Chapter 11

63 19 10
                                    

Chapter 11
"had the opposite effect"

Keisha Yokoi's POV

Pulang pula ako. Ramdam ko yung sobrang init ng pisngi, hindi sa alak, hindi sa kahihiyan . . . Ewan, basta ang alam ko iba yung dahilan. Ang sarap ng halik. Hindi girly yung masarapan sa halik pero ako lang naman nakakaalam ng iniisip ko kaya okay lang.

Pulang pula din si Ced, his eyes wide open. Parang nawalan na din siya ng tama sa alak. Sakin na siya tinamaan. Kemeee. Magkatitigan kami, parehas gulat na gulat sa nangyari.

Tae. Di ko pwedeng sabihing he kissed me, di din pwedeng I kissed him. More of, we kissed each other. Kasi lumaban ako eh, though di ko naman ginawa yun kung wala akong tama ng alak. Eto pala yung sinasabing lumalandi ang tao pag tinatamaan ng alak.

"Shit, Keish, sorry sorry. Di ko nacontrol sorry Keish." Sabi niya. Naka-lock yung tingin ko sa kanya . . . Kita ko sa gilid ng mata ko na nanonood samin sila Dayle. Pucha. I felt bad na nakita niya yung kalandian ko. Pero I can't regret the kiss, I enjoyed it. And in the very first place, I asked for it kasi nga may tama ako. Though may wrong din si Ced kasi ginawa niya kahit mali, pero, masisisi ko ba siya? May tama na din siya eh, and kung ikaw ba hilingin ng taong gusto mo na halikan mo siya, di mo ba gagawin?

Di ako makapagsalita.

Tsaka ayokong magusap kami kaharap sila Dayle.

Kaya tumakbo ako palabas, sure naman ako na susunod si Cedric eh. Syempre sumunod nga siya. Napangiti ako.

"Keish! Sorry Di ko talaga yon sinasadya-"

I shut him up with a kiss, short but deep. Nung magumpisa siyang lumaban sa halik ko, hinigit ko na yung sarili ko hanggang kaya ko pa.

Gulat na gulat siyang tumitig sakin. As if narinig ko yung question niya mentally.

I smiled sweetly at him, "Nabitin ako eh." I reason and a playful smile creeped on my lips.

Shocked pa rin siya. Medyo nakabukas pa nga yung lips niya eh. I laughed inwardly. Hindi niya inexpect na I can be this flirty.

"What. The. Fuck." sabi niya. At tuluyan na kong natawa. Ang priceless ng reaction niyang yun ah.

"Yah, I can be a bitch sometimes." I told him and he laughed.

"Never would have thought." he stated. "Teka panindigan mo 'ko. You raped me!"

Tumawa ako ng malakas! The heck?

"Gago." mura ko sa kanya. Kaya napatawa na din siya.

"Iuwi na kita?" tanong niya kaya sinuntok ko siya. "para san naman yon? Sa inyo kita iuuwi! Ang malisyosa mo naman!" he laughed and I rolled my eyes at him.

"Pano sila? Baka magalala yung mga yun." tanong ko.

"Let them die because of curiousity." Sabi niya. Tapos sumeryoso yung mukha niya.

"O bat ganyan mukha mo?" tanong ko, nagsimula na kaming maglakad papuntang sakayan.

"Hahabulin ka sana dapat ni Dayle pero sabi ko ako na." kwento niya at nagsalubong yung kilay ko. Ayan yung mga akto niyang nakakalito. Pero dahil natuto na ko, alam kong nagalala lang siya dahil nga kaibigan niya ko. "Nakakapagtaka lang." dagdag niya.

"Nagalala lang yun, kahit naman siguro si Kemby o Pat hahabulin ako, kaso tulog sila." I laughed a little para ipakitang di ako affected.

"Abnormal bang masayahan ako na nakita ni Dayle na nagkiss tayo?" sabi niya as he grinned from ear to ear. I blushed. Bumibilis talaga yung tibok ng puso ko sa mga kaabnormalang sinasabi ni Cedric, pati sa ngiti niyang kita lahat ng maputing ngipin niya.

"Abnormal ka naman talaga eh." I laughed at lalo pang lumaki ang ngiti ni Cedric.

"Nagsalita ang normal!" sumipol siya at natawa ulit ako. Hahaha.

"Normal ako!" I slapped his arm.

"Oh edi sige. Kung normal yung humiling ng halik sa lalaki at kung normal yung mang halik ng lalaki, sige normal ka na." sabi niya.

I burst out laughing.

Ayun, sumakay kami ng jeep. Parehas lang kami ng sinakyan na Jeep, sa magkabilang dulo kami umupo kaya magkaharap kami. Tahimik lang kami, medyo malayo layo pa kaya nakita kong pumikit si Ced.

Tumitig ako sa kanya na parang kinakabisado yung mukha niya.

At shit bigla siyang nagmulat ng mata at nahuli niya kong nakatitig sa kanya ka nag smirk siya.

"Titig pa." pangaasar niya, umirap ako sa kanya kahit nakangiti na ko, "Gisingin mo ko pag bababa ka na ha? Hahatid kita sa inyo." Sabi niya.

Tumango ako. Tapos pumikit na ulit siya.

Kinapalan ko na yung mukha ko na pumayag agad na magpahatid. Ewan. Parang gusto ko pa siyang makasama eh. Sa halik na yon, dapat maging awkward eh. Dapat nga gustuhin kong lumayo sa kanya dahil sa kahihiyan diba? Pero it had the opposite effect. Parang mas gusto ko pang makilala si Ced ngayon, parang mas gusto ko pang mapalapit kami sa isa't isa.

Ang landi ko. Ang sama ko at the same time. Alam ko naman na may gusto ako kay Dayle tapos ineentertain ko pa si Ced. Pero di ko naman ginagawang panakip butas si Ced, kasi kahit di ko man aminin, ramdam ko sa sarili ko na masaya ako pag magkasama kami.

Kung si Dayle alam na alam yung mga saktong salita na makakasakit direkta sa puso ko. Si Ced kabaliktaran, alam ni Ced yung mga saktong salita at yung mga dapat gawin para makapagpinta ng ngiti sa labi ko.

Basta ang alam ko, bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga mabulaklak na linyahan ni Ced, sa ngiti niya, sa tawa niya. Gusto ko siyang kasama kasi alam kong alam niya kung pano ako mapapasaya. Gusto ko siya lagi sa tabi ko kasi alam kong siya ang makakaintindi ng lahat ng drama ko sa buhay dahil alam niya yung wasak na pakiramdam.

Alam kong komportable ako kay Ced. Alam kong nawawala si Dayle sa isip ko pag kausap ko si Ced. Alam kong mas tama na si Ced na lang ang pagtuunan ko ng pansin. Pero di ko pa rin talaga masabi kung may nararamdaman na ba ko para sa kanya. Ayokong madaliin . . . Susunod na lang ako sa agos.

Ginising ko si Ced tapos hinila ko yung tali. Bumaba kami, napatingin ako sa mata ni Ced na mamula mula pa, ngumiti siya. Tae ang cute niya.

Nagkwentuhan kami ni Ced habang naglalakad papunta sa bahay namin. Bali next week enrollment na para sa second sem at sabi niya sabay na kaming magenroll. Eh kaso nauna ng magyaya sakin sila Rossy kaya sabi ko hindi pwede at sa boys na lang siya sumama para di hussle.

"Keish." bigla siyang nagseryoso nung nasama may tapat na kami ng gate namin.

"oh."

"Wala pa ba?" malungkot niyang tanong habang nilalagay niya yung kaliwang kamay niya sa puso niya. Naintindihan ko agad yung tanong niya. Tinatanong niya kung wala pa ba akong nararamdaman para sa kanya.

Malungkot siya.

Bakit yung lungkot niya . . . Ay nakapagpalungkot din sakin?

Ayokong sabihin na masaya ako pag kasama siya kasi baka umasa siya.

yumuko ako, "Ayokong paasahin ka." Sabi ko.

"Di mo sinagot yung tanong."

"Ewan ko, Ced. Di ko alam."

He held my chin at itinaas yung mukha ko. Nakangiti siya. Ngiting hindi ko alam kung totoo o peke.

"Makukuntento na ko sa saya na hindi mo masabing wala kang nararamdaman para sakin."

Ngayon, alam kong totoo yung ngiti niya.

Napakapositive niyang tao. Masaya akong ganto siya. Masaya akong gantong klaseng lalaki siya.

Nginitian niya ko sa huling pagkakataon tapos hinalikan sa noo. Kinilig ako. Iba yung kilig ng halik sa noo eh.

Tumalikod na siya at naglakad palayo, "Ingat!" sigaw ko sa kanya. Lumingon siya sakin tapos nagflying kiss. Cute niyaaa.

Susunod na lang talaga ako sa agos.

Confusing as HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon