Chapter 25

338 4 4
                                    

Chapter 25

 <Quen's Point Of View>

"Uy guys mauna na kayo sa SBucks. Susunod na lang ako may nakalimutan lang ako sa locker." narinig kong sabi ni Diego. Tumango naman kami.

"Sama ako." saad ni Julia habang hawak nya ang kamay ni Diego.

"Hindi na. Sumama ka na sakanila saglit lang talaga ako." 

"Kung saglit ka lang naman pala ay hihintayin ka na namin dito. Ayos lang ba sainyo?" tumango na lang ako kahit gusto ko na magkape. Hahaha instagram instagram din. Kawawa naman yung mga fans ko, bihira na lang kasi ako magpost ng picture kasi hindi naman talaga ako vain.

"Julia ano ka ba. Saglit lang talaga ako. Hindi ka ba nagtitiwala sakin?" tanong ni Diego sakanya. Hahaha nga naman. Eh sino ba naman ang pupuntahan ni Diego dito eh kami na lang ang studyanteng natitira dito ngayon.

"And besides, mukhang taeng-tae na si Shella magkape. HAHAHAHAHA!" natawa na lang ako kay Shella. HAHAHAHAHAHAAHA =)))

Natawa din naman sila. Lalo na si Julia. Binitawan nya na ang kamay ni Diego at ngumiti ng maaliwalas. "HAHAHAHAHA Oo nga. Paranoid lang talaga siguro ako. Sige una na kami natatae na si Shella eh."

"Sunod ka pare ah!" sabi ko. Tumango sya. Ako na lang ang lalaking natira dito eh. Hahahaha jackpot! Joke lang. Loyal ata to.

 ***

Sa StarBucks..

"Antagal naman ni Diego." inip na sabi ni Julia. Hindi pa nya ginagalaw yung inorder nyang kape. Mga ilang minuto na din kami dito.

"Ano ka ba gurl. Chill lang." sabi ni Gaby sakanya. Tinignan lang sya ni Julia. Grabe naman pala to magalala. Pero para namang nakakasakal na. Alam kong wala akong karapatan na magsalita ng ganun pero yun lang yung opinyon ko. Kasi diba, hindi naman sila pero... Tsk, wag na nga. 

Pero ganun naman talaga siguro kapag mahal mo talaga ang isang tao. Hindi naman batayan ng pagmamahal nyo sa isa't-isa kung kayo o hindi eh. May mga iba nga dyan sila nga pero di naman talaga nila mahal ang isa't-isa. Tsaka sa tingin ko ganyan din ako eh.

"Julia, puso mo malalaglag na." sabi kong pabiro sakanya. Para naman kahit papano gumaan ang nararamdaman nya. Pero nagulat ako sa sinagot nya...

"Saluhin mo naman oh. Ayoko kasing masaktan."

Bago pa man ako makapag-react tumayo na sya kaagad.

"Ahh guys. Mauna na ako ah." di mapakaling sabi ni Julia.

"Aalis ka kaagad? Hindi mo pa nga iniinom yung kape mo oh." sabay turo ko sa latte na inorder nya. Sayang naman. Hindi ko na inintindi yung sinabi nya kanina. Bugso lang siguro yun ng damdamin. Hahaha lalim naman nun pre. XD

"Naalala ko kasi na may iniuutos pala si Daddy sakin. Ge una na ako ah." at winave nya ang kamay nya. Wala naman din kaming nagawa kaya hinayaan na lang namin syang umalis. Pinanood namin syang lumabas sa pintuan.

"Haaayyy! Pare-parehas sila ng alibi! Magttropa nga ang mga yun!" sabi ni Shella.

"Oo nga eh. Dun sila masaya eh." sabi ni Anikka. Wow himala nag-tagalog! XD

"Himala! Nag-tagalog si Anikka!" natatawang sigaw ko with matching hand gesture pa yan.

"Silly..." yun na lang ang nasabi nya. Sumingit naman si Nina, "Oy Quen may fans club ka pala eh!" 

"Kanino mo nakuha yan? Wala ah!" pagddeny ko. Kasi para naman ang yabang ng dating ko diba kapag pinagmalaki ko pa. Hahahaha.

"Meron kaya! Narinig ko yung mga lower batch kaninang lunch ikaw ang pinaguusapan!" sabi ni Gaby.

"Tsaka nakita ko din na may nagpapicture sayo nung bumibili ka sa canteen." sabi ni Nina.

"And look. May nagppicture nga sayo eh." at ngumuso si Anikka sa likod ko. Nasa harap ko kasi sila Nina at Anikka. Katabi ko naman si Shella. Nasa gilid naman ng table si Gaby. Napatingin ako sa direksyon na yun at nakita ko yung dalawang babae hawak hawak yung cellphone nila pero hindi nakatutok sakin. Parang inuupload na nila. Nag-g-giggle pa nga silang dalawa eh.

Napa-iling na lang ako, "Hahaha hindi kaya." 

"Don't deny it! Eto wait. May nakita pa nga akong group sa twitter and FB eh. Quenatics yung name. Ikaw ha! Heartthrob ka pala eh!" sabi ni NIna.

"Hindi ba halata?" at ginaya ko yung pose ni Totoy Beng.

"HAHAHAHAHAHA Enrique! HAHAHAHAHA! Hindi bagay sayo! You look like--HAHAHA!" saya naman nila. Hahahaha pero mas gwapo ako dun kay Totoy Beng no! Kulay pa lang taob na yun sakin. HAHAHAHA

"Wait guys..." biglang tumigil sa pagtawa si Gaby. Napatigil din naman ang tatlo. 

"Is that Tita Karla?"

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon