung mga risks eh."

"Anong mga risks na sinasabi mo?"

"You'ved taken the risk na masaktan at makasakit ng tao."

Iniwas nya ang tingin sakin at tumingin sa sahig. Sa sahig nanaman? Ano bang meron ang sahig at ang mga tao ay mahilig itong titigan?

Hinawakan ko ang kanyang balikat.

"Faye, alam kong nasa mahirap kang sitwasyon. Kung kailangan mo ng tulong o karamay, andito ako bilang kaibigan at nakakatanda mong kapatid. Bago ka muna gumawa ng desisyon, siguraduhin mong hindi ka makakasakit ng tao. Pero kung kailangan yun gawin dahil ito ay nararapat, gawin mo yun. Malaki ka na Faye. Alam mo na kung ano ang tama o mali, kaya kung ano ang desisyon mo, susuportahan ko na lang ito. Basta sundin mo ang tibok ng puso mo. At tandaan mo na dapat hindi ka magsisisisi sa huli dahil sa mali mong desisyon."

"Haba ng speech. Haha. Basta salamat Ate. Susundin ko ang mga sinabi mo."

"Wag kang gumawa ng desisyon dahil naawa o napilitan ka lang. Kasi sa desisyon mong yan, may isang tao na umaasa. Masakit umasa, Faye. Bear that in your mind."

"I will. Thank you so much Ate." at saka nya ako niyakap. Kahit loko-loko at childish tong kapatid ko, mahal na mahal ko to.

Sana hindi ka magsisisi sa gagawin mong desisyon. Wag mo akong gayahin. Ayokong masaktan ka ng lubos dahil sa pag-ibig na yan.

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon