Chapter 25

58 10 9
                                    

Chapter 25 - True love starts where the story ends

Keisha Yokoi's POV

Hindi namin nahintay ang isa't isa. No'ng nawala siya, naging malapit ako kay Dayle. Sobrang miss na miss ko si Ced no'ng mga time na 'yon kaya pinilit kong ibaling 'yung atensyon ko sa taong nasa tabi ko, kay Dayle.

Si Ced naman, nainlove s'ya sa babaeng nakilala niya sa school nila. Sobrang nasaktan ako. Sobrang nasaktan kami.

Gano'n yata talaga e. Pag hindi kayo, hindi kayang ipilit. Ipaglalayo at ipaglalayo kayo, kahit pa sabihin nating mahal na mahal niyo ang isa't isa. Kahit pa sabihin nating siya 'yung dahilan ng pagkaayos ng buhay mo.

Hindi kami ni Ced ang para sa isa't isa at isa 'to sa mga bagay na kailangan na lang tanggapin. Kasi walang mangyayari kung ipipilit pa. Kasi masasaktan lang kung itutuloy pa.

Ngayon... may kanya kanya na kaming buhay ni Ced. Masaya na ko't masaya na siya. Tama lang siguro kung itapon ko na 'tong singsing na 'to.

Syempre isa 'tong joke. Bakit ba ang seryoso ng mga tao ngayon?

Going strong kami ni Ced, enebey! At dahil nasa twenty-first century na tayo, halos araw-araw parin kaming nagkikita. Kaso nasa isang maliit na square lang siya. Mapagtityagaan naman kasi ang gwapo gwapo niya. Ng boyfriend ko. (eeeee) Bakit ang sarap naman sabihin no'n?!

Sa unang taon, sobrang hirap, lalo na kasi ang layo ng pagitan ng oras dito at oras do'n pero dahil sanay naman akong magpuyat, okay lang. And'yan parin 'yong mabulaklak niyang salitaan. Siya parin 'yong lalaking hindi nauubusan ng paraan para pakiligin ako. Malayo lang siya pero siya parin naman 'yung lalaking mahal na mahal ko.

Sa ikalawang taon ang daming nangyari, dumating si Papa sa bahay namin... Nagulat ako kasi okay kay mama. Mas inisip nila 'yung magiging reaksyon ko. Iyakan ang tema namin tatlo lalo no'ng nagpapaliwanag si papa.

HINDI SIYA NANGBABAE. Wala siyang ibang pamilya. Pa'no nangyari? 'Yon din ang tanong ko dati e. Pero kinwento niya. 'Yong mga panahong puro bunganga si mama, 'yon 'yung time na laging walang binibigay si papa na pera, do'n na nag-isip si mama na may babae siya. 'Wag ko daw sisihin si mama sabi ni papa, kasi kasalanan niya lahat.

Kaya pala hindi nagbibigay si papa noon ng pera ay dahil sa may sakit siyang malubha. 'Yong babae naman na akala ni mamang babae ni papa ay doctor niya. Nung mga panahon daw na 'yon ay malala na ang sakit ni papa kaya minabuti niya ng umalis.

Mali daw 'yon pero naging magulo lang talaga ang utak niya no'n. Iyakan galore kami, lalo na 'ko. Kasi 'yung buong pamilya na pangarap ko, natutupad na.

Sobrang saya ko noon, magpapasko kasi no'n e. At ang mas kinasaya ko pa eh 'yong biglaang paguwi ni Cedric sa Pilipinas. Sinurpresa nanaman ako ng gwapo kong boyfriend.

Nakatayo kami sa garden nung bahay nila dito sa Pilipinas. Magkatitigan kami, nagkaroon siya ng kaunting bigote na nagpa-hot lalo sa kanya, medyo nagmature 'yung mukha niya pero ang gwapo pa din. Mahal na mahal ko e.

Sobrang tuwang-tuwa ako habang nakangiting nakatitig sa kanya. Nakakabadtrip nga lang 'yung una niyang sinabi.

"'Di ka man lang tumangkad kahit kaunti?"

Minaliit agad ako! Tama ba naman 'yon?! 'Di man lang muna ako sinabihan na 'oy namiss kita grabe bansot ka padin'. Pero hindi e, minaliit talaga agad ako. Oo sige matangkad na siya, siya na! Sinamaan ko nga ng tingin.

"Kasi hanggang ngayon nasa puso padin kita."

Tsaka niya pinatong 'yung palad niya sa ulo ko, papunta sa dibdib niya, kung sa'n nando'n 'yong puso niya at saka siya ngumiti ng napaka-sexy at kumindat.

Confusing as HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon