Chapter 8: Part 2
"What?!"Keisha Yokoi's POV
Nung biglang...
Poke.
"Uy."
Nanlaki yung mata ko pero nakatingin ako kay Dayle. Sya lalong lumaki yung ngiti.
Poke.
"Uy. Narinig ko yun."
Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Hindi sa kilig. Kundi sa kaba. Anak ng tokwang kulay blue.
Poke.
"Uy Keish. I heard what you said."
Dahan dahan akong lumingon sa kabilang side ko.
At ayun...
Nakaupo na sa tabi ko si Cedric.
Napatingin ako sa mata nya. Ang saya saya ng mata nya tapos sobrang laki pa ng ngiti nya.
He wiggled is eyebrows.
Di ako makapagsalita. Ano... Pano siya napunta dito? At... Narinig nya?
Tumingin ako kay Dayle pero nag shrug lang sya. Pero nakangiti pa rin ng nakakaloko kaya sigurado ako na pakana niya to. Parang gusto kong pumatay ng kahit sino basta yung maitim at yung naging crush ko na may mahal na nagngangalang Lyka!
Nak ng tupa't kambing. Anong gagawin ko?!
Lumingon ulit ako kay Cedric. Nginitian ko siya, di naman yun halatang peke dahil sanay akong pumeke ng ngiti eh.
"Ikeeeee. Oh sige alis na ko ha?! Pre kaw na bahala dyan." Sabi ni Dayle at nagsimula ng tumayo.
"OY! ANO IIWAN MO KO DITO?!" sigaw ko pero. Tinignan nya lang ako at ngumiti- yung ngiting... Parang sinasabing para sakin din to. What?! Diko maintindihan!
Pinabayaan ko na lang siya. Galit na ko. Dahil di ko maintindihan.
"Keish." tawag ni Cedric. Tumingin ako sa kanya. Seryoso na din siya.
Ngumiti ako sa kanya. Ayoko siya idamay.
"Pano ka naman napadpad dito?!" buong siglang tanong ko sa kanya tapos hinampas ko siya ng mahina sa braso.
"Kailangan may hampas?" natawa siya. "Kanina pa ko dito naggagala gala. Nagkita nga kami ni Dayle kanina eh."
"Ah..." Tumango tango ako.
"Narinig ko..." sabi ni Ced, tapos unti unting lumaki yung ngiti niya.
Shems?!"Alin?"
"Yung crush mo ko at pag nanligaw ako-"
"Joke lang yun."
"Wews."
"Jusko."
"Wala nagpromise ka pa nga eh."
"Ced."
"Oh? Talaga naman ah?"
"Sabi ko lang yun para di isipin ni Dayle na siya lang yung gusto ko."
"at totoong siya lang?"
"Oo."
Nanlaki yung mata ko. May tendency talaga ko na sumagot ng hindi iniisip yung isasagot eh.
Tumingin ako sa dagat. Natahimik si Cedric. Nakasakit nanaman ba ko? Nakasakit nanaman bako dahil di ko iniisip yung mga sasabihin ko?
Di ko siya matignan. Parang hinihigop lahat ng lakas ko at wala kong ibang magawa. Naiinis ako kung bakit nandito ko sa sitwasyon na to. Naiinis akong isipin na si Dayle ang may pakana nito.