Chapter 1 - Where Everything Began
Keisha Yokoi's POV
"Okay class, first of all, I'm Professor Emma Tureno. this is our first meeting and it means that this is our orientation day. I'll tell you my rules in my class..."
Dito nagsisimula ang unang taon ko sa college. At tingin ko sobrang magiging boring ang buhay ko dito dahil sabi ng pinsan ko puro daw aral pag college na lalo pag midterm at finals. Tapos karamihan sa mga kaklase ko babae, 'di ako masyadong nakikipag-close sa mga babae kahit babae naman ako, no'ng highschool nga puro lalaki tropa ko. Masaya kasi kaibigan ang mga lalaki, ang dami mong kuya, protektado ka pa, tapos sasakit tiyan mo kakatawa sa kalokohan nila, hindi pa sila marunong magplastikan.
Nakakalungkot nga lang na itong University na pinasukan ko ay public school, kaya sobrang higpit at hirap ng Entrance Exam. Sabi ko nga, makalokohan 'yong mga tropa kong all boys, ayon dalawa lang kami ni Kembong-- Bestfriend ko na nakapasa.
"Ms. Keisha Yokoi? Your turn. One word that describes you." nakangiting sabi sakin ni Prof. Tureno, ang light ng ambiance sa klase niya. Oops? One word that describes me!
I stood up and said "Cute."
Natawa si Ma'am tsaka ang buong klase. Wow ha. Nagjojoke ako? Mukha ba 'kong nagjojoke?!"Acceptable Ms. Yokoi but Mr. Atienza already claimed that he is the cutest in the class." Bawal nga pala magbanggit ng nasabi na ng iba.
"Ma'am nasa'n po 'yon? Para malaman po natin kung sino ang nagsasabi ng totoo." sabi ko sa medyo seryoso pero pabirong tono. So ayon nagtawanan nanaman po ang klase including si Mam. Natutuwa naman ako na nageenjoy sila.
"Mr. Atienza, will you stand up as Ms. Yokoi wish?" Ako naman I scanned the room at inabangan kung sinong tatayo. Nasa likod kasi ako gawa ng alphabetically arranged kami. 6 seats away ako kay kembong kaiyak.
At ayon.
Tumayo ang pinakagwapo at pinakamaitim na nilalang na nakita ko. Tapos tumingin siya sakin. Tapos tinaasan niya 'ko ng isang kilay in a SOBRANG GWAPONG WAY. Shiz.
"Ma'am mas cute ako, natulala sakin oh." He smirked. Napahiya ako! How dare he? Shiz naman.
Nagtawanan nanaman lahat. Enjoy masyado sila ha."Ma'am!" paprotestang sigaw ko.
"Any violent reaction Ms. Yokoi?" matawa-tawang tanong ni Mam.
Lahat nagaabang sa sasabihin ko. Natatawa ako eh tae naman.
"Ma'am, cute ba yan? Eh ang itim. Cute na sunog gano'n?" I said and that super lakas ng tawa ng klase tsaka si ma'am."May problema ka ba sa kulay ko?" he snorted pero I just stucked out my tongue.
Maya-maya 'di parin natatapos sa pagtawa mga ka-blockmate ko hanggang sa may pumasok na na guard kasi sobrang ingay daw namin. Si Prof. Tureno naman, nag-sorry, Hehe. Isa din siyang maingay eh.
Natapos yung first at second subject sa kwento-kwento ng mga Prof. Hanggang sa third subject na, lumipat ako sa tabi ni Kembong kasi umalis 'yung babaeng katabi niya.
"Ganda ng eksena mo kanina ah. Nagpahiya ka agad ng unggoy." matawa-tawa niyang bungad bago 'ko makaupo. Sinabit ko yung bag ko sa likod ng upuan ng nasa harap ko, nadanggi ko siya kaya lumingon siya. I mouthed sorry dude tapos nagsmile siya sa 'kin.
"Shiela." nagoffer siya ng shakehands.
"Keisha" I replied pero inapiran ko siya instead ng shakehands. Corny eh. Tapos humarap na siya sa harap. At ako hinarap ko naman tong si Kembong.
"Ehem. Ang gwapo kaya, makaunggoy ka dyan ah." pabulong kong sagot kasi baka may makarinig. Hirap na. Nag-argue kami kung pogi si... Basta ayon. Pero talo siya, kaya nag 'tss' na lang siya at yumuko sa armchair niya.