Chapter 18 - Tadhana
Cedric Madrigal's POV
Summer Vacation na.
Bwisit, ang bilis ng panahon pero hindi ng lovestory namin. Bwisit kasi yung mga prof. Kung ano-anong assignment ang binibigay. Kaya ayun, busy kami lahat. Lalo na nung finals! Halos limang oras na nga lang tulog namin nun gabi-gabi.
Kung tao lang si tadhana, pinitik ko na yun sa noo. Bwisit kasi, di man lang kumikilos samin ni Keish? Bwisit talaga bahala siya ako na lang ang gagawa ng paraan. Tutal bakasyon naman.
To Ella: ELLA! TULONG NAMAN OH :(
From Ella: What?
To Ella: ligaw Keish :(
From Ella: ako ligaw Keish?
To Ella: gaga ka!
From Ella: ano ba un? Leche ka ced ha.
To Ella: tulungan mo ko magkatime kami ni Keish. :)
From Ella: Hintayin mo si tadhana leche ka talaga.
Eh wala nga antamadtamad nyang tadhana na yan. Gago talaga yang tadhana na yan aba.
To Ella: Wala kang kwenta kalimutan mo ng magkaibigan tayo. Tse
'Di s'ya nagreply. Nakakainis naman 'tong babae na 'to eh.
Unli call ang load ko ngayon kaya tinawagan ko si Keish. Siya naman ang dahilan kaya ako nag-unli eh. Sa ikalawang ring sinagot niya agad. Napangiti ako. Minsan talaga kumo-corny ako dahil sa babaeng 'to eh. Kutusan ko 'to eh. Joke syempre.
"Uy! Buti napatawag ka."
"Sorry, alam ko namang namiss mo ang gwapo kong boses ka-"
"Tanga ka talaga." Pagputol niya. Aba, ano'ng katangahan sa pagiging gwapo?
"Ano bang meron?" tanong ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga."Wala. Masaya lang ako." sabi niya. Naiimagine ko 'yung nakangiting mukha niya, yung matang halos di ko na makita pag nakatawa. Hayy.
"Masaya kang marinig ang boses ko?" I teased.
Minsan wini-wish ko na makuha siya sa pang-aasar ko gaya nung ibang kwento na nababasa ko. Sana.
"Antanga talaga."
"Bakit ba?"
"Di ko pwedeng sabihin sa 'yo eh."
Napakunot ang noo ko. Bahagyan parang may pumitik sa loob ko.
"Bakit?"
"Basta, bye na! Magbibihis na 'ko. Alis ako eh."
Pagabi na ah? Bat aalis ka pa? Gusto kong itanong, pero sino ba 'ko sa kanya?
"Bye." I said, instead.
I waited for her to hang up. But she didn't.
"Uy." tawag niya.
"Oh?" I asked.
"Galit ka? Bat antamlay?"
"Wala. Bye"
"Bat nga?"
"Wala wala. Sige na bihis ka na."
"Sige, bye gwapo."
I smiled like a fucking weirdo. Yung tampo na di nya sinabi sakin yung dahilan have been shot to hell just because she cared. Lastik.
My phone beeped. Binuksan ko agad kasi baka si Keish. Pero hindi.
From Tito Oscar:
Ced, don't forget to go to the restau-bar! Ifafamiliarize niyo pa ang banda niyo sa vocalist na ipapakilala ko!