Chapter 17 - Missing you
Cedric Madrigal's POV
It was Heart-breaking.
Yeah. She did tell me everything happened that day and now I understand why she shut everyone out even more.
Napayuko ako at sinabunutan ang sarili ko. Sana hindi niya nakikitang may tumulong luha sakin. Sobrang sakit kasi ng nangyari sa kanya and then she cried pa. Kaya ayun nadala ako at naiyak. Yeah I know hindi manly.
And now. Wala naman akong masabi. Shit. Ano bang dapat sabihin. It sucks to have million of words but there are times like this na we lack of words to say.
Silence engulfed us.
It was an awkward silence and yeah, I hate it.
"Edi sinong nakakasabay mo maglunch for 2 weeks?"
I asked that.
Dickwad. Seriously?! Ayan yung tanong mo for the 30 minute story she told you?!
Well, better that than nothing.
I heard her chuckle and I frowned."Si Danna." maikling sagot niya.
Tumingin ako sa kanya. Her eyes were shining.
Danna is our blockmate. Sobrang tahimik na halos midterm ko na last sem nalaman yung existence.
"You endured her silence?" I asked with an amused look. Si Keish kasi 'to eh. Maingay, isip-bata, madaldal.
Pinaningkitan niya ko ng mata and here I am, trying to push the smile creeping on my lips.
"kinailangan ko nga yung silence eh. Atleast kahit di siya madaldal she accompanied me."
I regretted the try of teasing her. Nag-pout ako.
"Sorry."
"Ano ka ba di mo naman kailangan mag-sorry."
"Kahit di kailangan, SORRY. Kahit di ko obligasyong samahan ka nun, SORRY."
"Drama."
I grinned.
"Sino kaya?"
She snorted.
"Leshe ka."
Tumayo kami at iniharap ko siya sakin. Madilim pero kitang kita ko na siya.
"May kanta ako for you."
"Hmmm. Sige."
Hinawakan ko yung dalawang kamay niya gamit ang dalawang kamay ko. Tumitig lang siya sakin, ako naman ngumiti at nagsimula.
" I heard that you've been
Having some trouble finding your place in the world.
I know how much that hurts,
But if you need a friend
Then please just say the word..."Tamang tama yata yung first stanza kasi hinampas niya ko sa dibdib. Tumawa ako at hinuli ulit yung kamay niya.
Gusto ko lang talagang malaman niya na kaibigan niya ako kahit anong mangyari. 'Di na mauulit ang kaartehan ko noon at basta tawagin niya ang pangalan ko, dadating ako.
"You've come this far,
You're all cleaned up,
You've made a mess again,
There's no more trying,
Time to sort yourself out...Hold on tight,
This ride is a wild one,
Make no mistake,
The day will come when you can't cover up what you've done,"Yumuko siya at hinigpitan ko yung kapit sa kanya. Ang babaeng 'to, mas lalo ako humanga sa kanya. Napakahina niya at the same time, napakalakas niya. 'Di totoo ang ipinapakita niya pero hindi siya peke. Nakakatawa. Nakakalito pero naiintindihan ko.