Chapter 10
"Jealous"Keisha Yokoi's POV
Isang linggo na ako nakatengga dito sa bahay. Isang linggo nang hindi umuuwi si mama. Isang linggo nakong mag-isa sa bahay. Tangina. Kung di lang dahil magkatext kami ni Ced lagi, baka namatay nako sa boredom at. . . Pag-aalala.
Pag-aalala kay mama. Potek. Itatanggi ko pa ba sa sarili ko? Itatanggi ko pa bang mahal ko parin si mama? Itatanggi ko pa bang mahalaga parin saking ligtas siya?
Bakit ba kasi di siya umuuwi? Nakalimutan na ba niyang may anak siya? Nakalimutan na ba niyang andito pa ko? O nagsawa na siya? Nagsawa na siguro siya sa sama ng ugali ko. Nagsawa na siguro siya dahil wala akong modo sa kanya.
Ang sakit.
Sobra.
Ang sakit isiping baka pati si mama mawala na din sakin dahil napakaunfair at unreasonable ko. Ang sakit isiping baka nagsawa na siya dahil siya yung pinagbubuntungan ko ng galit.
Galit nga ba ko dahil sinisisi ko siya sa pag-alis ni papa? O sa iba pang dahilan? Bakit nga ba di ko pa siya napapatawad? Dahil ba ayaw ko parin siya patawarin o dahil never naman siyang nagsorry? Diba? Pano mo ba papatawarin ang mga tao kung di naman sila humihingi ng tawad?
Pota.
Nasan ba siya?
Nasan ba si mama?
Nakakagago na tuwing andito si mama, nagpapanggap ako na ayaw ko siyang makita. Nagpapanggap akong matigas at ayaw siyang kausap. Pero ang totoo naman- kada gabing uuwi ako ay sinisilip ko pa din siya sa kwarto niya.
Para kong gaga 'no? Di maintindihan, kahit ako gulong gulo na rin sa sarili ko eh. Gusto ko ng pagmamahal mula kay mama, galit ako kasi di ko yon maramdaman.
Ang sakit.
Ang sakit na para bang pinipiga yung puso ko.
Ang sakit na para bang di na to natapos.
Ang sakit na para bang buong buhay ko hindi ako naging masaya ng tuloy tuloy.
Sa mga kaibigan na nga lang ako bumabawi eh, sobrang saya ko kasama sila. Pero they will never be enough. Kailangan ko parin siguro talaga ng pagpapasaya mula sa magulang. O kahit kay mama na lang.
Nandito ako sa kusina namin, wala paring kabawas bawas yung pagkain ko. Kainis. Nakakawalang gana.
Maya maya biglang tumunog yung gate namin. Inabangan ko kung sino. Umasang si mama yun.
And then my mother came to view. May dala siyang paper bags ng jollibee. My gaze turned cold as it landed to her. Automatic na yata to sakin."Anak pasensya na't di ako nakauwi ng isang linggo, nadengue kasi si Ana." sabi nya tapos nilapag niya sa table yung paper bags.
Napoot ako sa narinig ko.
Humigpit ang kapit ko sa kutsara.
Nagdiin yung mga labi ko sa pagtitimpi.
Isang linggo akong pinabayaan. . . Para magalaga ng iba?! May mga magulang naman yun ah?! Bakit kailangang nanay ko pa ang magasikaso sa kanya?!
Pinsan ko si Ana. Pero. Galit ako sa kanya. Dahil simula bata ako, siya na yung inalagaan ni mama. Yun kasi ang trabaho ni mama kaya maaga siya umalis at gabi kung dumating. Kasing edad ko lang si Ana pero hanggang ngayon, inaasikaso parin siya ni mama. Dati okay lang sakin pero ngayon, natuto akong mapoot at magselos. Lalo na nung araw na yon.
Tumayo ako na parang di ko siya narinig. Naglakad ako para makabalik sa kwarto ko na parang wala akong pakialam. Tumalikod ako na para bang di ako nasaktan.