Chapter 26
<Kathryn's Point Of View>
"Hindi ka katulad nila?" hindi makapaniwalang sabi ni Julia sakin. Tinignan ko lang sya sa mga mata nya, nakita ko ang mga naghalong emosyon, andun ang galit at lungkot.
Tumawa sya ng mapait, "Hahahahaha! Sinong niloko mo, Kath?"
"Julia--" I tried to defend myself, I tried to explain my side in the story kahit hindi ko naman alam ang sasabihin ko at hindi ko din alam kung meron ba akong kailangan i-explain pero I just had this urge but she cut me off.
"Wag mo nga akong lokohin! Kitang-kita ng dalawa kong mata! Wag ka nang mag-maang maangan pa Kath!" napataas na ang boses ni Julia, siguro kung may mga tao dito, siguro kung di pa uwian nakagawa na kami ng eskandalo.
Yumuko na lang ako. Wala naman akong karapatan na lumaban sakanya kasi sya yung nililigawan, at ako, bestfriend lang ako ni Diego. Tatanggapin ko na lang ang sasabihin ni Julia, ipipikit ko na lang ang mga mata ko habang umiiyak.
"Hindi ko akalain na magagawa mo yan.. Tinuring pa naman kitang tunay na kapatid." ako din naman tinuring kitang kapatid eh. Gusto ko sanang sabihin yun sakanya pero wala na akong lakas para makipag-talo. Umiyak na lang ako na parang tanga.
"Nasa loob din pala ang kulo mo." this time napaangat na yung ulo ko sa sinabi nya. Below the belt na yun.
"Julia anoba! Tama na!" kaming dalawa ni Julia napatingin ka Diego na sumigaw.
"Wala syang kasalanan dito! Wag ka sakanyang magalit, ako ang kusang pumunta dito kaya sakin dapat. Sakin mo isigaw ang lahat, sakin dapat Julia kaya wag mong idadamay si Kath!"
Napatahimik si Julia sa sinabi nya. Napayuko naman kaagad si Julia at dun umiyak. Gusto ko syang yakapin pero wala akong karapatan. Gusto kong mag-sorry sakanya pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko.
Tinignan ko lang si Julia nang bigla ulit nyang iniangat ang ulo nya,
"Mahal mo pa nga sya." at tumakbo sya papalayo samin.
<Diego's Point Of View>
Pinanood ko si Julia habang tumaktakbo sya papalayo samin.
Gulong-gulo na ang utak ko, lalo na ang puso ko.
Kung dati alam ko kung saan ako lulugar, ngayon hindi na.
Kung dati alam ko kung sino ang mas mahalaga, ngayon parang nag-iiba na.
Malandi na siguro ang tingin nyo sakin ngayon, pero masisisi nyo ba ako?
Parehas silang importante sakin. Ayokong masaktan sila. Pero hindi ko alam kung sino ang mas mahalaga para sakin. Kaya kahit hindi ko gustong makasakit ng damdamin, nakasakit pa din ako.
Alam ko dahil sa padalos-dalos ko nakagawa ako ng away sa kanilang dalawa. Alam kong pwedeng mawala sila sakin.
Alam ko ang mga consequences pero sa ngayon parang nawala ang lahat sa utak ko, para bang away gumana.
Basta ang alam kong dapat kong gawin ay bumawi. Yun na lang muna siguro ang gagawin ko. Yun naman din ata ang tama at dapat kong gawin sa ngayon.
Babawi muna ako sa babaeng katabi ko ngayon. Babawi muna ako kay Kath.
"Bakit ka pa andito, Diego? Sundan mo na sya." sinabi nya sakin habang pinupunasan ang kanyang mata.
Huminga ako ng malalim. Dapat din naman na bumawi din ako kay Julia ngayon.
BINABASA MO ANG
Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*
Teen FictionUNDER CONSTRUCTION PO ANG ANOTHER CHANCE. - - - - Sometimes, people deserve second chances to show the other one their feelings are real. I do believe in second chances but I just don't think everyone deserves them. Hi, my name is Kathryn and this...