Chapter 7

796 6 0
                                    

Chapter 7

Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan. Nakatulog pala ako, nakalimutan ko pa patayin yung tv. Nagsayang pa ako ng kuryente. -_-

*tok* *tok* *tok* "Ate! May ipapakita ako sayo! Dali open mo na to!" masayang sabi ng aking nakababatang kapatid na si Faye. Tumayo na ako sa aking kama at binuksan ang pintuan.

"Ano ba yang papakita mo sakin at parang excited ka?" tanong ko sakanya. Pumunta sya sa kama at may inilabas na parang maliit na libro.

"Kasi ate ginaya kita. Naglinis din ako ng kwarto ko at eto nakita ko itong slambook." sabay pakita nya sakin ng maliit na libro na may design na High School Musical 3. Hahaha naalala ko uso talaga to dati. Crush ko pa nga si Zac Efron nun eh.

"Bakit? Ano bang meron dyan at gusto mong ipakita yan sakin?"

"Kasi diba ate nagfill up dito yung mga friends mo. Sila Kuya Diego, Ate Julia at si Kuya Daniel diba?" bigla akong napatingin sakanya nung sinabi nya ang pangalan ni Daniel.

"Patingin nga ako." binigay nya sakin ang slambook. Kinuha ko naman.

Pagkabukas na pagkabukas ko, ang unang bumungad sakin ay ang kay Daniel.

About Me

Name: Daniel Padilla

Age: 16

Birthday: April 26, 1995

Location: Sa puso ng ate mo. :)

Occupation: Crush ng bayan. :)))

Language Spoken: Kagwapuhan language

Movies: Madami eh

Songs: Madami din :)))

Actors and actresses: Many to mention

Television Show: Growing Up

Sports: Basketball syempre :)

Hahaha natatawa na lang ako habang binabasa to. Ang hangin talaga ng mokong na yun. Nakakamiss.

"Ui si Ate! Ngumi-ngiti ngiti sa isang tabi. Ayiiee kinikilig sya oh!" pangaasar sakin ni Faye. Hay kapatid ko talaga oh.

"Che! Ikaw talaga ha!" pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Grabe natatawa talaga ako sa "kagwapuhan language" kuno nya. HAHAHA benta. Tawa ko mga 200 siguro. Pero bigla na lang akong napatigil nang mabasa ko to

Who is your first love?: Kilala nya na ang sarili nya. <3 Ako ata ang tinutukoy nya dyan ah. Kinikilig naman ako dun. Alam na din siguro nito ni Faye na may namamagitan samin ni Daniel pero ayos lang naman yun sakanya. May Ranz din kaya yan. Talo nya pa nga ako eh, nung kasing edad nya ako wala akong kalove-life. Nakakainggit sya. T^T

Who is your first heartbreak?: Hindi ko intensyon na sirain ang puso nya pero yun talaga ang dapat para sa kapakanan at sa ikabubuti nya. Kapag nakikita ko syang nasasaktan, nasasaktan na din ako. She is also my first love. Alam nya na nasasaktan ako? Buti naman at hindi sya manhid. Pero bakit nya naman hinayaan na maramdaman ko yun? Diba mahal nya ako? Pero bakit ganito? Ang daming tanong ang bumabanga sa isip ko. Naguguluhan ako. Kailangan ko ng sagot nya.

Unforgettable Moment: It may sound gay pero ito yung moment na nakilala ko ang Ate mo. :) Pinipigilan ko ang sarili ko na lumuha. Ayoko makita ni Faye na umiiyak ako. Ayoko malaman nya na nasasaktan ako.

Message: Faye salamat at pinasulat mo ako dito sa cute mong slambook. Haha basta tandaan mo na mahirap talagang gumawa ng desisyon lalo pa't alam mong pareho kayong masasaktan. Basta time will come maiintindihan mo ang mga pinagsasabi ko sayo. Palagi mong alagaan ang ate mo at sabihin mo sakanya na lahat ng bagay na mangyayari at nangyayari sakanya ay may malalim na rason. Magtiwala lang sya sakin--samin. Mahal na mahal ko yang ate mo. Lahat gagawin ko para sa ikabubuti nya. Ingat palagi :) -Daniel Padilla =)

Sinara ko na ang slambook at binigay sa kapatid ko.

"Ate bakit ka umiiyak?" tanong nya sakin na may halong pagalala. Ano ba yan sinabi ko na nga sa sarili ko na hindi ako iiyak eh.

"Hindi ako umiiyak. Napuwing lang ako Faye wag kang magalala." sabi ko sakanya pero mukhang hindi sya nakumbinsi.

"Ate, ang pag-iyak ng tahimik ang pinakamasakit sa lahat. Alam kong may problema ka sabihin mo sakin baka makatulong ako." siguro ito na rin ang oras na sabihin ko sakanya ang lahat lahat.

"Faye, alam mo yung feeling na sa ginawa mo naman ang lahat pero iniwan ka nya?"

"Ate, lahat ng bagay na nangyayari ay may rason. Kailangan lang natin maghintay dahil may araw na nakalaan para masagot ang lahat ng tanong na bumabagabag sayo. Kilala kita ate. Ikwento mo sakin ang lahat."

-----

The pahabol Author's Note: Oh ayan na guys! Sana naenjoy nyo ang update ko. Tutukan nyo ng maigi ang story na ito kasi sasabihin na ni Kath ang lahat na nangyari at kung pano sya niloko harap harapan ni Daniel sa kanyang kapatid na si Faye! Bwahaha Intense ang mga susunod na chapter mga bregs kaya wag bibitiw! Abangan ang mga pasabog ni Author! :)

Another Chance (KathNiel Fanfic) *UNDER CONSTRUCTION*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon