Chapter 4
"hopeless romantic"Keisha Yokoi's POV
Eh ano naman kung crush ko siya? Di naman dahil crush ko siya eh automatic na crush niya na ko. No matter how I wish na sana ganun na lang nga, alam ko namang hindi pwede.
I let out a deep sigh.
Eh yun lang naman magagawa ko eh. Huminga ng malalim. Jusko. After kay Cedric. Si Dayle naman? Tindi mo Keisha eh no? Si Cedric understandable pa na maging crush mo kasi wala namang ka-fling yun nung time na yun, may chance pa na magustuhan ka niya.
Eh si Dayle? May Lyka siya. Jusko, magkagusto ka ba naman sa may mahal nang iba, aba eh gusto mo talaga yung masasaktan ka eh no? Keish?
"Yan na sinasabi ko Keish, di ka kasi nakinig samin. Yung pag sakay mo sa trip, nagkatotoo tuloy." breathed Leilanie.
I told them about sa crush feels ko kay Dayle. All the fantasies I had before I finally realized na crush ko na talaga si Dayle. And yeah, as I expected. Ang O.A. nila.
Napangiti ako, habang iniisip ko yung features ni Dayle.
"Eh mga Be. Di naman yun dahil dun. Yung ngiti niya kasi... Yung galing niya sumayaw... Yung pabago-bagong personality niya at yung buong pagkatao niya. Mga beee dun ko siya nagustuhan." I stated a-matter-of-factly and smiled at them.
Naiimagine ko yung mukha kong high na high. Shiz. I'm in a great mess.
"Hala? Hopeless romantic ang peg te?" said Shiela.
I looked at her, smiled, and nodded.
Ouch!
Yung pag deday-dream ko! Nasira ng lecheng sampal ni Rossy. Tinignan ko siya ng masama as if asking her what the fuck was that for.
"Gising ka na?" na agad naman niyang sinagot ng tanong.
"Be seryoso. Anong plano mo? Eh ikaw na mismo nagsabi na may Lyka si Dayle diba? Ano, kontrabida ang drama mo?" Shiela asked. I scowled.
Sigh. Syempre di ko yun gagawin no, di ako desperate to do or even plan of doing things like that.
"Wala! Pwede namang happy crush ah? Yung puro kilig lang. Ang O.A. nyo lang naman eh." sabi ko na lang na parang it wasn't a big deal.
"Ah ganon? Pinoprotektahan ka lang namin, kasi nung kay Cedric, di lang namin sinasabi sayo pero sobrang nagiba ka, lagi kang nakabeastmode on." Stated Ella.
I wasn't aware of that. I just shrugged.
"Eh iba naman kasi yun, nag-expect ako na magkakagusto din siya sakin." I told them as a matter of fact. "Eh kay Dayle wala namang expectations kaya walang dapat ika-upset. Right?"
They all looked at me intently. Di ako nagpatalo until they were convinced.
"Okay basta sinabihan ka namin ah?" Leilanie asked me in behalf of the other girls.
I smiled at them and nodded.
"Okay." I replied.---------------------
Ayun tumagal ng tumagal lalo kaming nagiging close ni Dayle. Yung close na minsan di ko maiwasan mag assume na may something na rin siya para sakin pero napakaimposible nun kaya kinakalimutan ko din agad.
Kung may balak ako aminin sa kanya? Wala. Pampakomplikado lang yun eh. Tsaka wala din namang mababago if ever na aminin ko yon. Ay pwedeng meron din pala, baka mailang siya sakin at iwasan ako. Syempre ayokong i-risk yung friendship namin no. Besides, crush lang naman eh, no more than that. Kase kung lalagpas pa dun, baka ako na mismo sumampal sa sarili ko.