Chapter 24 (part 2)

359 5 3
                                    

Chapter 24 (part 2)

<Kathryn's Point Of View>

Nagulat ako kasi hindi ko na maramdaman ang mga patak ulan.

Nakita ko si Diego. Pinayungan nya ako.

"Diego?" tanong ko. A-Anong ginagawa nya dito? Ngumiti lang sya sakin pero makikita mo na bakas sa mga mata ang pagaalala.

Hindi na nga pala ako nakakapagkwento sakanya simula nung nililigawan nya si Julia. Pero don't get me wrong. Hindi ako nagseselos or something. 

Para naman kasing ang awkward diba kung sasama ka sakanila at makikiextra sa usapan nila. Parang ang rude naman nun tsaka panira lang ako sa moment nila.

Kilala ko din naman yang bestfriend ko noh. Tsaka bagay naman sila ni Julia eh tsaka sa unang tingin sa kanila alam mo naman na may something na. May chemistry for short.

"B-Bakit ka andito? D-Diba k-kasama ka sakanila?" utal utal kong sabi.

"Hindi na ako sumama sakanila." nakangiti nyang saad sakin. Pinunasan ko yung mga mata ko at ilong. Baka may sipon eh. Hahahaha eww.

"Bakit n-naman?" tanong ko nang hindi nakatingin sakanya. Parang kasi may kasalanan ako sakanya o baka paranoid lang talaga ako.

"Bakit ko naman hahayaan na maging malungkot at mag-isa ang prinsesa ko?" ramdam ko na umupo sya sa ground para siguro mapantayan ako. Pero teka madumi yun!

Tumingin ako sakanya at pinandilatan ko ng mata, "Siraulo! Maputik dyan! Bakit ka uupo?!" 

"Ayos lang na madumihan ang pantalon ko. Basta ba ikaw ang dahilan walang problema." sira na talaga ang ulo neto! Julia, sabihin mo nga sakin kung paano mo natatagalan to?

"Loko! Kung ano ano nanaman ang pinagsasabi mo! Gutom lang yan!" tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa seesaw. Tumayo din naman sya.

"Oh tignan mo para kang umupo sa tae!" pasintabi lang po sa kumakain. Hehehe :))

"OA mo. Wala ngang dumi eh." sabi nya habang tinitignan ang likod ng pantalon nya. Hahaha wala naman talaga. Pang-asar ko lang sakanya.

"Meron kaya oh! Ayan ang laki!" nagkunwari pa akong nandidiri pero wala naman talaga. Hahaha panira talaga to ng moment eh. Kitang nagdadrama ako bigla akong papatawanin. Haayy nako Diego!

"Wait. Hawakan mo 'to at payungan mo ang sarili mo." utos nya nagsalute naman ako at sinunod sya. Hahaha wala eh, boss ko eh.

Tinignan nya ng maigi ang pantalon nya na ani mo'y sinusuri ang bawat hibla. HAHAHAHA mukha syang munggo. "Pffttt!! HAHAHAHAAHA!" Hindi ko na mapigilang tumawa. Ang uto-uto nya eh =)))

Tumingin sya sakin at nagpout ng onti pero biglang nag-smirk. Nako patay. "Trip mo ako ah Kathryn Chandria Manuel Bernardo."

Napaatras ako. Lumapit naman sya. Umatras ulit ako, lumapit nanaman sya.

"Hoy Diego walang ganyanan!" at dinuro ko pa sya gamit ang daliri ko. Para bang binabantaan ko din sya.

Pero walang eect eh. Patuloy pa rin sya paglapit papunta sakin. Ako naman paatras ng paatras.

"Diego naman eh!" sigaw ko ulit. Huhuhu kung nakalapit na yan sakin for sure kikilitiin ako nyan. Ang baduy nya ano po? -_- pero ganun talaga sya. Grabe nga mangiliti yan eh kaya sinasapak ko sya pag ganun.

Pero hindi ko sya masasapak ngayon kasi umuulan. Ayoko namang mabasa.

Pero no choice. Ramdam kong malapit na ako sa sementadong shape na dinasaur. Dead end. Ganun kasi sa playground ng Ford Institute. May mga displays ng cemented animals katulad ng deer, cows and pigs.

Kaya ginawa kong shield ang payong ko sakanya. At inextend extend ko ang braso ko. Kunwari nagffencing ako. Pero imbis na sword, payong ang gamit ko. Hahahaha mga pauso ko talaga.

"Hoy Kath! Nababasa ka na ng ulan!" sigaw nya sakin habang iniiwasan ang mahiwagang payong.

"Wala akong pake! Kikilitiin mo ako eh!" sigaw ko at pinagpatuloy ang pagffencing kuno ko at humahakbang papalapit sakanya kaya sya napapaatras.

"Okay! You win! Hindi na kita kikilitiin! Basta magayong ka lang at baka magkasakit ka pa!" 

"Weh?!" akala nya maniniwala na ako agad ahhh.

"Oo nga! Alam mo namang ayaw kitang magkasakit diba? Ayokong nakikita kang nahihirapan." sabi nya. Ayiiieee ang sweet naman ng best prend ko.

"Ayiiieeee concerned sya sakin! Asheshehshe!" sabi ko at kunwaring kinikilig. HAHAHAHA! 

Iniangat ko na ang payong ko kahit walang silbi na to samin. Basa na kami sa ulan eh. Pero hindi naman yung grabe.

Inakbayan nya ako at napatingin naman ako sakanya. Nginitian nya ako, nginitian ko din sya.

"Salamat Diego ah." binitawan ko ulit yung payong ko. Magsasalita dapat sya pero napatigil sya kasi bigla ko syang niyakap.

"Salamat talaga..." niyakap nya naman ako pabalik. Iba talaga ang powers ng mga yakap. Nakakagaan talaga sa pakiramdam.

Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso nya. Hala baka nilalamig na 'to kaya bumitaw ako kaagad sa yakap at pinulot ang payong.

"Wala namang silbi tong payong eh. Basa na tayo ng ulan oh!" sabi ko pero nakatingin lang sya sakin kaya tumingkayad ako at pinitik ang noo nya.

"Tara na baka andyan na si Manong Driver. Gusto ko na magpalit ng damit baka magkasakit ako eh. Oyy ikaw din umuwi ka na." sabi ko sakanya. At sakto naman sa pagikot ko...

Nakita ko si Julia.

Umiiyak.

Lalapit na dapat ako sakanya. Gusto ko kasing tanungin kung bakit sya umiiyak pero nagulat ako dahil ang sama ng tingin nya saakin. Saamin.

Humakbang sya papunta saamin. "Tapos na ba kayo maglandian ng prinsesa mo?" malumanay na tanong nya pero sa bawat bitaw ng salita nya alam mong galit sya.

"Julia---" magsasalita na dapat ako kaso hindi nya ako pinatapos. Tinignan nya ako ng sobrang sama. Kung makakapatay lang ang tingin...

"Kath... Akala ko iba ka." sabi nya sakin. Hindi ako makapagsaita. Ayaw mag sink-in ng mga nangyayari sakin. Masyado nang maraming kamalasan ang nangyari sakin ngayon.

Kay Quen at Daniel. Pati pa naman kela Diego at Julia?

"Akala ko hindi ka katulad ng mga dati mong kaibigan. Akala ko hindi ka nahawa sakanilaPero mali pala ako." tumawa sya ng mapait. Ramdam ko na nasasaktan sya ngayon.

Gusto ko syang yakapin at icomfort.

Pero wala akong karapatan. Ako ang dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon.

Hindi ko kayang nakikita syang ganun. Hindi ko kayang nakikita syang umiiyak.

At mas lalong hindi ko kayang tanggapin na ako ang dahilan kung bakit sya umiiyak.

"Julia..." hindi ko na napigilan. Napaiyak na lang ako.

"...hindi ako katulad nila Grace at Dana." 

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon