Chapter 12

55 19 7
                                    

Chapter 12
"Patrick"

Keisha Yokoi's POV

"Si Dayle na daw ba talaga?" Tanong ni Ben na nagpipigil ng tawa. At lahat kami eh natatawa din, pag bumanat kasi ng ganto to may maitim na naiisip 'to eh.

"Oo, si Dayle pogi eh." sagot naman ni Karlo.

Pinaguusapan namin kung sino ang ipangbabato namin para sa pageant na gaganapin sa CBA week. At as usual nahanapan nanaman namin ng katatawanan yon.

"Tayo support!" Sigaw ni Leilanie tapos itinaas ang tinidor na may kasama pang pork chop.

"Oo naman! Susuportahan natin si Dayle, tropa 'yan eh." matawa tawang sabi ni Bryan sabay subo ng tapa at kanin.

"So ganto ha? Gagawa tayo ng Banners. Tapos spread out tayo sa lahat ng gilid at gitna para kunware may fans siya sa lahat ng sulok." Suhestyon ko at nagtawanan sila. Pati ako. Nabatukan pa nga ako ng katabi kong si Ella.

"Eh! Di sigurado ang pagkapanalo niya don!" Sabat ni Ben.

"Eh pano ba naiisip mo?" tanong ni Bryan.

Nagpakawala ng tawa si Ben bago magsalita.

"Grand entrance dapat, diba madilim? Tapos rarampa siya, pag nasa gitna na siya ng stage, tututukan siya ng spot light. Sure yon magsisigawan ang mga audience . . ."

". . . may tao pala don?!"

We all burst out laughing.

Binato ni Dayle ng sitaw si Ben habang tawang tawa din sa pantitrip sa kanya. "Pag talaga ako pumuti naku! Tado kayo!" pagbabanta ni Dayle.

"Libre ang mangarap Dayle pero yung mga bagay na imposible . . . Tanggapin mo na lang." Hugot ni Bryan. Pero nagtawanan ulit kami. Buti na lang at maingay sa kinakainan namin ngayon kaya okay lang kahit na hagalpakan ang tawa namin.

"Pwedeng ganto Dayle." Pasimula ni Patrick.

Yup. Napasama na ulit siya samin mula nung gabing nag nightlife kami 1 month ago. Nakasama namin siya magenroll and that continued na until now.

We focused on him.

"Papatayin ko yong lahat ng ilaw tas ikaw saksakin mo lahat ng kalaban. Tago mo sa ilalim ng stage. Edi ikaw na lang matitira, ikaw 3rd, 2nd at 1st place." He laughed. Brutal pero yung paraan ng pagkasabi niya is what made us burst out laughing.

"Ay antanga mo pat! Eh kahit matira pa siyang buhay di rin siya makikita pinatay mo ilaw eh!" we laughed even harder sa singit ni Shiela.

"Edi magdala ka ng flash light!" I said while laughing so hard.

"Oh kaya damit mo glow in the dark!" Sabi ni Ella at napaisip "Diba? Astig yun parang may lumulutang na damit!"

We all laughed so loud. Shungena. Di na ko makahinga sa kakatawa.

Nagseryoso si Dayle ngunit di talaga namin mapigil ang pag tawa.

"Masaya kayo masyado ha. Ansasama niyo! Paslangin ko kayo eh." Pagtatampo niya pero tinawanan lang lalo namin siya.

"Pre pasensya ka na, ikaw lang talaga masaya pagtripan eh." Karlo said between his laughs.

"Ge sanay na ko mga tado kayo eh." Sabi ni Dayle.

Tinapos na namin ang pagkain dahil malapit na ang next subject namin. Tinawag namin sila Kemby at Cedric sa kabilang table dahil humiwalay sila samin sa pagkain. May paguusapan daw na ayaw sabihin sakin kung ano.

Paglabas namin eh nagtatawanan parin sila. Sinabayan ako ni Patrick sa paglalakad pabalik sa School. Medyo malayo pa.

Si Kemby at Ced ay nag eenjoy pa sa paguusap nila.

Confusing as HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon