Chapter 23

32 9 2
                                    

Chapter 23 - Unsaid feelings

Dayle Atienza's POV

Hindi ako mapakali. Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Ngayon lang ako walang mahanap na salita para simulan ang sasabihin ko.

Naglalakad kami ni Keisha papunta sa Bella's Garden. Walang ekspresyon 'yung mukha niya, halatang wala 'yong isip niya sa kung nasa'n kami ngayon. Tinitigan ko lang 'yung mukha niya. Ang ganda niya talaga, ang cute ng medyo maliit niyang mukha. Ang sarap sigurong halikan ng manipis na labi niya. Pingutin ang matangos niyang ilong at 'yung mata niyang pag tinignan mo para kang malulunod.

Hindi ako romantikong tao. Ginagawa ko lang kung anong gusto kong gawin. Kaya nga siguro gago ang tingin ng karamihan sa 'kin. Lalo na ni Lyka, at siguro gano'n din ang magiging tingin sa 'kin ni Keisha pagkatapos ng gabing 'to.

No'ng nakaraang buwan, sinabi ko kay Ced na gusto ko din si Keisha. Nagulat ako no'ng sabihin niyang alam niya. Pinaalam ko sa kanya na balak ko nang aminin 'to kay Keisha, no'ng time na 'yon, nakita kong natakot si Ced. Ayaw niyang pumayag sa gusto kong gawin. 'Wag na raw akong manggulo.

Pero sinabi kong hindi naman ako nanghihingi ng permiso sa kanya. Pinaalam ko lang sa kanya kasi alam kong mayroon ng something sa pagitan nilang dalawa. Ang tagal ko 'tong pinag-isipan... buo na ang desisyon ko. Sasabihin ko kay Keisha lahat.

Ayoko ng mabuhay sa mundo ng "Pa'no kung". Pwedeng may chansa pa kay Keisha pero mas pwedeng wala na. Ang mahalaga lang maging totoo na 'ko kahit minsan lang.

Umupo kami sa isang upuan sa hardin.

"Ano bang dapat kong malaman?"

Huminga ako ng malalim. Hindi ako nag-eexpect ng kahit ano pagkatapos nito. Ang gusto ko lang, magpakatotoo.

"Ipangako mong hindi ka magsasalita habang nagke-kwento ako. Okay?"

Tumango siya at tumitig lang sa 'kin.

"No'ng unang araw ng pasukan sa college. May isang babae na nakakuha agad ng atensyon ko. Ikaw."

Sinubukan kong hawakan 'yung kamay niya pero inilag niya 'yon. Pumikit ako at bumuntong hininga.

"Nagustuhan kita. Sobra. Pero may Lyka. Nababasa niya lahat ng chat natin, nagseselos siya pero hindi ko mapigil-pigil... tuloy parin ako sa pag-approach sa 'yo."

Kinuyom ko 'yung kamao ko.

"Lagi ko na lang sinasabing magkaibigan lang tayo. Pinapakita ko sa 'yo na si Lyka ang mahal ko. Pero kada magkasama tayo, lumalabas parin 'yong totoo. Mas nakikita sa actions ko na gusto kita."

Tumingin ako sa malayo.

"Nilabanan ko parin. Lagi kong gustong kasama si Lyka. Lagi kong siyang niyayaya na lumabas. Gusto kong bumalik 'yung pagkabaliw ko sa kanya, gusto kong kalimutang nagugustuhan kita. Kasi 'yon ang sa tingin ko tama. Kasi ayokong masaktan si Lyka."

Nakita ko sa gilid ng mata ko na yumuko siya. Pero walang bakas ng lungkot. Nagsalubong lang 'yong kilay niya.

"Pero ayaw talaga... No'ng gabing pinauwi ko silang lahat at ako lang 'yung naghintay sa 'yo. 'Yung dinala pa kita sa Jollibee, natatandaan mo?"

Tumango siya.

"Buo na ang desisyon ko no'n na sumugal... Sasabihin ko sana sa 'yo na pakiramdam ko gusto kita, na kailangan ko lang ng konting panahon para masigurado 'yon. Pero pinagkwento kita 'di ba? Noon ko lang nalaman na ang lungkot ng buhay mo... parang hindi ko yata kayang dumagdag pa ako. Kaya sabi ko 'wag na lang kasi baka masaktan lang kita. Kaya kabaliktaran nung dapat na sasabihin ko sa 'yo 'yong nasabi ko. Tapos tinulak na lang kita sa iba, kay Ced... kasi alam kong mas safe 'yung puso mo kung sa kanya mo ibibigay."

"Sinubukan ko ulit ayusin 'yong sa 'min ni Lyka. No'ng una naging okay hanggang sa isang araw naramdaman kong nagpapanggap na lang ako na okay. Pinaliwanag ko lahat kay Lyka, umiyak siya pero wala na 'kong magawa. Tinanggap ko na lang 'yung mga mura niya. Kasi ang gago ko naman talaga. Pwede ka ng magsalita."

Pumikit siya ng madiin. Ang tagal naming natahimik. Sobrang tagal. Nakakabingi 'yong katahimikan.

"Nakakatanga." sabi niya ng nakangiti na para bang isa itong napakalaking joke. "Wala naman akong dapat maramdaman 'di ba? Wala ka naman sanang ine-expect after nito?"

Nasaktan ako pero tumango ako at nagbigay ng pilit na ngiti.

"Gusto ko lang sabihin lahat ng 'yon, 'lam mo na, ayoko na ng regrets." sabi ko sa kanya.

"Sa totoo lang wala akong masabi. Wala akong nararamdaman, yes nagagaguhan ako sa 'yo pero wala akong paki, alam mo 'yon? 'Yong tipong sasabihin ko pa sa 'yo na magpaka-gago ka all you want. Kasi ikaw naman 'yan, sabi mo nga, ikaw ang pipili ng destination mo. Ang hiling ko lang para sa 'yo eh matagpuan mo na 'yong tamang bus na dapat sakyan mo."

Masakit 'yung mga naririnig ko mula sa kanya. Wala na nga talaga siyang nararamdaman para sa 'kin at dapat kong tanggapin 'yon dahil unang una sa lahat, kasalanan ko naman.

"Alam mo kung anong mas bumabagabag sa 'kin? 'Yung inisip ni Ced na pwedeng may magbago pagkatapos nito. Parang mas nasaktan pa 'ko dahil do'n kaysa sa mga narinig ko mula sa 'yo. Minaliit niya 'yung pagmamahal ko sa kanya, nakuuu, tatadtarin ko talaga ng kurot 'yung kumag na 'yon pag nagkita kami."

Yumuko ako. Sa totoo lang, inexpect ko naman 'to. Pero ang sakit pala pag actual nang nangyayari. Ang sakit pala na parang ako pa 'yung sumaksak sa sarili ko. Doble 'yung sakit kasi alam kong kasalanan ko.

Ngayon napatunayan ko na hindi pala dapat lagi mong gagawin 'yong sa tingin mong tama. Kasi hindi lahat ng nakikita mong tamang gawin ay tama. Mas okay parin 'yung paminsan-minsan makinig ka sa puso mo, na hindi ko ginawa. Ay mali, na ginawa ko, pero huli na.

Ngumiti ako kay Keisha, "'Yon na 'yon."

"Kaloka."

"Pasensiya ka na, ha?"

"Ayos na 'yon. Truce na tayo. Sobrang nasaktan mo 'ko dati, nasaktan kita ngayon- pero 'di ko sadya 'to ha! Nagsabi lang ako ng totoo!"

Natawa ako sa kanya, ginulo ko 'yong buhok niya. Ang cute niya talaga.

"Mukhang wala na talaga akong pag-asa." Nginitian ko s'ya.

Ngayon... kailangan ko ng tanggapin, kailangan ko ng magsimula ulit. Magiging masaya na lang ako para sa kanila. Dapat naman sa 'kin 'to eh.

"Sana maging okay na kayo." sincere kong sabi sa kanya na sinuklian niya ng hopeful na ngiti.

___________

2 chaps to go!

Confusing as HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon